WAKAS

13 5 0
                                    

                                 INA

Nabigla ako ng biglang mawalan ng malay si Eury, hinagkan ko siya, at ang mga luhang kanina pa nagbabadyang tumulo ay hinayaan ko na lang dumaloy. Yinugyog ko siya, ngunit wala pa rin, hinawakan ko ang kanyang mga kamay at hinaplos haplos ang kanyang mukha.

Hindi nga makakaila na anak ko siya.

Nakuha naman ang aking atensyon sa kumikislap na kung ano sa kanyang leeg, hinawakan ko ito at tinignan, nabigla ako ng makita ko ito,
binuksan ko ito, bumungad saakin ang litrato namin at 'di nagkamaling ito nga ang kwintas na ibinigay sa akin ni Zion, ang namayapa kong asawa, matagal ko na itong tinago, dahil maaalala ko lang ang mapapait na sandali.

Hinawakan ko ang pulso ni Eurydice.

"Anak, sorry, babawi ako sayo,pangako yan"

Pinunas ko ang mga luha ko at dali-daling nagtawag ng tricycle, mabuti at nakakuha ako agad, pumunta kami sa pinakamalapit na ospital.

Di ko maintindihan ang aking nararamdaman, natatakot ako, baka huli na ang lahat.

Napakasama ko, ang sama-sama ko, hindi ako naging Ina sa kanya, imbes na dapat ibinuhos ko sa kanya ang atensyon at pagmamahal ko ay di ko nagawa.

Masisi niyo ba ako?!
Masisi niyo ba ako kung bakit kinamumuhian ko siya?

Bunga siya ng pagmaltrato at pagmolestiya sa akin.
Oo tama, ginahasa ako ng isang 'di ko kakilala, at alam niyo ba kung bakit! Kaya ayaw na ayaw ko na nakikita siyang magsulat?

Dahil yun ang dahilan kaya ako nagahasa. Napakapait ng aking karanasan, karanasang ayaw kong maranasan niya.

Tandang-tanda ko pa ang bangungot na nakakintal na sa aking isipan, alas sais noon, pauwi palang ako galing eskwelahan, tinapos ko kasi ang mga artikulong pinapapasa sa amin, mahilig na mahilig rin akong magsulat noon, nang kabataan ko pa  ito ang buhay ko, ngunit sa isang masukal na daan, doon naganap ang pangyayaring hinding hindi ko malilimutan, nasira ang reputasyon ko, ang hinaharap ko, ang buhay ko.

Tinakwil ako ng pamilya ko, pinandirihan ako ng mga tao sa paligid ko, wala na akong lipunang mabilangan, para akong basahang tinapaktapakan, hanggang sa matagpuan ko ang taong kakaiba sa lahat, si Zion, siya ang tumayong ama sa anak ko, ngunit dahil sa isang aksidente, nawala ang lahat.

Nasunog kasi ang dati naming tinitirhan, nasa trabaho ako noon, at naiwan si Tanika at Zion, may nangyaring sunog, ilinigtas niya ang anak ko ngunit sa kabila nito, sabay siyang natupok, lahat ng akin ay nawala, kaya nabuntong ko lahat ng galit, at sama ng loob sa anak ko.

Napakatalino kong tao, pero di ko naisip ang kapakanan niya, napakawala kong kwenta at silbi.

Inisip ko kasi na kung papalakihin ko siyang matatag at independyente, 'di niya ako kakaylanganin at mabubuhay siyang mag-isa, ayaw kong magaya siya sa akin, isang inosente sa malupit na mundo.

Hindi ko naisip na ang mga gawain ko ay makakasakit sa kanya, sa tuwing nakikita ko siyang humihikbi parang dinudurog ang puso ko, kapag nakakulong siya sa madilim na silid ay inaalala ko siya ng higit pa kaysa sa sarili ko.

Isa pang kinaayawan ko sa kanya ay kamukhang-kamukha ko siya, isa siyang buhay na replika, ng taong mahina, api, at mangmang.

Unconditional LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon