11:11

141 2 5
                                    

11:11

Sa tuwing sumasapit ang 11:11 nagwiwish ako.

Sa tuwing sumasapit ang 11:11 umaasa ako.

Sa tuwing sumasapit ang 11:11, yun ang panahon ko.

Kaya lagi kong inaabangan ang 11:11.

0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0

May's P.O.V

"Ate May, 11:11 na!" tainawagan na ako ni Leslie, ang 6-year-old kong kapatid. Agad akong tumakbo sa sala at tinutukan ang orasan.

Pinikit ko ang mga mata ko at nagwish.

Lagi kong hinihiling na babalik na papa namin, ang tagal na niyang nawala. Namimiss ko na siya...namimiss na namin siya. Seaman siya, tatlong taon na siya nawawala.

Oo nawawala, hindi na siya tumatawg o sumusulat. Kumusta na kaya siya ngayon??

"Ate nagwish ka na ba??" tanong ni Leslie, binukas ko ang mga mata ko, nakatayo siya sa harapan ko.

"Oo...ee ikaw? Nagwish ka na ba??" tanong ko naman sa kanya.

"Oo naman." sagot niya.

"Anong wish mo??" tanong ko sa kanya, ngumiti siya sa 'kin.

"Kung ikaw hinihiling mo na uuwi si papa ako naman wish ko na sana magkaboyfriend ka na, para hindi ka na masyado mag-aalala...para may magdidistract sa 'yo." sagot ni niya, napatawa ako sa sinabi niya.

"Ikaw Leslie ha, haha puro kalokohan." Niyakap ko siya. "Matulog ka na. Late na, may pasok pa tay bukas."

"Opo." sagot niya "Good Night Ate."

"Good Night."

0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0

Nasa eskwelahan na si Leslie, hinatid na siya ng carpool niya, ako naman nasa bahay pa lang.

"May, mag-ingat ka ha, tsaka mag-aral ka ng mabuti." paalala ng mama ko sa 'kin.

"Opo, sige aalis na po ako." Hinalikan ko si mama sa pisngi at umalis.

Paglabas ko ng gate nakita ko si Tim kapitbahay ko, classmate ko rin. Naglalakad siya patungo sa 'kin.

" Good Morning May." bati niya sa 'kin. 

"Good Morning rin."  sagot ko habang ngumingiti.

"Tara sabay na tayo." sabi niya.

"Sige, tara.." Sabay kaming naglalakad papuntang school.

"Kumusta na mama mo? Hindi pa rin ba tumatawag papa mo??" tanong niya.

"Okay lang si mama, hindi pa nga ee.... namimiss ko na siya." sabi ko.

"Okay lang yan. Nagawa mo na ba ang assignment sa Science??" tanong niya, napansin niya na agad ako naging malungkot ng mabanggit niya papa ko kaya chinange na lang niya ang subject.

"Oo, ee ikaw??" tanong ko.

"A mabuti. Kaya nga ako tumatanong ee...hindi ko pa nagawa, baka pwede akong kumopya." sagot niya. Napatawa ako...ganun talaga si Tim.

"Haha oo naman, wala akong assignment sa Algebra ee....ako, pwede ba akong kumopya??" tanong ko.

"Haha oo naman siyempre." sagot niya.

Nakarating na kami sa school at sabay na rin kaming pumasok sa classroom.

0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0

One shot stories :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon