Max's POVKanina pa ako nag-hihintay dito sa waiting shed, unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa.
baka naman hindi na sya dadating, Baka naman nakapili na sya . . siguro mas pinili na nya yung Ex nya.
tumayo ako at naglakad pabalik-pabalik, wala akong pakelam kung kanina pa ako tinitignan nung lalaki na nakaupo . .
lumipas ang isa, dalawa . . limang minuto pero ni pesensya nya wala akong nararamdaman. . Siguro nga nakapili na sya. pabulong na sinabi ko sasarili ko.
Naupo ako at yumuko . . hangang hindi ko na napigilang umiyak, walang tigil ang pagpatak ng mga luha mula sa mga mata ko.
pero biglang nabuhay ang loob ko ng may napansin akong nakatayo sa harap ko, alam kong sya yun hinding hindi ako mag-kakamali.
at di nga ako nabigo ng tignan ko ang kanyang mukha . . agad akong tumayo at niyakap sya ng mahigpit, hindi parin tumitigil ang pagtulo ng mga luha sa mata ko.
" Alam *sub* kong . . dadating ka *sub*." Sabi ko habang mahigpit na nakayakap sa kanya.
Ngunit inalis nya ang pagkakayakap ko sa kanya . . tumingin ako sa mga mata nya ngunit walang emosyon ang mga ito na nagbigay ng kaba sa dib-dib ko.
"Sorry Max, pero--" Putol ko sa sasabihin nya.
"Shhhhh . . hindi *sub* No Vince . . Hindi." sabi ko at lalong bumigat ang pakiramdam ko at bumuhos ng bumuhos ang luha ko patungo sa mga pisngi ko.
pinunasan nya ang mga ito, na mas lalong nakapagbigay ng bigat sa puso ko . . Bakit Vince? Bakit paulit-ulit na tanong ko sa isip ko.
"Sorry, Max . . Akala ko kaya kong kalimutan sya . . sorry kung gi---." Itinaas ko ang kanang kamay ko pag-putol sa sasabihin nya.
umatras ako ng isang hakbang palayo sakanya.
"Sorry kung ginamit mo lang ako . . sorry kung nasaktan mo ako . sorry hindi mo sinasadya!!." Madiin at sarkastikong sabi ko sakanya.
"Vince!! . . ikaw ang lumapit sakin ginulo mo yung tahimik na mundo ko tas sasabihin mong hindi mo sinasadya. . Sh*t Vince sorry kung nasaktan mo ako, Una palang alam mong masasaktan mo ako dahil di ka pa nakakamove on sa Ex mo pero pinagpatuloy mo. . . Vince pinaikot, niloko at ginamit mo lang ako."
"Sorry!!." nakayukong sabi nya.
*Pak!* nagulat sya ng sampalin ko sya.
"Masakit? . well Vince yung ginawa mo sakin mas masakit pero pakakawalan na kita . . pero di ko makakalimutan ang araw na ito." sabi ko.
sinubukan nyang lumapit at hawakan ang kamay ko pero . lumayo ako at hinawi ang kamay nito.
at siguro nakuha na nya ang ibig kong sabihin kaya umalis na sya lulan ng kanyang kotse. . at habang palayo nakatingin lang ako sa sasakyan nya habang lumuluha.
umupo ako sa shed pero nagulat ako ng biglang may nagsalita.
"Alam mo maganda ka. . di mo dapat iniiyakan yung ganung lalaki. ." nagulat ako ng nagsalita sya kaya napatingin ako sakanya.
"Madami pang iba dyan kaya wag mong sayangin yang luha mo sakanya. . kaya tumahan kana."
pero minabuti ko nalang na manahimik at di sya pansinin. kasi maiinis lang ako pag-inintindi ko pa sya.
"Kung ako sayo uuwi na ako kesa dito ka umiiyak."
"Kanina ka pa . . bat ka ba nangengelam?? . . tyaka wala ka nang pake kung dito ako iiyak! " sabi ko sa kanya . . nakakainis na kasi kanina pa sya. di naman hinihingi yung opinyon nya.
"Aba't ikaw na nga tong pinapayuhan ikaw pang galit." Inis na sagot nya sakin.
"Bakit? . . may humihingi ba ng payo mo? . pakelamero!." sabi ko sakanya
"ikaw naman . Iyaking panget!. . iyak ka ng iyak dyan yung mascara mo nagkalat . . mukha kang baliw!!."
at napatayo ako sa inis at tumingin ng masama sa lalaking iyun. Bwisit ka broken hearted na nga ako inaasar mo pa ko. Sabi ko sa sarili ko bago nag walk out.
pero kahit papano nakalimutan ko yung sakit kanina kahit inis na inis akong tinawag nya akong baliw..
---
YOU ARE READING
STATUS: its Complicated
Teen FictionPaunawa di po ako magaling so sa makakabasa pasensya na sana maenjoy nyo. tyaka lahat ng pangalan lugar at pangyayari na sa tingin nyo ay may katulad o kamukha nagkataon lang yun yun lang dahil lahat ng ito ay gawa ng aking isip😜