Elevator

8 0 0
                                    

Kit's POV

"Pare kanina ka pa namin hinihintay. . bat ang tagal mo??." tanong ni Jan

"Par . . minalas ako ii, nasiraan ako ng kotse tas nung nag-abang ako ng bus . . ang tagal naman" Paliwanag ko

"Mukhang hindi naman yun ang naganap . . sus reason mo bulok par, nangbabae ka no?." Pang-aasar ni Tyron . . Bigla ko namang na alala yung Dramarama sa Waiting shed. . pati narin yung Baliw na babae.

Flashback

Ano bang meron sa araw na ito at ang malas ko . .  Nasira lang naman yung kotse ko bwisit!!

tapos kanina pa ako dito sa shed at nag-aabang ng Bus pero hanggang ngayon wala padin, hanggang sa may dumating na magandang babae ..

Oo maganda sya simple pero bakas sa mukha nya ang pagkalungkot. . habang pinagmamasdan ko sya na tila balisa at may inaantay . .

nagulat ako ng bigla nalang itong umiyak . . Hayyy bakit ang may mga taong nagagawang saktan ang kapwa nila. sabi ko sasarili ko na para bang naaawa sa babaeng iyon,

ng may dumating na lalaki, sya siguro yung boyfriend nung babae . . pinanood ko lang sila, para ako nanonood ng taping ng isang Drama . . na yung lalaki ay niloko at ginamit lang yung babae, tapos magsosorry at sasabihing hindi sinasadya.

Umalis yung lalaki at naiwang nag-iisa at lumuhuha yung babae . . At sa di maipaliwanag na dahilan bigla akong nakaramdam ng simpatya..

"Alam mo maganda ka. . di mo dapat iniiyakan yung ganung lalaki. ." hindi ako makapaniwalang nasabi ko iyon sakanya . . bakas din naman sa mukha nyang nagulat sya.

pero yumuko lang ito at hindi umimik, patuloy  sa pag-iyak ...

" Madami pang iba dyan kaya wag mong sayangin yang luha mo sakanya. . kaya tumahan kana." Ano ba to bat ko sinasabi ang mga ito sakanya?? di ko naman sya kilala..

pero hindi sya umimik bagkus lalo syang umiyak at lahat ng nagdadaan pinagtitinginan kami na parang ako yung nagpaiyak sa kanya . . tyaka yung mukha nya! mukha syang nalusaw na make-up.

" Kung ako sayo uuwi na ako kesa dito ka umiiyak." sabi para tumigil sya, pero wrong move ata ako . . dahil bakas sa mukha nya ang pagkainis sa sinabi ko..

"Kanina ka pa . . bat ka ba nangengelam??  . . tyaka wala ka nang pake kung dito ako iiyak! " sabi nya at talagang inis na inis sya . . bakit? sya naiinis totoo naman . . umuwi sya sa kanila kesa dito sa iyak ng iyak.. tsk!

"Aba't ikaw na nga tong pinapayuhan ikaw pang galit." Sagot ko sakanya..

"Bakit? . . may humihingi ba ng payo mo? . pakelamero!."

"ikaw naman . Iyaking panget!. . iyak ka ng iyak dyan yung mascara mo nagkalat . . mukha kang baliw!!." Totoo naman kasing kalat ma yung Mascara nya . .

pero nagulat ako ng bigla itong tumayo at lumakad paalis . . tsk! mga babae nga naman sinasabi na sakanila ang katotohanan ayaw pang maniwala. di pa nakakalayo yung babae ng biglang bumuhos ng malakas ang ulan.

---

"Ayun nga ang nangyari." Sabi ko sakanila..

"Pero bro aminin mo . . Nagandahan ka talaga sakanya." Pang-aasar ni Jan

"Oo . . . kaso sobrang sungit nya."Mahinang sabi ko, sa totoo lang Maganda talaga sya. . . May pagkakataon pa kayang magkikita kami??.

Ano ba tong naiisip ko kung ano-ano ng pumapasok sa ulo ko, nga pala ako si Kit Sebastian 20 at kasalukuyang nag-aaral sa Southville University . .

"Bro wala namang laman na stock yung mga cabinet mo . . wala na tayong chips pang pulutan." Sabi ni Tyron nandito kami sa condo ni Vrenn. .

"Di pa ako nakakabili sorry mga bro."

"Ako ng bababa." pagpiprisinta ko..

"Ok!" sabay-sabay nilang sagot . . kaya tumayo na ako pero bago ako umalis kinuha ko yung cellphone ko. .

paglabas ko ng pinto . . sa hallway may nakita akong pamilyar na babae.

"Please . . Vince alam kong nasaloob ka ayusin natin to." Sya nanaman di pa ba sya nadadala? iniwan na sya binalikan pa nya . . akala ko ba naman tanggap na nya kanina . .

Nagbukas ang pinto lumabas yung lalaki na may kasamang babae . . di ko alam kung bat nilapitan ko sila at hinawakan yung kamay ng babae na ngayo'y basang basa.

"Di pa ba malinaw? . . Di ikaw ang pinili nya." Inis at Pasigaw na sabi ko sakanya pero parang wala syang naririnig . .

Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata nung lalaki pero bago pa sya magsalita hinatak ko na kaagad yung babae patungo sa elevator. . .

pagpasok sa Elevator, walang nagsasalita sya nakayuko at nakahawak lang sagilid . . Ano bang problema nya.

"Masokista ka ba? . . " Di ko alam kung bakit naiinis ako sakanya . . Dahil siguro ayoko lang nakakakita ng babaeng nasasaktan.

Pero parang may kakaiba sakanya pinagmamasdan ko lang sya . . nasa 6th floor palang kami at ground floor pa hihinto itong elevator . .

napansin kong nanginginig sya at nakapikit. . . "Miss Ok ka lang ba??." Tanong ko rito . . pero hindi ito sumagot bagkus hinawakan nya ang kangang dibdib ng mahigpit..

"P-ple-ase . . . t-tu-tulungan mo a-ko. . ." sabi ni to at humarap sakit . . sh*t namumutla sya na para bang hindi sya makahinga. . .

"Anong kaylangan kong gawin . . miss" Natataranta na ako . . lumapit ako rito para alalayan sya pero nagulat ako ng bigla nalang itong yumakap saakin.

"I-ilabas mo a-ako dito . . . p-please.." Sabi nya bago mawalan ng malay . . . sh*t!! kit anong gagawin mo..

---

STATUS: its ComplicatedWhere stories live. Discover now