SM - FANFIC

645 16 5
                                    

"Kent ano na po gagawin natin? Nilalagnat sila Kade at Psyche. Dalhin na natin sa hospital! Kunin mo na yung gamit bilis. Bakit kasi ngayon pa nag day off si manang" --Phoebe

Natataranta ang dalawa. Hindi malaman ang gagawin.

"Uwaaaaaaa!!! Uwaaaaaaaaaaaaaa!!"

Magkasabay na iyak ng kambal.

"Daddy" TToTT

Saad ni Phoebe na naiiyak na.

"Baby ko, Bakit ka naiyak? May masakit ba sa iyo?"

Natataranta na si Kent. Nag-iiyakan ang mag iina niya.

"Naman Phoebe! Wag ka ngang umiyak. Tawagan mo na lang sila Manang at Papa"

Pinigilan ni Phoebe ang pag iyak.

Nagdial siya sa telepono. 

"Jhone! Punta ka ng hospital! Dali....Nilalagnat sila....Naman!!! Wag sana"

Napapailing na lang si Kent, may sinabi na naman siguro si Jhone na makakapagtaranta kay Phoebe.

"Papa, nilalagnat yung mga bata....Opo, papunta na po kami...Sige po"

"Uwaaaaaaaaaaaaa. Uwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa."

Mabilis na ang pagpapatakbo ni Kent ng kotse dahil walang tigil pa rin sa pag-iyak ang dalawa.

---

Nakadating na din sila sa hospital.

Sumalubong sa kanila sina Jhone, Philip, Elisa at Harley.

"Bakit nandito si Villaluz?"

"Bakit nandito si Elisa?"

Magkasabay na sabi ng mag-asawang Fuentebella.

"Tinawagan ko kasi si Harley, nasa taping pala sila ni Elisa"

Saad ni Jhone.

Tinignan na naman siya ng matalim ni Kent.

"Wag na muna natin intindihin yan. Pumunta na kaya tayo sa Doctor ng mga inaanak ko?"

Hindi na talaga nagbago si Elisa. Mataray pa din. Inaanak niya ang kambal.

"Akala ko ba nilalagnat sila? Mahamog na, baka lalo sila magkasakit. Tara na, Isabelle"

Napasimangot na naman si Kent. Hanggang ngayon naiinis pa rin siya kay Harley.

---

"Simpleng lagnat lang naman. Basta painumin niyo lang sila every 6 hours ng binigay kong gamot at palaging i-check ang temperature nila. At ito i-follow niyo lang ang mga nandyan para bumaba ang lagnat ng dalawa"

"Salamat po Doc"

"Makakauwi na kayo. If there's an emergency, call me"

Binigay ng doctor ang calling card nito.

"Salamat Doc. Licaros"

---

Nasa Parking lot na sila ng hospital.

"Salamat sa inyo, sorry sa abala"

"Mag-iingat kayo. If you need anything else tawagan mo ako Isabelle"

"Salamat, Keith"

Niyakap ni Harley si Isabelle.

"Oy! Tara na nga Phoebe"

Nagseselos na naman si Kent.

---

Nasa bahay na ang mag-asawang Fuentebella.

"Dad, kunin mo na yung gamot. Painumin na natin sila"

"Paano ba ito?"

"Basahin mo na lang muna Dad. Papadedehin ko muna sila. Akyat na kami sa kuwarto nila"

Binasa ni Kent ang nasa box ng gamot. Shake the suspension.

"Yun lang pala" sabi ni Kent sa sarili.

Umakyat na siya para painumin ang kambal.

"Phoebe--"

Saad ni Kent na kakabukas lang ng pinto ng kambal ng matigilan sa nakita.

"Eeeeesh---, Labas ka dito. Bilis"

Natatarantang nasarado bigla ni Kent ang pinto.

"Ang engot mo talaga. Nakita ko na yan lahat"

Napapangiti si Kent.

Si Phoebe naman ay namumula sa loob ng pinto.

Nakita lang naman siya ni Kent, na nagpapadede kay Pysche.

"Naman kasi" >///<

Inaayos na niya ang sarili. Kahit na mag-asawa na sila, nahihiya pa din si Phoebe kay Kent.

"Baby Psyche, wag kang gagaya kay Daddy ha?"

Kausap ni Phoebe sa anak.

"Kay mommy ka dapat magmana baby"

Ngumiti ang anak niya at lumabas ang dimple nito.

"Wag mo lang sana mamana baby ang pagka-engot ng Mommy mo"

Saad ni Kent sa labas ng pinto.

"Wag mo naman mamanahin ang kasungitan ni Daddy mo, baby. Kay Mommy ka magmana"

Pumasok na si Kent sa loob ng Kwarto.

"Painumin na natin sila"

Pinainum na nila ang kambal.

"Ang ganda talaga ni Pysche. Mana sa akin"

Sabi ni Phoebe

"Mana sa atin"

Sabi naman ni Kent.

Tinitignan nila ang tulog na kambal sa crib ng mga ito.

Ngumiti ang dalawa.

Kuntento na silang sa buhay nila.

They are HAPPILY MARRIED

----------------------------

Fan-fiction ko sa SM =) 

For ate glimms and phoebe.

May kasunod pa sana yung kina phoebe at kent. kaso di na siya pang bata XD

FanFicsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon