Chapter 2

1K 38 25
                                    

Chapter 2


Nanigas ako nang marinig ko ang boses nito. May kaboses siya. Hindi ko maalala kung sino. Napaisip ako. Kanino nga ba? Pilit kong inalala kung sino ito, ngunit wala talaga.

Kumalas siya mula sa mahigpit niyang pagkakayakap sa akin. Lilingunin ko na sana...

Nanlaki ang mata ko nang walang babalang hinalikan niya ako. Sh*t! Ilang beses akong napakurap habang magkalapat ang mga labi namin.

Nang matauhan ako ay buong lakas ko siyang itinulak. Kung saan ako nakakuha ng lakas para maitulak ko siya ay hindi ko alam.

"Ano bang problema mo?!" Sigaw ko. Sasampalin ko na sana, ngunit natigilan ako nang makilala ko kung sino ito. Ang lalaki kanina sa loob ng bar. Ang kaibigan ni Kuya. Ano nga ulit ang panaglan nito? Danilo?

Nakanganga akong nakatingala sa kanya. Ngumiti siya akin. Ngiting punong-puno ng galak. Galak para saan? Sa paghalik niya?

"Natakot ba kita? I'm sorry, baby. I just miss you. I miss you so much." Wika nito. Masuyo ang pagkakasabi niya, na parang naglalambing.

Napakunot-noo ako nang ma-realize ko ang sinabi niya. Na miss niya ako? Magkakilala ba kami dati? Kilala ko ba siya? Bakit hindi ko siya matandaan?

Akmang hahawakan niya ulit ako, ngunit na tigil nang magsalita ako.

"You're Danilo, right? Look, kung prank man 'to. Better stop it." Seryosong sabi ko. I don't have time for this.

Natigilan ito saglit. Ganunpaman ay tumango pa rin siya. Nakangiti siyang nakatingin sa akin. Naalala ko ang sinabi ni Kuya sa sasakyan kanina. Siya ang may birthday ngayon.

"Nabangit ka ni Kuya kanina. By the way, I'm Vangie. Nice to meet you, Danilo." Nakangiting inilahad ko ang kamay ko sa kanya.

Unti-unting naglaho ang matamis nitong ngiti kani-kanina lang. Napalitan iyon ng pagkalito. Lumingon-lingon ito sa paligid at muling bumaling sa akin.

Hindi nito tinanggap ang kamay ko. Kaya ibinaba ko na lang. Nakatitig pa rin siya sa akin na para bang sinusuri ako.

"Why? Why are you pretending that you don't know me?" He asked. Ako naman ang nalito sa tanong niya.

"What do you mean?" Kunot noong tanong ko. "Hindi naman talaga kita kilala. In fact ngayon lang kita nakita."

"This is not funny, Evangielyn. Why are you acting like that? Nobody is around." Halata ang frustration sa boses niya. "Wala na mang ibang tao dito. Please, baby. I want to hug you." The heck?

Nakipagtagisan ako ng titigan sa kanya. Nakalipas ng ilang sandali ay sumuko na ako. Napabuga ako ng hangin bago muling bumaling sa kanya.

"I really have to go. See you!" Tinalikuran ko siya. Naglakad ako palapit sa tabi ng highway para makasakay ng taxi.

"Where are you going?" Tanong niya na nakasunod sa akin. Hindi ko siya nilingon. Tuloy-tuloy lang ako. Saktong may paparating na taxi. Agad kong pinara iyon. Sasakay na sana ako nang magsalita ang lalaki sa likod ko.

"Baby..."

Hinarap ko siya.

"Stop calling me that." Inis kong sabi. "I'm going to see my boyfriend." Kitang-kita ko ang tuwa na gumuhit sa mga mata niya dahil sa sinabi ko. Ngumiti siya ng matamis. Akmang aabutin niya ako ngunit agad akong humakbang paatras. What's wrong with him?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 07, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just CuriousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon