Chemistry subject was over. Means lunch time na. Pag ka ring ng bell agad naman akong lumabas na ng classroom, gutom na ako noh. Pag pasok ko ng cafeteria i scan the crowded people for Naomi. And Ivan i think. I let a big sigh of disappointment nung hindi ko agad nakita si Naomi. Nakahanap naman ako ng seat pero hindi muna ako umorder ng pagkain para sabay na kami ni Mi.
Habang nagbabsa ako ng unread messages sa phone ko, i felt someone stops infront of my table. I look up to see a guy and a familiar face.
Oh.
It's ivan.
My lips parted as he was about to speak.
"Can i sit here ? If you don't mind." He gave me a warm smile.
"Uh, no. Sige lang. May hinihintay pa naman ako eh."
Umupo siya sa tabi ko. Pero hindi yung malapit.. Now i know his face. Ugh. Talagang gwapo nga siya katulad nung sabi ng mga babae dun sa room kanina. He's hot. I mean he has a messy black hair and a perfect pair of black eyes. Medyo singkit nga siya eh. Nakasuot siya ng plane white t shirt with matching headphone and raybans. Astig diba ?
"Tin, nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap." Nagulat na lang
ako ng biglang may nagsalita sa bandang likuran ko. Si naomi lang pala.
"Ay, uh, oo nga eh. Hinahanap din kita.." Sabi ko naman sa kanya sabay tayo sa kinauupuan ko. "C'mon, malate pa tayo," I said while stepping out of the chair.
Hinigit ko na ang kamay niya nang bigla niya akong pinigilan. "Wait lang naman teh, wala ka namang lakad noh ? Eh pano si pogi ?" Pabulong naman ni Naomi.
"Huh ? Eh, anong meron sa kanya ?" Tanong ko naman with matching kunot noo. "Iiwan mo lang siya dun ? Ay, masama yan sis. Iiwan mo lang yung atoys mo mag isa.. Nak-" Hindi niya naman natuloy yung sinasabi niya dahil bigla akong nagsalita.
"Ano yung atoys ?"
"Atoys, pag binaliktad mo diba syota ? Tsk. Ang slow mo naman. Akala ko ba naman-"
"Tsk, tara na nga. Ano namang nakain mo, andami mong sinasabi." Sabi ko naman habang nilagpasan ko siya para maglakad. Wala na siyang nagawa kaya sumunod na lang siya sakin.
~
Finally our last subject arrive, and buti na lang kasama ko si Naomi.
Kahit papano may kausap naman ako noh.
Mabilis din natapos yung huling subject namin. Pagkaring ng bell ay agad ko nang inayos yung mga gamit ko at nilagay na sa bag. Tumayo na ako at lumabas na ng room.
Hay, natapos na naman ang isang araw ng school. Pauwi na ako kasama si Naomi nang makasalubong namin si Luis.
"Hi Cristina." Said Luis while tumango siya kay Naomi na nasa tabi ko. Na ewan ko kung bakit siya nakangiti ng ganun.
"Hello Luis."
"Uuwi na kayo?" Tanong ni Luis. Naramdaman ko rin na siniko ako ng mahina ni Mi. "Parang alam ko na yan ah," Bulong ni Mi sakin.
"Hatid ko na kayo, maraming loko diyan. Baka kung ano pang mangyari sa inyo.."
"Talaga Luish ?! Shige hatid mo na lang kami baka may mangyari pa shamin diyan eh.." Sabi ni Mi habang nagfiflirty eyes siya kay Luis. May pa sway sway pa siya ah.
"Kung ok lang kay Cristina ?" He chuckled.
"Ahaha, ano ka ba .. tin na lang Luis. Di siya sanay sa Cristina. Tsaka hi-" Napatigil siya sa pagsasalita. Tinakpan ko lang naman ng palad ko ang tumitilaok niyang bibig.
"Ah, eh, hindi na. Mag aabang na lang kami ng taxi ni Naomi. Tsaka baka magkaiba lang tayo ng direction ng bahay," Ewan ko ba kasi kay mi, bakit biglang naging hyper. Ano kayang nakain neto ? "Diba mi ?" Tiningnan ko siya ng makisakay-ka-na-lang look.
"HUH ? TIN SUMABAY NA LANG TAYO SA KANYA ! MAMAYA MABUDOL BUDOL PA TAYO JAN." Medyo sigaw niya nang tinanggal ko yung palad ko sa bibig niya. Tiningnan ko lang siya ng matalim. Alam niya na kasi yun na pag tiningnan ko siya ng masama lagot siya sakin mamaya.
"Eh tin, kesa naman kasi magpakahirap tayong maglakad.. Sumabay na lang tayo, alam ko gusto mo rin wag mo nang itago." Medyo pabulong yung last sentence niya. Eh, oo gusto ko nga. Pero parang nakakahiya naman kasi ! Hindi naman kami ganun ka close ni pogi eh. Pero sa huli nag give up na rin ako dahil sa kalokohan ni Mi :3
~
Papunta na kami sa parking lot. Syempre para sa kotseng sasakyan namin. Ahihihi :D Agad na rin naman kaming umalis pagkasakay namin.
Iniisip ko kung bakit niya naman akong gustong ihatid. Isa pa, saktong nung nakita niya kami agad naman siyang nagtanong kung ok lang na ihatid kami. O baka naman isa to sa mga plano niya para maging mas malapit pa kami. Tapos sunod nun, magiging close kami.. Eh kasi baka lagi niya na akong ihahatid sa bahay namin. Pagkatapos, pag close na kami makukuha niya na yung tiwala ko pwede niya rin sabihing 'Cristina, unang kita ko pa lang sayo nabighani mo na yung mga mata ko. Nabuksan mo rin ng walang gamit na susi ang puso ko. Pwede bang manligaw ?"
Omaygahd, noooooo ! Hindi talaga pwedeeee ! Di ako maiinlove sa kanya ! >_<
O baka naman kinukuha niya muna yung tiwala ko para matuloy yung binabalak niya. Maybe, baka may nag utos sa kaniya na kidnappin ako. Na habang hinahatid niya ako, dinadala niya na pala ako sa ibang lugar. Or baka liligawin niya ako para hindi ako makabalik sa bahay namin. O kaya naman .....
Papatayin niya ako ! Nooo waaay, highwaaaaay !
Natigil na lang ang pag iisip ko ng kung anu ano, nang naramdaman kong huminto na yung kotse.
Binuksan ko na yung pinto ng kotse at agad namang bumaba. Inantay ko ring makababa si Naomi at si Luis para magpasalamat sa paghatid samin.
"Nako luis maraming salamat ah ! Buti na lang HINDI NA UMARTE pa si Besfren. Hahaha ! Diba tin ?" Tanong niya naman sakin habang naka mag-thank-you-ka-naman look siya.
"A-ah, oo. Oo Luis maraming salamat sa paghatid." Sabi ko.
"Yun lang ?" Tanong naman ni Naomi na mukhang nagulat din sa sinabi niya.
"No problem, basta pag kailangan niyo ng maghahatid just call my name." He said while adding a wink. [Ermergersh]
"Sige babye Luis !" Sigaw naman ni Naomi na may kasamang pag wave ng kamay nang makapasok na sa kotse si Luis.
~
Nang makapasok na kami sa loob ng bahay dumertso kami ni Mi sa kwarto ko. Nagbihis na rin ako agad kasi PROMISE ! Pagod na ako -.-
Nang makapalit na ako ng pj's ko, lumabas na ako ng banyo para makakita ng tulalang Naomi. Nagulat siya nang bigla akong nagsalita.
"Ehem, anong mukha naman yan ?" Tanong ko sa kanya habang umupo sa kama.
"Wala lang. Gusto mo ba si Luis ?" Diretsahan niyang tanong.
"Huh? Wag mo sabihing naiinlove ka na kay Luis ? Naku, naku naomi ! May boyfriend ka na lumalandi ka pa ah !" Sigaw ko sa kanya.
"Uy, hindi naman. Pero seryoso, gusto mo ba siya ?" Tanong niya ulit habang nakadapa sa kama ko.
"Bakit ba interesado ka ? Sayong sayo na siya noh. Timer ka na pala ngayon ?"
"Ano yung timer ?" Tanong niya sabay upo.
"Ahahaha ! In a relationship ka tas hindi mo alam yung Timer ? Sa bagay ngayon ka lang pala nagkaboyfriend." Sabi ko habang inangat yung dalawang balikat ko. Nag usap lang kami nang nag usap nang biglang tumunog yung Cellphone ko. Tiningnan ko kung sino yun pero i recieved an unknown contact number. It reads,
+639214377484 : Anong mukha yung kanina sa kotse ? xx youre cute :)
