Chapter 4.

7 0 0
                                    

"Yes!" I almost screamed when i saw my Final Test at Math went well. 49/50 ang score at nakangiti ang professor ko sakin ng inabot sakin iyon.
"Good Job, Lee." Kaya tinanguan ko siya.
After this semester, puro major subjects na ang haharapin ko at salamat wala na ang math na manggugulo sa buhay ko.
Masaya akong lumabas ng Math Room at dumiretso sa paborito kong food area. Bumili lang ako ng apple at iced tea saka ako naupo sa malapit sa bintana habang binubuksan at binabasa ang Shakespeare's reviewer ko for the last subject later. El Literatura.
Paubos na ang apple ko ng makita ko ang tatlong batang malamang ay senior high school girls na palapit sakin. They were basically running pero parqng natigilan sila after seeing me looked at them.
"Paumanhin pero kailangan namin ng tulong mo, Ms. Snow Lee." Sabi ng isa na agad na nagbow pa sa harap ko at tumango tango yung dalawa, worried.
"Bakit?" I put my iced tea down and examined their expressions.
"Hindi po namin maawat si Fifth at Gray sa may Senior High Circle. Nagsusuntukan po sila." Nanginginig na sabi nung isa at halos mangiyak ngiyak pa yung isa.
Magsasalita pa sana ako pero ayokong umabot sa guidance ang mga yun kasi mapapahiya kaming lahat.

Talagang magkaaway ang dalawang bunsong iyon. Parehong spoiled, pareho ding matigas ang ulo.

Kasama ko yung tatlong babaeng nakarating nung area nila at nakita ko ang pamumula ng mukha ni Fifth, ng natamaan ulit siya ni Gray sa pisngi niya. Umatras lang siya at gumanti.

Ano na naman bang problema nila? Tss.

"Fifth! Gray!" I shouted, at napatingin yung ibang nang aawat sa kanila.
Pero ang mga unggoy di ako narinig.

"Tama na, Fifth! Gray!" Halos pumiyok ang boses ko ng inulit ko iyon pero di talaga ako narinig.

Ah ganun? Sige.

Dali dali akong tumakbo sa tabi nila at pinadistansya ang mga bata doon na pinipilit silang paghiwalayan pero di magawa.
Ng makalapit ako, di pa nila ata ako napansin. Ti-nenga ko sila agad at hinila palapit sakin.
"Araaaaaay!" They both screamed.
"Kanina pa ako sigaw ng sigaw at di kayo namamansin. Ngayon, sabihin niyo sakin. Anong gusto niyong kalalabasan ng tenga niyong dalawa ngayon after kong bitawan ko kayo?" Pilit kong hinihila palapit sakin ang tenga nila kahit na halos umiyak na sila sa sakit.

"Tama na ate!" Fifth shouted.
"Araay! Masakit, bitawan mo kami!" Dugtong naman ng isa.
"Gusto niyong kaladkarin ko kayo pauwi ng ganito ang posisyon niyo ha?" At lalo ko lang hinigpitan ang pagtitenga ko sa kanila na dahilan upang mapapikit sila at pulang pula na.
"Ateeee! D-di na mauulit!" Gray almost cried. I laughed inside me.

Pinihit ko yun ng paikot and heard them screamed bago ko sila binitawan. Napansin kong nakatingin pala saaming tatloiyong mga tao, medyo balisa at takot ang mukha.

"Umuwi na kayo kung ayaw niyong makarating to sa guidance ng department niyo." I said.

Tiningnan lang ako ni Fifth. Tapos nagkatinginan sila ni Gray.

"Konting away lang naman kasi to." Tumayo si Gray na bumulong.
"Uuwi kayo o hindi?" Tinalasan ko ang tingin ko sa kanila.
I heard them sighed. "Sige, tara na Gray." Fifth tapped Gray's shoulder saka sila umalis sa harap ko.
"Pag nalaman kong nagsuntukan ulit kayo, papatayin ko connection niyo sa wifi ni Kuya Aaron." Pahabol kaya tumigil sila.
"Ate naman?" Gray snorted.
Tinaasan ko siya ng kilay.

"Kaya nga hindi na diba." I saw Fifth rolled his eyes.

That's why having multiple type of boy siblings is a shit.
But you should enjoy it.

After nilang makaalis, umalis na din ako doon although may naririnig pa akong bulungan ng mga ibang tao doon. Kaya iniyuko ko lang ang ulo ko para umiwas sa tingin nila.

RunWhere stories live. Discover now