Chapter 2 - Confession

2 1 0
                                    

Pumasok ako ng school na nakakapanibago hindi ito ang usual na nangyayari araw-araw na pumapasok ako sa school.

Hindi na kasi aki sila nakatitig sa akin.  Okay naman yun! Mas mabuti nga yun eh! Pero mas kinakabahan kasi ako kapag ganito. Jusko! Malakas ang kutob ko, parang may hindi tama.

"Hoy Killer!" sigaw na naman ng Impaktang babaeng na parang clown sa pula ng labi at pisngi niya!

Lumapit siya sa akin kasama ang dalawang alipores niya.

"Kung iniisip mong titigilan nakita! Pwes nagkakamali ka! Kahit malinis na ang pangalan mo! Hindi parin kita titigilan!" sabi niya sabay smirk.

Hay! Ang boring naman neto.

"Di porket ipinagtanggol ka na ni Jake! Ay ibig sabihin wala nang mambubully sayo! Watch out Biatch!" pagbabanta niya!

As if I care?

Wait. Tama ba ang narinig ko? Si Jake?

Juskooo! Ano na naman ba ang plano nang lalaki to? Wala na talaga siyang dulot na tama sa buhay ko.

Pero kung ano man yung pagtatangol na ginawa niya, maybe I should thank him.

***

Unang hinanap ko si Jake sa classroom, pero nabigo ako.

"Hmmmm. Mukhang may hinahanap ka yata Red?" Sabi ni Grace na ang laki ng ngiti. Transferee lang si Grace pero marami na siyang naging kaibigan, dahil narin siguro sa ganda niya at bait niya

Tinapunan ko siya nang weird look.

"Asus! Wag mo na ideny! Alam na namin, alam na ng lahat."

HA? Paano alam ng lahat? Pero amo hindi ko alam?

Nawala lang ako nang ilang araw, eto na ang balitang kumakalat sa school.

"Di ba kayo na?" sabi niya na mas lalong lumaki ang ngiti niya

shit!

Mas lalong gumuho ang mundo ko ng marinig ang lahat ng iyon.

Nasa tamang pag-iisip ba itong si Jake?

"Hindi no!" malakas kong tutol! "Hindi ko pa nga siya lubos na nakilala! At tsaka hindi rin siya nanligaw! Kaya tigilan niyo nga ako! Wag kayong maniwala sa mga tsismis nang iba!" sabi ko sabay alis papuntang upuan ko.

Red RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon