VOTES AND COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED! :)
______________________________________________________________
ARRIANE'S POV
Ang tagal naman ni kid. Kanina pa siya umalis dahil may bibilhin daw siya. 30 minutes na siyang wala. Kanina ko pa siya tinetext pero walang reply -______-
"Kayla, nakita mo ba si Ashanti? Kanina pa kasi siya wala eh. May bibilhin lang daw siya pero hanggang ngayon wala pa."
"Baka naman pabalik na. Hintayin lang natin. 30 minutes pa naman bago dumating ang prof." Kayla
"Ayan na pala eh!" Allison.
"Uy, kid! Anyare sayo? Bakit ganyan itsura mo?" tanong ko pagkaupo niya sa upuan niya.
"Wala. May warfreak lang akong nakasagutan kanina." sabi niya.
"REALLLLLLLY?" tanong ni Allison.
"Oo, nakakairita siya."
"Parang kilala ko kung sino yan." Kayla
"Sino?" tanong ko kay Kayla.
"Si Naomi Lopez. Siya lang naman ang warfreak dito. Kinatatakutan siya ng mga students dahil kayang-kaya niyang gawin lahat makuha lang gusto niya. Obssessed yun kay Kyle eh." paliwanag ni Kayla
"Wait, the name sounds familiar." sabi naman ni Ashanti.
"Bakit kid? Kilala mo?"
"Yeah, I know her by name but not the face. Siya yung bunsong anak ng mga Lopez. Family nila yung may-ari ng famous restaurant sa Canada."
"Yup, at sila din ang co-owner ng campus na ito." Kayla.
"Mayaman pala talaga sila." sabi ko
"Mayaman nga, pangit naman ng ugali. Pwede bang wag na nating siyang pag-usapan? Pangalan pa lang niya naiirita na ako eh." reklamo ni Allison.
"Yeah, right." Kayla.
ASHANTI'S POV
"GUUUUUUUUUYS! Kain na tayo! Gutom na ako!" sabi ni Lance. Katatapos lang ng class namin and thank God dahil Friday ngayon. Makakapagpahinga na rin ako.
"Lagi ka namang gutom eh." Kris
"Dahil ikaw nagyaya, ilibre mo kami." Kurt
"OK! WHATEVER! Tara na! May alam akong bagong bukas na restaurant malapit dito!" Lance
"Yan! Yan ang gusto namin sayo!" Kyle. Ang cute nila. Hahahah!
So we headed dun sa restaurant na sinasabi ni Lance and kwentuhan na rin at the same time. Sa sobrang enjoy namin, I forgot na may kukunin pa pala ako sa locker.
"Uh, guys, babalik lang ako ng school to get some things sa locker. Nakalimutan kong kunin kanina eh." paalam ko sa kanila.
"Samahan na kita, kid. Madilim na rin dun dahil gabi na." sabi ni Arriane.
"No, ako na lang. Kaya ko na naman. " then umalis na ako.
Naglalakad ako papuntang locker area ng makaramdam ako na may sumusunod sakin. Hindi ako lumilingon to pretend na kunwari ay hindi ko alam. Buti na lang at bukas ang mga ilaw at may iilang estudyante pa ang dumadaan. I stopped in front of my locker at alam ko na somebody's approaching my place kaya hinanda ko yung sarili ko. Kahit babae ako, I do know how to protect myself. Mahirap na.
3...
2...
1...
Sabi sa inyo eh, may sumusunod sakin.
BINABASA MO ANG
LOVE 101 (Introduction to Love)
Novela JuvenilLove? It's the most beautiful thing that can ever happen in our lives, a dream come true. Love, at the same time, can be the most painful highlight of our lives.