At the end of the rainbow

76 2 1
                                    

"Gracie! Pumasok ka na anak! Umuulan!" tawag ng mama ko. "Gracie umuulan!" sigaw niya muli. Pero hindi ako nakinig. Naglaro ako sa ulan, at hinintay kong matapos para makita ko ang rainbow.

Laging sinasabi ni lolo sa 'kin na may treasure daw sa dulo ng rainbow... Maraming gold na naghihintay sa 'kin. Kaya ngayong araw, hihintayin kong lalabas ang rainbow, para kung sakaling maabot ko ang dulo makukuha ko ang treasure.

but that was 9 years ago.

16 years old na ako, at hindi ako naniniwala sa mga ganun ngayon. "Gracie! Gumising ka na! Diba may event kang pupuntahan??" tawag ni mama. Nasa kusina siya ngayon....abot second floor ang sigaw niya.

"uuuuggghhh Opo! Gising na po ako!" Bumangon ako at dumeretso sa banyo. Kailangan kong pumunta sa event na 'to, importante 'to sa 'kin dahil ako mismo ang nagorganize nito.

Pinaghirapan ko 'to, halos  hindi na ako natulog para lang makompleto ko 'to.

Nang matapos ko nang ayusin ang sarili ko bumaba ako para magalmusal.

"Good Morning mama." Bati ko sa kanya at hinalikan ko ang pisngi niya. "Asan na po ba si papa?"

"Nagtrabaho na, o ano...dalian mo na! Malelate ka na!" utos niya. Tama siya, malelate na nga ako. Kaya kummuha na lang  ako ng mansanas at umalis.

"Babye ma!" sigaw ko saka sinirado ang pinto.

o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0

"Manong Para!" Pumara ang jeep na tinawag ko, at sumakay ako papunta sa Manila Bay.

Dun ko plinanong gawin ang event. The magic happens there.

Ilang minuto ng pagsisikip at sa pagdudusa sa iba't ibang mga amoy, pumara na ako.

"Lugar lang ho." Bumaba ako at naglakad papunta sa venue.

o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0

"Gracie!!! Hoy bakla!" tawag ni Krista.

"Ikaw siguro ang bakla diyan!" sagot ko, haaay si Krista, to the max na ang pagkakikay niya.

"Owver ka girl, bad tempered ka talaga te!" sabi niya. "Tara na nga." Hinila niya ako papunta sa stage. Isang benefit concert ang inihanda ko kasama ang mga co-organizers ko.

"Okay lang ba kayong lahat diyan??" tanong ko sa banda, nagthumbs up sila sa 'kin indicating okay na raw ang lahat. Nagsidatingan na ang mga tao.

"Pwede ba Gracie? Wag ka nga'ng KJ diyan. Enjoy, relax.." sabi ni Krista habang iniiling-iling niya ang katawan ko.

"O-Oka---Okay na sabi!" Tumigil siya sa pagiling sa 'kin. Maya maya may naramdamang akong sakit sa ulo ko. yung pala may nagdrudrums sa ulo ko gamit ang mga drums sticks. Isa lang ang makakagawa sa 'kin nito.

"Tyler!" Si Tyler ang drummer ng band.

"Hahahahaha." tumawa siya at nagpakita siya sa harapan ko, at ang lakas rin ng loob niya para gawin sa 'kin yun ha.

" Tyler talaga!"

"Nag, nag, nag Gracie daig mo pa ang nanay ko!"

"Ummm...siguro mas mabuti pa aalis na lang muna ako..sasabog na ang bulkang Gracie." sabi ni Krista saka umalis.

"Napakaimmature mo talaga!" sigaw ko kay Tyler.

"Ikaw naman napakaMATURE mo, at least act like you're sixteen Gracie!" sabi ni Tyler. 

"At least I'm grown up!" sagot ko.

"At least I know how to have fun!" sagot ni Tyler.

"At least I know what I'm doing." sagot ni ko.

One shot stories :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon