"I can't just leave Ma. And most of all, I can't just go to that University dahil lang sa dun naggraduate si Kuya. Why can't I just stay here?", umupo ako sa sofa at hinilot ang sintido ko dahil nahihilo nako sa kakasigaw.
Kakagraduate ko lang ng High School at ngayon nagtatalo kami ni Mama tungkol sa kung saan ako papasok para sa aking College.
"Then what? You'll also ask me to take up that course of Business Management like Kuya? That's how it always goes Ma, gusto nyo kung ano ang kay Kuya, yun din sakin. Why can't I just decide for myself?", wala na akong marinig na kahit ano kundi ang reklamo lang na nanggagaling lang sa bibig ko.
Liningon ko si Mama, na parang nagulat sa sinabi ko. Tama naman ako eh, lahat ng gusto nila para kay Kuya ay dapat ganun din ang sa akin. Una yung pagpasok ko sa High School kung san ako grumaduate na pinasukan din ni Kuya, pangalawa, eto na naman? Ang pagpasok ko sa University na di familiar sa akin? At ano ang susunod? Ang pagkuha ko din ng kurso na tulad kay Kuya? Dammit!
"Kaorine, stop being childish. I am not intruding about what course are you going to fulfill. My concern here is the University you're going to enter. Mahirap bang sundin ako minsan?", napawi ang titig ko kay Mama at napapikit ng madiin sa sinabi niyang yun.
"Sundin? Ma, can't you hear yourself? All this----
"What's happening here?", diko natuloy ang gusto kong sabihin nang dumating ang lalakeng tangi kong kinakatakutan. He's wearing his black tux na kung di ako nagkakamali ay galing sya sa business meeting, kasunod si Kuya na nagtatanggal ng necktie. Di ako nagkakamali, galing nga silang business meeting. Well, Kuya Kazi is going to be the next CEO of Grande's Company so kailangan na siyang maging praktisado sa pagpapatakbo ng kumpanya kaya lagi silang magkasama ni Daddy.
"Dad, can't I just go Sterro University? Dun papasok sina Aly at Dianne", sagot ko kay Dad, referring to my two friends na dun sa Sterro papasok for their College Education.
"Enough about that Kaorine. Pag sinabing sa Montreal ka, sa Montreal ka. I'm tired, baby. Please wag mo painitin ulo ko", linampasan ako ni Dad at agad umakyat sa kanilang kwarto ni Mama.
"It's going to be okay Kao. Please just take it.", hinarap ko si Kuya sa kanyang sinabi. Malapit nang pumatak ang mga luhang kanina pa namuo sa mata ko.
"What's with Montreal Kuya? Anong meron dun? Is it a school for elites? Is it a school for prodigies? Is it a school for famous families? Kung ganun, Sterro have the same kind of standards. Why can't I just go there? Is it too much to ask?", wala sa sariling ako napangiwi sa sarili kong pahayag. Kinagat ko pa ang ibabang labi ko para mapigilan ang paghikbi dahil alam kong konti nalang, bibigay na ako.
"Wait Kuya, what happened to your chest?", umurong ang nga luhang muntikan nang lumabas nang makita ko ang chest ni Kuya na may bahid ng dugo. Bahagya kasing nakabukas ang dalawang butones niya kaya napansin ko ito.
"Ah. N-nothing. Nadapa ako malapit sa m-mesa ng office so tumama ang chest ko sa edge. Ayun. Uhm I-i'll go ahead?", is it just me or Kuya's really stammering while saying those words? Now what?
Bago ko pa malingon si Kuya ay nakaakyat na ito sa kanyang kwarto. Isinantabi ko nalang yun at nagkibit balikat tutal first time ko namang makitang may ganun si Kuya.
Nawalan ako ng pag asang magreklamo dahil alam kong kahit anong gawin ko, kahit gaano karaming reklamo ang maitalak ng bibig ko, mapupunta at mapupunta ako sa isang bagay na diko alam kung magugustuhan ko. Siguro ganun nga talaga ang buhay, na hindi lahat ng gusto mo makukuha mo, minsan yung mga ayaw mo pang bagay ang mas lumalapit sayo.
Tumayo ako at pumunta sa kusina para uminom ng tubig.
"Sometimes, you need to follow some cruel orders to protect yourself."
Natigil ako sa pag inom ng marinig ko si Mama na nagsalita. Cruel orders? Protect yourself?
Tinignan ko sya kung ako ba ang kausap niya pero nanlumo ako nang makitang nay kausap pala sya sa cellphone. Pero nanigas ako ng makitang sa akin pala sya nakatingin. I gulp and decided to wash it all away.
"Ma, can I go out?", without second thoughts, kinausap ko si Mama.
Isang malamig na ngiti at tango ang sinagot niya sakin bago ko hinugot ang aking cellphone sa aking bulsa.
Dalawang ring bago sinagot ni Aly ang tawag.
"Hang on. I'll dial Dianne's."
Agad namang sinagot ni Dianne ang tawag at agad ko itong nilipat sa conference call.
"What seems to be the problem?", boses ni Aly ang umalingawngaw sa speaker ng cellphone ko.
"Let's hang out? Starlites? Who's in?"
"What the hell! Tirik ang araw Kaorine tapos ganyan ka kung mag aya? Oh god!", pansin ko ang pagkamangha ni Dianne sa aking sinabi. Nakakagulat nga naman kasi. Minsan lang ako kung mag aya at laging may valid reason pag nag aaya ako. So, what will I say to them? Na ililipat ako ng University kaya gusto kong magliwaliw? Not bad, but I know my friends too much, they won't buy that shit.
"Wala naman kasi akong sinabi na ngayon na. Ok ok, sa mall nalang tayo. What do you think?", pag iiba ko ng usapan. Wala na akong ibang magawa dito sa bahay kaya kailangan kong lumabas bago pako makagawa ng bagay na di namin lahat magugustuhan lalo na't may natitira pang inis na nararamdaman ng puso ko.
"I'm in. Wait, any reason for the sudden hang out? I mean, bat parang problemado ka? For the record, maayos naman kayo ni Gryffyn diba?", unti unting nagsink in sa akin ang sinabi ni Aly. Shit. I'm doomed.
Gryffyn is my boyfriend. First Anniversary namin sa araw ng pasukan, June 7, two weeks from now. Isa din tong rason kung bat ayaw kong umalis ng school. Gryffyn, together with Aly and Dianne will be at Sterro University. Hirap na hirap akong sabihin sa kanya ang plano nina Mama para sa king papasukan na University. He's my first boyfriend and definitely, I want him to be my only and last but things fall into place, I made myself in chaos, lalo na't ayaw na ayaw niyang nalalayo ako sa kanya, well except for the distance of our house dahil taga Quezon City at taga Makati naman kami. May condo unit lang siya sa Intraland, isang subdivision dito sa Makati, malapit samin.
"Or split?", I was caught off guard when Aly broke the atmosphere.
"I'm leaving", diko alam kung saan ako humugot ng lakas para sabihin yun. Mas lalong diko alam kung paano ako mageexplain sa mga tanong nilang bakit, paano at kailan? Lalong nagpabagsak ng luha ko ang tanong ni Dianne na pati ako ay diko alam kung pano sagutin.
"Paano si Gryffyn? Are you going to leave him hanging?"
Isa-isang umagos ang luha ko sa aking pisngi dahil sa inis sa aking sarili. Kung tutuusin kaya ko namang magquit nalang at makipagtanan kay Gryffyn pero di ganun kadali yun. I can't just turn my back on my family dahil lang sa ayaw ko sa desisyon nila.
At some point, I found myself saying these words I never know I can spit.
"I'm going to Montreal University."
BINABASA MO ANG
Montreal University: School Of Mafia
Misteri / Thriller"My life is so quiet. Full of happy moments with friends. Enjoying every seconds that passes. Pero lahat yan nawala nang itapon ako ng mga magulang ko sa University ng mga Mafia. Oo, Mafia. Sa Montreal University" Date Started: January 29, 2016