Prologue
I missed her. I miss her so much. Kailan ba siya babalik? Hinihintay ko siya araw-araw, but she never came. Hanggang sa naging buwan. At ang buwan ay naging taon. Gustong-gusto ko siyang sundan, natatakot lang akong baka magalit siya. Ayaw pa man din niyang may makaalam sa relasyon namin. Kung ako masusunod ay handa kong ipagsigawan sa buong mundo na siya ang pinakamamahal ko.
I remember the first time I saw her. Nasa tapat ako ng coffee shop noon. Itinigil ko muna ang kotse ko sa gilid dahil kailangan kong sagutin ang tawag ni tita Garnet. That time I already knew that I was attracted to her.
"Are you coming for dinner?" Bungad ni Tita.
"Yes, Tita. I'm on my way."
"Sinisiguro lang. I'll hang up then." Pagkasabi niya nun ay pinutol na niya ang tawag. Si tita Garnet ay civil ang pakikitungo sa akin. She's always civil. I can say that she doesn't like me. Its obvious.Pinakikisamahan niya lang siguro ako dahil kapatid niya ang aking ina.
Napabuntong-hininga ako. Wala sa sariling napalingon sa kaliwa ko kung saan kitang-kita ko ang paglabas ng isang magandang babae mula sa coffee shop.
Nakalugay ang mahaba at medyo kulot na buhok nito na malayang inililipad ng hangin. May hawak ito na sa tigin ko ay kape mula sa nilabasang coffee shop. Hindi ko magawang iiwas ang tingin ko sa kanya. She's beautiful. She's slim. At sa liit ng magandang mukha nito ay maihahalintulad ito sa isang manika. Isang napakagandang manika.
Mukhang naramdaman niyang may nakatingin sa kanya. Tumingin siya sa direction ko. Alam kong hindi niya ako makita mula sa labas dahil heavely tinted ang sasakyan ko.
I held my breath when she smiled. She's really beautiful! Sinundan ko siya ng tingin hanggang makasakay siya sa isang itim na van. Sa sumunod na araw ay sinadya kong punta sa coffee shop na iyon. And I saw her again.
Hanggang sa araw-araw na akong pumupunta doon para lang makita ulit siya. It became my every day routine. Napag-alaman kung tuwing sabado at linggo ay wala siya. And I assumed that she's a student. Hindi nga ako nagkamali.
Iminulat ko ang mata ko at tumingala. Bumungad sa akin ang puting pintura ng kisame ng kuwarto ko. Malungkot akong ngumiti.
"Please, Baby. Come back to me. I missed you so much..."
-----------
A/N:
Sa ngayon, ito muna.
BINABASA MO ANG
Just Curious
Художественная прозаSabi nga sa kasabihan, 'Curiosity kills the cat.' She's not cat, but she's curious. Mamamatay din ba siya gaya ng cat na iyon? Or not, because she's a female Homo sapiens? And her name is Evangielyn Caria Orriano, the girl who is always curious a...