Soulmates

71 1 0
                                    

What if... one night... your soul would leave your body. Where would you go? What would you do?

Based on the movie “Insidious” pero ginawa kong comedy/romance. Nanood kasi kami ng mga friends ko ng Insidious kaya may nakuha akong idea.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

“Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!”’

“Aaaaaaaaaaaaaaaaaaahahaha!”

“Putang ina! Screw this man!”

Iba’t iba ang reaction nina Savanna, Dallas at Cali habang nanonood ng Insidious.

“Hoy! Akala ko ba napanuod mo na yan?! Ba’t nagulat ka pa??” tanong ni Cali kay Savanna.

“Nakalimutan ko na kasi.” sagot ni Savanna. Tawa lang ng tawa si Dallas na parang walang nakakatakot. 

“Takot ‘to si Dallas… tawa ng tawa eh, pangdistract niya para hindi mahalata.” sabi ni Cali. Tinapunan siya ng nova sa mukha. “Aray!”

“Haha… wait. Totoo kaya yan??” tanong ni Dallas. Napatingin sina Savanna at Cali sa kanya.

“Shunga lang teh?” sabi ni Savanna.

“Of course… ” sagot ni Cali “…it’s not real. Imposible kaya… bakit? Takot ka noh??” tanong niya kay Dallas.

“Hindi a!” sagot ni Dallas. 

“Wow… defensive defensive?” sabi ni Savanna. May narinig silang tunog ng busina, tumingin sila sa labas ng bintana at nakita nila ang sasakyan ng mommy ni Dallas.

“Sakto!” sabi ni Cali.

“Ayyyyy, yoko pang umalis!” sabay sabi nina Savanna at Dallas.

“Wolo na kayong magowo.” sabi ni Cali. “Gabi na o… 10:30 na.”

“Tsk. Aalis na nga….” sabi ni Dallas habang inaayos ang mga gamit.

“Dal, sabay ako ha. Okay lang? Sa kanto lang naman ako eh.” sabi ni Savanna.

“Oo sure.” sagot ni Dallas. Naglinis muna sila bago umalis.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

“Oy! Mag-ingat kayo ha!” sabi ni Cali habang kumakaway sa kotse.

“Babye!” sigaw ni Dallas.

“Mag-ol ka na lang mamaya!!!” sigaw ni Savanna. Naghintay si Cali ng ilang minuto pa hangga’t nawala na sa paningin niya ang kotse.

Pumasok siya sa bahay pero biglang nawala ang kapatid niya. Bigla niyang naramdaman na tumataas ang mga balahibo niya, bigla siya nanginig. Naka-on pa ang tv sa sala, at naka-on pa rin ang computer. Pumunta siya sa kwarto niya at nakitang natutulog na pala ang 5-year-old niyang kapatid na si Russell. 

She sighed a breath of relief. Sila lang kasi ang tao sa bahay, out of town ang parents nila sa Sunday pa uuwi, at wala pa silang mga katulong, kaya silang dalawa na lang ni Russell ang naiwan. Kaya nga inimbita niya mga friends niya. Dahil solong-solo nila ang bahay.

“Rus….” Nilapitan niya ang kapatid niya. “Russy….” Hindi pa rin gumigising si Russell. “RUSSELL!”

“Ate! Please be quiet, I’m sleeping!” sigaw ni Russell. Nagulat si Cali, meron kasing isang part nung movie na hindi na gumising ang bata dahil naposses na siya ng demonyo.

“Sorry Rus, sige… matulog ka na.” sabi ni Cali. Bumalik siya sa sala. Nilock niya ang main door, in-off niya ang tv at computer. Natatakot man siya pero in-off niya ang lahat ng ilaw at tumakbo papunta sa kwarto. Tumakbo siya na parang may humahabol sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 05, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One shot stories :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon