Vixen Forty-seven: Last Teardrop

2.6K 98 6
                                    

Lei's POV:



"Mommy..." bulong ko sa hangin habang maliliit ang mga hakbang na nilapitan ang kabaong nito.


Pagkalapit ko sa kinaroroonan ng labi ni Mommy ay tuluyan na akong napahagulgol nang makita ko ang mukha niyang puno ng pasa, hindi nakatulong ang make up nito para matakpan ang mga iyon.


"M-mommy... Anong ginawa nila sa iyo?" bulong ko sa kanya.


Naikuyom ko ang mga kamao ko nang maalala ang sinabi ni Dad kanina. 'Mistaken Identity? Fuck them all!' Lumapit ako sa malaking puno ng narra kung saan itinayo ang tree house na tambayan ko noon at doon ko inilabas ang lahat ng galit ko.


"Ugh! Fuck!" buong lakas kong sinuntok ang puno ng narra. Paulit-ulit hanggang sa maramdaman ko ang pamamanhid ng mga kamay ko. "Fuck them all!" I screamed at the top of my lungs.


"Light!" hindi ko pinansin ang kung sino mang tumatawag sa akin at patuloy lang ako sa pagsuntok sa puno kahit na puno na ng dugo ang dalawa kong mga kamay. Ramdam ko na rin ang pag-iinit ng mga mata ko kasabay niyon ang pamamanhid ng buong katawan ko, gayunpaman ay hindi pa rin nawala ang sakit na nararamdaman ko, sakit nang mawalan ng mahalagang tao sa buhay.



Napatigil ako sa pagsuntok nang maramdaman ko ang pagyakap ng isang pares ng mga braso sa akin mula sa likod ko.


"Stop it, baby. I told you, stop hurting yourself," Kuya Red whispered right through my ear. "Mom won't like it for sure, baby..."



Muli akong napahagulgol sa narinig. "M-mom... why so soon?" I muttered between my sobs.


Humarap sa akin si Kuya Red saka pinahid ang mga luha sa pisngi ko.


"Accept it, baby... We need to accept that Mom is gone already, we need to move on."


"No. No can do, Kuya." agad kong sagot sa kanya saka siya tiningnan ng deritso sa mga mata. "They'll going to pay it, I will make them pay." mariin at malamig kong turan sa kanya bago ko siya tinalikuran.



Sa music room ako dinala ng mga paa ko na lalong nagpasikip ng dibdib ko. This room are used to be the best room inside this mansion for me, kung saan kami palaging nagba-bonding ni Mommy, dito kami sabay na tumutugtog at kumakanta.


Lumapit ako sa organ ni Mommy at pinindot ang isa sa mga key doon. Napapikit ako nang sinakop ng nalikhang tunog ng keyboard ang buong silid kasabay niyon ang pagpatak ng isang butil ng luha mula sa mata ko.


Huminga ako ng malalim bago umupo sa harap ng organ at pinagpatuloy ang pagpindot sa mga keyboard nito hanggang sa nakalikha ako ng isang piyesa, piyesa kung saan nakapaloob ang nararamdaman ko ngayon.


"It's so hard to lose the one you love
To finally have to say goodbye
You try to be strong but the pain keeps holdin' on
And all that you can do is cry..."


Kanta ko kasabay nang sunod-sunod na pagpatak ng mga luha ko.


"Deep within your heart you know it's time to move on
When the fairytale that you once knew is gone..."


Just this time Mom, let me burst it all out.


"When the last teardrop falls
I'll still be holdin' on to all of our memories
And all of what used to be..."


And I promise, it'll be the last time I ever shed a tears of sadness.


"When the last tear drop falls
I will stand tall
And know that you're here with me in my heart
When the last tear drop falls..."


After this, I will going to make my first move. My first move to get even to whoever they are. My first move way to my little bloody vengeance. Sisiguraduhin kong mararamdaman at mararanasan din nila ang mga dinanas mo sa kamay nila. I will make them pay. I will make them taste what hell fells like when I put it into my hands. Buhay ang inutang nila, kaya buhay din ang magiging kabayaran nito, at sa pagkakataong ito, asahan nilang kasama na ang interes sa mga sisingilin ko.






Renj's POV:


Napatigil ako sa paglalakad nang makarinig ako ng ingay mula sa loob ng music room na nagpataka sa akin. Simula kasi nang lumipat si Lei sa condo ay wala nang pumapasok sa music room maliban na lang sa mga naglilinis dito. Sina Tita Summer at Lei lang naman kasi ang gumagamit nito noon dahil sina Kuya Calvin ay may sariling music room na nakakonekta sa mga kwarto nila.


Bahagya kong binuksan ang pinto ng music room dahil hindi naman ito naka-lock saka ako sumilip sa loob. Doon bumungad sa paningin ko si Lei na nakaharap sa organ, kumakanta habang patuloy ang pag-agos ng mga luha sa pisngi niya.


Napabuntong-hininga ako. Ramdam ko sa kanta ang sakit na nadarama niya na parang doon niya binubuhos ang lahat ng pagdadalamhati niya.


Mula sa pagkakasilip ay bigla akong napatayo ng tuwid nang makitang marahas na pinahid ni Lei ang mga luha sa pisngi niya bago tumayo at madilim ang aurang tumungo sa pintong kinaroroonan ko.


Agad akong tumagilid at tumabi sa may dingding kung saan hindi niya ako makikita nang buksan niya ng tuluyan ang kanina ay nakaawang lang na pinto saka tuloy-tuloy na lumabas. Nakahinga ako nang maluwag, nakakapanindig ng balahibo ang aurang bumabalot kay Lei, aura na akala mo ay papatay.


Wait.. Papatay? Sa isiping iyon ay kaagad kong sinundan si Lei. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang sa kwarto lang pala nito ito tumungo. I sighed once again, guni-guni ko lang siguro iyong aurang naramdaman ko kay Lei kanina.


Hay... makababa na nga lang, sigurado naman akong magpapahinga lang si Lei. Alam kong hindi gagawa si Lei ng mga bagay na maaari niyang ikapahamak at natitiyak ko rin na mas gusto niya ang mapag-isa sa mga sandaling ito kaya hindi ko na muna siya gagambalain.


Pagkababa ko ay sa garden na ako dumiretso dahil doon nila napagpasyahang gawin ang lamay. I really can't believe that Tita Summer is already gone, napakabrutal pa ng pagkamatay nito.


But still, until now ay wala pa kaming makitang kahit na anong hint or trace kung sino man ang gumawa niyon sa kanya at kung bakit.



Alam namin na hindi lang ito ordinaryong kaso, malaki ang posibilidad na may isang makapangyarihang tao ang nasa likod nito. Kaya pati ang Crescent Infierno Empire ay nakialam na rin sa paghahanap ng katarungan, lahat ng miyembro ay iisa lang ang idinadaing. Hustisya para sa Queen nila, hustisyang idadaan sa sariling paraan o batas ng Crescent at natitiyak kung hindi iyon basta-basta.


Crescent Infierno Empire, isang organisasyon na walang ibang hangad kundi ang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan ng lahat, pero dahil sa pangyayaring ito, mukhang maglalahong parang isang bola ang layuning iyon, dahil sa pagkakataong ito, iisang bagay na lang ang nakatatak sa isipan ng bawat miyembro, iyon ay ang maipaghiganti ang kanilang Reyna at isa na ako roon.




__________________________________________________________________________________

-typos&errors

FAIRY SYLVEON

Vixen's Flames -- Vol. One [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon