Max's POV
Handa na kong Gumanti sakanya at ipakita kung sinong sinayang nya. .
Nagmamadali akong pumasok dahil nagtext sakin si Kayle na nilipat yung klase namin ng 8am . . dahil dyan eto ako tumatakbo papasok ng University..
Nagtataka lang ako kung bakit . . lahat ng makasalubong ko at Nakangiti sakin.. Weird
Nang makalagpas na ako sa gate . .
pagtapak na pagtapak ko palang may sumalubong na sakin.."Miss Para sayo. ." Sabi nung isang lalaki na nag-abot ng isang puting rosas. .
teka anong meron?? . . next week pa ang Valentines day ahh??
"Wait . . Kanino to galing?." Tanong ko pero di nya ako pinansin at patuloy na sya sa pag-alis. ayyyts medyo bastos!!
kinalma ko ang sarili ko sa inis na nararamdaman ko ng may lumapit muling lalaki at nag bigay ng isa pang bulaklak . .
"Pinabibigay po." Sabi nya at gaya kanina umalis na ito . .
Free ba to? baka mamaya babayaran to . . wala pa naman akong dalang extra money . sabi ko sa sarili ko pero gaya kanina may lumapit na mag-boyfriend at nag -abot muli ng bulaklak.
"Miss para sayo." sabi nung lalaki. .
"Ang swerte mo Girl." sabi ng girlfriend nya. at gaya ng inaasahan di nila sinabi kung sino ang nagbigay . .
Naglakad nalang muli ako papunta sa Gym para puntahan si kayle kanina pa ko text ng text pero di sya nagrereply . .
marami ng kababalaghan ang nagaganap sa university isa na itong pabulaklak keme na ito . . at sino naman kaya ang may gawa nito.
naglakad ako ng mabilis patungo sa gym, buti naman at wala ng mga weirdong tao na lumalapit sakin at nag-aabot ng bulaklak
pero pagtapak ko sa Gym may kakaiba akong naramdaman samutsaring bulungan ang narinig ko . . at bakit ba ang daming tao ngayon dito wala naman laro ang Basketball team ah?
"wow sya ba yun?"
"Bagay nga sila . ."
" Ang swerte nya naman . ."
" teka diba yan yung ex ni Vince"
"Panong sila e . . kakabreak lang nila ni Vince"
"Oo nga be . . kela lang sila nagbreak may bago agad."
"Two timer . . pala yan ii."
"Malandi, makati . ."
Ilan lang yan sa bulung-bulungan sa Gym . . pero bakit ano nanamang ginawa ko? . . tyaka teka sinong Timer?
nagulat ako ng biglang may pumutok. mula sa taas . . kaya tinignan ko ito . . pero namangha ako sa mga nakita ko. .
mga nagbabagsakang kulay pulang lobo, di ko alam kung bakig pero nakaramdam ako ng saya o must say nakaramdam ako ng kilig. . ng may nagsalita.
"Happy Monthsary . . Babe."
Pero mas kinagulat ko ng tignan ko kung sino ito . . Kit? . . Teka? ano nanaman ito..
"KYAAAAAAAAA"
"AYIIIIIIEEEEE . . NAKAKAKILIG!" Sigawan ng mga tao sa Gym.
lumapit si Kit para yakapin ako. WAIT? ano ba tong ginagawa mo? . . . ng makalapit na sya binulungan ko ito.
"Ano to? . . baka gusto mong magpaliwanag." halo-halong emosyon ang nararamdaman ko di ko alam kung maiinis ba ako o matutuwa . . ni minsan di nakagawa ng ganto si Vince sakin.
"Sumakay ka nalang." Bulong nya sa tenga ko.
"Nasisiraan kana ba? . . anong monthsary pinagsasabi mo dyan?." Pagmamaktol ko at akmang itutulak sya palayo sakin pero di ko nagawa dahil mas hinila nya ako papalapit sakanya at hinigpitan ang yakap sakin. teka abusado ko ahh .. tyansing na yang ginagawa mo.
"Nandyan yung Ex mo . . pinapanood tayo kaya umarte ka ng maayos." At humiwalay na sya sakin.
Agad hinanap ng mga mata ko si Vince tama nga siya nandun si Vince at nanonood. . . pero bakit sa mga mata nya may lungkot o sakit akong nakikita, pero malabo iyun . . baka nagmamalik mata lang ako.
huh! sige manood kalang pagkakataon ko na to. Gagalingan ko ang pag-arte sa part na to.
"Salamat Babe . ." Sabi ko at niyakap sya, tyaka ko tinignan si Vince na nakatingin samin . . isang matamis na ngiti lang ang pinakita ko sakanya . . nakita ko naman ang pag-iwas nya ng tingin . .
inalis ko ang pagkakayakap ko kay Kit, at inabot yung Gifts nya sakin . .
"Salamat." sinserong pagkakasabi ko sakanya kasabay nun . . tumingin muli ako kay Vince ngunit parang kinukurot ang puso ko ng makita ko silang dalawa ni Mae.
"Shall we?." Sabi ni Kit . . Habang inaantay nyang tanggapin ko yung mga kamay nya.
"Thankyou . ." Sabi ko. . . At pagkaabot na pagkaabot nya ng mga kamay ko, hinigit nya ako palapit sakanya.
" Wag ka ng malungkot . . hehehe diba nga Monthsary natin ngayon." Nakangiting sabi nya.
"Happy Monthsary."
---

YOU ARE READING
STATUS: its Complicated
Teen FictionPaunawa di po ako magaling so sa makakabasa pasensya na sana maenjoy nyo. tyaka lahat ng pangalan lugar at pangyayari na sa tingin nyo ay may katulad o kamukha nagkataon lang yun yun lang dahil lahat ng ito ay gawa ng aking isip😜