Nandito ako sa Park. Alas-otso na ng gabi.
Ngunit hindi ako makauwi.
Tinitignan ko siya.
Siya na bahagi ng grupong trese o mas kilala sa tawag na Lucky 13.
Kilala ko sila.
Partikular siya.
He is known to girls to be a delicate yet strong, feminine yet manly, sexy yet cute type of man.
Si KYO.
Kilala siya bilang BODYGUARD ni RENESMEE CLARKSON
Mukhang may problema.
Gusto ko siyang lapitan.
Hindi ko maatim na nakikita siyang ganyan.
Pero anong sasabihin ko sa kanya?
Siya na lang ang natira dito.
Naka-upo siya at nakatungo.
May tumulo sa kanyang mga kamay.
Maya-maya yung balikat niya ay nag-aangat baba na.
Umiiyak siya.
Gusto ko siyang lapitan pero ……. Bahala na nga.
Nilapitan ko siya.
Umupo ako sa gilid niya at inabutan ko siya ng panyo.
Pero hindi niya tinanggap. Pinunasan niya lang yung luha niya gamit ang kamay niya.
“Kyohei Sagara, miyembro ng grupong Trese. Hindi bagay sayo ang ganyang drama. Tanggapin mo na yang panyong inaabot ko"
Hindi niya ako pinansin.
Men! What's up with the pride.
Tumayo ako sa harap niya at inangat ko ang ulo niya.
Ako na mismo ang nagpunas sa mga luha niya na ayaw tumigil.
'' Iiyak mo lang yan. Masama kung kikimkimin mo yan at itatago. "
Ewan ko kung bakit pero bigla na lang niya akong niyakap.
At nagsimula siyang umiyak.
Ang awkward ng position namin.
Nakatayo ako habang nakaupo siya at yakap ang bewang ko.
At sa pag-iyak niya basa na din ang damit ko sa bandang tiyan.
Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig sa tao.
At sa kaso niya ngayon kahit lalake ka pa di ka makakaiwas.
Kahit si Kyo hindi pinatawad ng Destiny na yan.
"Alam mo hanga ako sayo. Alam mo kung bakit? Kasi nagawa mo siyang ipaglaban. Hindi lahat ng tao nagagawa at magagawa yung ginawa mo para sa kanya. Pero mas lalo mo akong pinahanga ng sumuko ka at tumalikod sa kanya para lang sa ikakasaya niya kahit na ang kapalit nun ay isang libong sakit sa iyo."
Nasasaktan ako sa nakikita ko.
“Alam mo dapat di ako dito nagpunta sa bar dapat. Gusto ko magpakalasing ng mawala itong masakit sa dibdib ko.Kasi alak lang katapat nito mawawala na ito. You know what's nice when having a hang-over? It’s when your head aches more than your heart. Kaso hindi ko na kaya. Yung puso ko parang tinutusok ng barbeque stick. PUTANG*NA!!!! Masakit!! Leshe!!! A-ang drama ko! TANG*NA” Si Kyo.
I patted his head.
“Ilabas mo lang yan Kyo. Makikinig ako “
“Hindi ko din kayang magalit sa kanya. Mahal ko siya. At handa akong saluhin siya pag iniwan siya ni Sol. Tang*na!! Ganito pala ang nararamdaman ni Top ng mawala si Samantha. Masakit!! “ Si Kyo.
Iyak lang siya ng iyak. Kung masakit makakita ng babaing umiiyak, masakit din makakita ng lalaking umiiyak.
Matagal din kami sa ganitong position.
Sabi ni Mommy sa akin sapat ng yakapin mo ang isang tao kapag malungkot siya kahit di mo mahanap ang tamang salita to make him better.
Pero parang ngayon kahit ang yakapin siya ay di sapat.
Siguro para sa inyo bakla na ang lalaking yakap-yakap ako pero alam niyo ba na ang pagluha ng isang lalaki para sa iyo ang the sweetest thing a guy can do para sa babae?
Why? Sabi nga nila ang ngiti naibibigay kahit kanino pero ang pagluha sa taong mahalaga lang para sayo. What more kung lalaki ang umiyak? Na bihirang mangyari sa panahon ngayon.
“Salamat pala. Sorry din I ruined your shirt. I’m fine at least for now. “ Si Kyo.
Magkatabi na kami ngayon.
“You know what? Loving someone who can’t love you back is like being 50-50 comatose in a hospital. Why? Comfortably lying but unconsciously bleeding, softly sleeping but silently hurting, and continuously breathing yet slowly dying. THAT’S LIFE SHIT HAPPENS. What you can do now is let go and accept the fact that certain chapters of your life must be closed forever. Tonight will be gone and tomorrow this day will be yesterday. What’s done is done. Let it go.”
I handed him a notebook.
“I believe that time has its own way of letting go of something you truly treasure. It’s painful. Really it is. But the vindication you’ll feel after the process is worth keeping for a lifetime. They call it moving on. I call it GROWING UP “
Lumingon siya sa akin.
“Bakit kita binigyan ng notebook? Simple. Our lives are books and each day is a page. We can’t erase what has already been written but we can always try to make the next page better. Gamitin mo yang notebook na iyan Kyo. Isulat mo lahat ng kung anong nararamdaman mo diyan.”
“Like a diary?” si Kyo.
I chuckled. Nagiging vulnerable din pala ang lalaki.
“Yes. Experiences don’t stop. That’s LIFE. Just deal with it. Learn how to deal it“
A fanfic made by: SHANNEN KELLY PALABAY
(October 21, 2011 2:04 am)
For : ALESANA MARIE – TBYD and MI-MHYTOT – LMBTO
NATAPOS KO DIN XD. NAPAGALITAN PA AKO XD. YAN LANG KINAYA NG POWERS KO XD. PAGPASENSIYAHAN KUNG MA-DRAMA AT CRAPPY J
P.S. AKIN SI SCHEDULER!!!!!
NOTE: KELLY ANG NAME KO >___<
![](https://img.wattpad.com/cover/492402-288-k37446.jpg)