This isn't my phone O.O

152 3 2
                                    

Hey There! :)

Ako si Darcey

Suplada paminsan pero mabait...

Nasa senior year na ng High School...

Hindi mayaman pero hindi rin mahirap...

I have 3 bestfriends in the world..

Number one is my papa

Number two is Lily

And number three is...

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

My phone.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung nawala sa 'kin cell ko.

Guguho talaga ang mundo ko pag mawala o masira ang cellphone ko.

Alam ko kung anong iniisip ninyo....."ang OA naman.." "Andrama niya te"

Seryoso ako, my phone is like my life.

Pero dumating ang araw na...dahil sa katangahan ko, nawala ang cell ko...

OoOoOoOoOoOoOoOoOoOoOoOoOoOoOoOoOoOoOoOoOoOoOoOoOoOoOoOoOoOoOoOoOo

"Darcey sandali! Hintayin mo nga ako!" rinig kong sigaw ni Lily...

"Sorry Lil, hindi pwede, hinihintay na ako ng papa ko." sigaw ko balik kay Lily..pero maya maya nasa tabi ko na siya...

Halos hindi na siya makahinga ng maayos dahil sa kakahabol sa 'kin.

"Darcey, gaano ba kasi kaimportante 'tong pupuntahan mo?" tanong ni Lily sa 'kin habang sinusubukan niyang habulin ang hininga niya.

"Lily naman o....alam mo namang paminsan minsan lang kami magrereunion." sagot ko sa kanya.

"Uy! Ayos yan a...pwede ba akong sumama?" tanong ni Lily habang nagpakyut sa 'kin.

"Alam mo Lil, pwede mo naman akong diretsohin ee, hindi mo na ako kailangan idaan sa mga pacute cute mo diyan. Hindi ka bagay." sagot ko sa kanya.

"Bes naman o....bagay kaya ako!" napangiti ako sa sinabi niya.

"So...ano na?! :D Yes ba? O no?" tanong niya ulit sa 'kin.

"Oo naman siyempre, parang kapatid na rin kita ee.." sagot ko sa kanya.

" Yehey!!! Bait bait ng bestfriend ko!" ikinatutuwa niyang sigaw habang inaakbay ako.

"pero..." singit ko

"pero ano? -_-" tanong niya na parang naiiirita na.

" Dapat magmadali na tayo, dahil kung hindi...iiwan talaga tayo ng papa ko." sabi ko

"Anong hinihintay hintay mo diyan?! Tara na!!!" sabi niya habang hinihila ako.

Nadala ako.....excited na siya ee. @_@

Tumakbo kami ng tumakbo....katagalan ako na ang nauna.

Kahit isang segundo hindi kami tumigil.

Sa sobrang bilis ng takbo ko naramdaman ko ang hangin sa mukha ko.....halos luha luha na ang mga mata ko dahil sa hangin.

One shot stories :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon