Twice is Enough

80 3 0
                                    

"Paano mo nagawa sa akin ulit ito? Diba nangako ka na hindi mo na uulitin? Bakit? May naging pagkukulang ba ako? Hindi pa ba sapat na binigyan pa kita ulit ng chance?" Hindi ako makapaniwala na naloko na naman ako. Napakatanga ko talaga. Nakakaiyak talaga. Napakaskit naman kasi eh.

"Sorry Gabrielle. Hindi ko sinasadya." -him.

"Hindi sinasadya? Nagpapatawa ka ba? Tsk. Ayaw ko na talaga sa iyo! Bahala ka na sa buhay mo." Umalis na ako pagkatapos kong sabihin ito. Bahala na nga siya. Pagod na akong magpakatanga!

Hindi pa ako nakakalayo ay mabilis nya akong hinarangan. Hahawakan na nya sana ang kamay ko, pero mabilis kong nailayo ang mga kamay ko. "Pwede ba, wag kang paharang harang sa daan! Tapos na tayo!"

Hindi man lang sya kumilos. Nanatili lang syang nakatayo. Binangga ko nga para makadaan. Tuloy lang akong naglakad. Para saan pa kung mananatili pa ako? Para masaktan na naman ulit? Hindi nalang! Ayoko na. Masakit na masakit sa puso. Bakit ngayon lang ako nakaramdam ng pagod? Dapat noon pa eh! Dapat hindi ko na sya binigyan ng second chance noon. Haay! Broken-hearted na naman. Bigo nga yata talaga ako pagdating sa pag-ibig. Naiisip ko tuloy na maging madre na lang. Sa ganoon, hindi na sasakit ang aking puso at hindi pa ako iiyak. Iaalay ko nalang sa Panginoon ang aking oras na nalalabi sa mundong ibabaw. Kaya lang baka hindi ako tanggapin. Hahaha At saka sayang naman yung kagandahan ko kung walang magmamana. Makakahanap din ako ng true love ko yung hindi ako sasaktan ng paulit-ulit. Sana nga! Crossed fingers.

Twice Is EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon