Special Chapter 1

779 36 1
                                    

A/N: Usually, sa last part ang mga special chapter. Sa akin hindi.. Haha... Third person's view. Maikli lang 'to...


Special Chapter 1

Wala sana siyang balak lumabas ngayon. But his friends keep bugging him to go out and celebrate his birthday. Pinagbigyan niya ang mga ito kahit mas gusto niyang sa condo lang siya dahil baka sakaling dumating siya ngayon. Baka sakaling umuwi ito. Baka susurpresahin siya ngayong birthday niya.

Naligo siya at mabilis na nagbihis. Sandali lang siya. Babalik din siya agad. Pagbibigyan niya muna ang mga kaibigan niya. Madalas kasing sila ang pumupunta sa kanya. Madalas siyang dinadalaw ang mga ito, baka raw nagbigti na siya.


Bago siya lumabas ng condo niya ay gumawa siya muna ng note. Idinikit niya iyon sa lugar na makikita agad. Baka dumating ito at makitang wala siya. Mainipin pa naman iyon. Sana kung sakali mang darating ito ay hintayin siya.

Muli niyang sinulyapan ang note bago tuluyang lumabas ng condo unit niya. Pagkarating niya sa lobby ay kinausap niya ang gurad na tawagan siya kapag dumating ito. The guard was just nodded. Naawang ngumiti sa kanya ang may edad na guard na hindi niya pinansin.

Kapag lumalabas siya ay hindi niya nakakalimutang magbilin na tawagan siya sakaling dumating ito para makauwi siya agad.


Pagkarating niya sa bar na pag-aari niya mismo ay nandoon na ang tatlong kaibigan niya. Hindi mahagilap ng mata niya si Kelvin. Gusto sana niyang itanong kung nasaan ang kaibigan kaso nagbago isip niya.

"Sa wakas na kita rin kita ngayong linggo." Salubong sa kanya ni Kristoffer . "I miss you." Nikayakap pa siya. Mabilis niya itong itinulak. Tumawa naman ang dalawang kaibigan sa ginawa nito.

"Kumusta, birthday boy?" Vince asked. Nakamata lang sa kanya si Cyrus.

"I'm fine." Matipid na sagot niya. Napapalatak naman si Kristoffer sa kanya. Tumabi siya sa mga ito at umorder sa bartender ng maiinom.

Pinasara niya talaga ang bar sa araw na iyon. Gusto niya na sila-sila lang, para walang maingay. Makalipas ang isang oras ay wala pa si Kelvin. Magtatanong na sana siya ngunit naunahan na siya ni Vince.

"Saan pala si Kelvin?" Tanong ni Vince bago nilagok ang laman ng baso nito.

"May sinundo sa airport." Sagot ni Cyrus na nakatingin pala sa kanya. Kumabog ang dibdib niya dahil sa sinabi nito. Sino ang susunduhin nito doon?

"Oh! Nandiyan na pala eh." Mabilis niyang nilingon ang direksyon na tinitignan ni Kris. Pakiramdam niya ay tumalon ang puso niya ng makita kung sino ang kasama nito. Naramdaman niya ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata. Masaya lang siya. Masayang-masaya. She's here. Umuwi ba ito dahil birthday niya?

My baby...

Hindi siya mapakali sa kanyang kinauupuan. Gustong-gusto na niyang lapitan ito at ikulong sa kanyang bisig. He missed her so much. He longed for her every day. At ngayong nandito na siya, gusto niya itong mayakap at kung pu-puwede lamang at hindi na ito mawala sa paningin niya kahit saglit. Gusto niyang nasa tabi lang niya ito.

Pinag-aralan niya ang hitsura nito. Mas lalo pa itong gumanda. Pinaputol na rin nito ang dating mahaba nitong buhok na halos umabot sa puwet nito, ngayon ay hanggang beywang na lang nito. Unat na unat at may kulay na tila sky blue sa dulo. Bagay na bagay nito. Mas lalo pa itong nagmumukhang manika. Napakaganda...

Nakita niyang tumitig ito sa kanya. Sa sobrang kaba niya ay hindi niya ito mangitian. Napansin niyang wala man lang siyang mabasa sa mga mata nito, gaya noon. She just looked at him at hanggang doon lang. He immediately dismissed the thought. Magaling lang itong magtago ng nararamdaman. Gaya noon. Baka umaarte lang ito para hindi mapansin ng Kuya nito.

Tama... Iyon na nga.

"Kuya..." Tawag nito sa kapatid. Damn. He missed her voice so bad. Namiss niya kung paano nito tawagin ang pangalan niya.

"I really have to go. Pupuntahan ko pa si Carl." Narinig niyang sabi nito na nagpatigil sa kanya. Who's Carl? Is that the cue na umalis na rin siya? Pupunta na ba ito sa condo unit niya?

Gusto pa sana niyang maghintay pa ng ilang minuto pa bago sumunod ngunit hindi na niya napigilan ang sarili niya. Tumayo siya mula sa stool.

"Teka saan ka pupunta?" Tanong ni Kelvin ng makita siyang naglakad patungo sa exit ng bar kung saan lumabas ang kapatid nito kanina. Tumigil siya saglit. 

"Uuwi na." Sagot niya.

"Kadarating ko pa lang." Reklamo nito.

"Let him." Cyrus said. Nilingon niya ito at tinanguan. Alam nito ang relasyon nilang dalawa. At nagpapasalamat siya dahil hindi nito sinasabi kahit kanino.

Mabilis siyang naglakad para mahabol na niya ang dalaga. Halos takbuhin niya ito ng makita niya ng likod nito.

His heart ached because of so much happiness. Hindi niya mapigilan ang sariling hindi mapangiti.

Mabilis niyang hinila ang braso nito paharap sa kanya. Hindi na niya ito binigyan ng pagkakataon na tumutol. He hugged her tightly. Napapikit siya sa init na hatid ng katawan nito. At nakagat niya ang ibabang labi ng maamoy niya ang pamilyar na pabango nito. Hindi niya napigilan ang sariling yakapin ito ng sobrang higpit.

"You're here. You're finally here. I miss you so much, baby. What takes you so long?" Aniya. 

Just CuriousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon