Chapter 1

1.1K 41 7
                                    


A/N: Dahil sa napakaraming 'please'. I decided to published this chapter. Ito lang naman kasi ang available... hahaha...



Chapter 1

"Buenas Dias, Senyorita." Bati sa akin ng isang kawaksi. Here in Spain, Mucha-cha ang tawag nila sa mga katulong. Para sa akin ay hindi iyon maganda sa pandinig. So, kawaksi na lang.

Tinanguan ko lang ang bumati sa akin. Wala ako sa mood ngumiti, lalo na kapag sira ang araw ko.

"What's with the face, hija?" Napalingon ako kung saan nangaling ang boses. I saw my grandmother smiling at me. Nakaupo siya sa paborito nitong upuan sa balkonahe.

"Buenas días, Grandma." Bati ko habang papalapit sa kanya. Nang tuluyan na akong nakalapit sa kanya ay hinalikan ko siya sa pisngi.

"Is it about your boyfriend?"

"Naiinis lang ako, Grandma. Paano ba naman kasi hindi siya nagpaalam sa akin na pupunta pala siya ng Pilipinas. Kanina ko lang nalaman na nasa Pilipinas na pala siya." Nakairap na lintaya ko.

"Baka kasi hindi mo siya payagan. Alam mo naman 'yang boyfriend mo. Ayaw ka lang niyang nag-aalala." Wika ni Lola.

Napangiti ako nang marinig ko ang diretso ngunit matigas nitong Tagalog. Simula noong bumalik ako dito sa Spain ay nag-aral na ito ng wikang Tagalog. That was three years ago. 3 years and 10 months to be exact. Ngunit dahil sa hindi inaasahang aksidente ay sa mga taong iyon ay mas matagal yata ang inilagi ko sa hospital.

Hindi man lang ako masyadong nag enjoy sa pagpasyal sa mga lugar dito sa Spain. Matapos kasi akong makarecover ay pinilit kong ituloy ang pag-aaral ko dito.

"In fairness, Grandma. Marunong ka ng magsalita ng Tagalog." Sabi ko. Ngumiti lang siya sa akin.

Both of my grandparents in father side are pure Spanish. Si Mommy lang ang Filipino. That makes me half Filipino.

"Sa tingin ninyo, Grandma oras na para bumalik na ako ng Pilipinas?" Tanong ko.

Miss ko na si Mommy, Daddy at ang dalawang kong nakakatandang kapatid. Pati na rin sina Merriam at Jellice.

I was thankful because I remembered them. Pagising ko sa hospital noon ay konti lang ang naalala ko. But as the time goes by, unti-unti akong nakakaalala. Naalala ko na ang taong malapit sa akin.

Ngunit, bakit may parte pa rin sa akin na parang hindi buo? Pakiramdam ko may nakalimutan ako. Pakiramdam ko ay may naghihinatay sa akin somewhere. Weird, right?

"I think it's time, Hija. Besides, nandoon din ang boyfriend mo. Basta huwag mong kalimutan na dalawin kami ng Grandpa mo." Nakangiting wika niya.

"Of course, Grandma." Hinalikan ko siya sa noo. Tama siya. It's time.

"Mamimiss ko kayo ni Grandpa." Sabi ko. Nginitian niya ako. Tumingin ako sa tinitignan ni Grandma. Nakatingin ito sa ibaba, sa mga nagagandahang bulaklak sa hardin. Napangiti ako.

Nagtataka ako dahil dati naman ay hindi ako mahilig sa bulaklak, ngunit bakit napapangiti ako kapag nakikita ko sila?

Minsan ay may boses akong naririnig. At hindi ko sigurado kung kanino ang tinig na iyon. Narinig ko na ba dati o gawa-gawa ko lang?

Just CuriousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon