7. KAKAMPI O KAAWAY?

8.8K 282 35
                                    



7

February 4, 1945

Maaga akong ginising ni Herrerias. Napa-aga ako ng tulog kagabi kaya hindi ako nag-reklamo dahil sulit ang tulog ko.

"Bilisan mo diyan para hindi tayo mahuli sa almusal mamaya. Ituturo ko ang tamang pag-hawak at paggamit ng baril."

Akala ko nagbibiro lang sila kagabi. Masyado palang seryoso ang mga tao sa panahong ito. I should've known.

Tatlong kanto ang nalampasan namin bago makahanap ng perpektong lugar para sa ensayo. Medyo na-excite ako nang ibigay sa akin ni Herrerias ang isang baril. Parang may buhat akong sampung kilong barbell. Binalaan niya ako na huwag galawin ang gatilyo at alam ko kung bakit. Baka pagkamalan kaming kaaway ng mga patrol sa lugar.

-

Pagkatapos niya maituro ang mga dapat niyang ituro ay nilapitan niya ako at ibinulong sa tenga ko ang, "Hindi ako naniniwala sa mga kwento at aksyon mo. Madaming traydor ngayon at hindi mo agad makikilala ang mga kakampi at kalaban. Babantayan ko ang bawat kilos mo at kapag naka-amoy ako ng hindi maganda... patay ka, Santiago Salvacion." Kinuha niya ang baril mula sa akin at muli niya akong tinignan ng masama. Natakot ako sa sinabi niya. He just threatened me!

"Nagkakamali ka, Herrerias. Hindi-"

"Alam ko ang traydor kung nakakita ako ng isa," sabi niya at tinalikuran ako. "Binaril sa ulo ang aking ama, paulit-ulit naginahasa si Ina at si ate, pinahirapan kaming dalawa ng aking walang kalaban-laban na lolo...hanggang sa hindi na niya ito nakayanan at namatay siyang naghihingalo sa mga braso ko. Lahat ng ito'y nangyari dahil sa isang kababayang traydor na tumanggap ng salapi mula sa kaaway, na nagsabi sa mga demonyong Hapones kung saan kami nagtatago. Kinupkop namin siya at pinakain at iyon ang ibinayad niya sa pamilya ko. Ngayon, ayaw ko na pati ang mga kaibigan ko ay mawala mula sa akin dahil sa isang traydor...mas hindi iyon makatarungan at hindi katanggap-tanggap kung susumahin." Nag-umpisa siyang maglakad. "Bumalik na tayo sa kampo at sa mga oras na ito ay namamahagi na sila ng almusal."

Tahimik ko siyang sinundan.

Matagal na palang may mga judgmental sa mundo, pero hindi ko naman siya masisi dahil sa mga naranasan niya. Matagal na palang naghahari ang pera at sa puntong kaya mong ibenta ang iyong kapwa at sariling kababayan.

-

"Heto, Tiago, gatas ng kambing," ang alok ni Diego. Inabot niya sa akin ang tasa at ramdam kong medyo mainit ito. Nagtaka ako kung bakit at paano nagkaron ng kambing dito.

Tinignan ko ito ng may pandidiri. May bubbles ito sa gitna. Gross!

"Napakuluan 'yan kaya patay na ang mga mikrobyo." Napansin siguro ni Diego na hindi kaaya-aya ang tingin ko sa gatas ng kambing.

"Salamat na lang, pero kasi sterilized at chilled milk lang ang iniinom ko." Ibinalik ko sa kanya ang tasa. "And, man, I don't drink with dead bacteria floating in it."

"Wala akong naintindihan, Santiago." Tinungga niya ang tasa ng gatas at pinunasan niya ang labi niya gamit ang kanyang sleeves and I cringed. So barbaric and disgusting.

Bumalik ako sa pagkain ng tinapay na walang kalasa-lasa. Sa sobrang gutom ko ay nagawa ko itong kainin at sa uhaw ko ay nagawa kong inumin ang tubig mula sa tasang pinagpapasahan ng iba.I can't believe that I did it. I just need to live. I have to.

"Halika, Tiago." Tinawag ako ni Kapitan Francisco pagkatapos kong kumain. "Kailangan mo ng mas maayos na gupit."

Halos tumigil ang mundo ko sa sinabi niya.

"Dalawang taon kong pinahaba at inalagaan ang buhok ko at hindi niyo pwedeng-"

"Wag kang mag-alala, nag-aral ako ng pang-gugupit mula sa mga Kano kaya maayos ako mang-gupit." Ngumiti siya at sinabing sundan ko siya sa may gilid ng kampo. Huminga ako ng malalim at sinundan ko siya kahit bumibigat ang mga paa ko.

-

"Nailigtas na ang mahigit isang libong bilanggo ng digmaan sa piitan ng Bilibid kanina. Mabuti na lang talaga kapanig natin ang mga Amerikano," ang salaysay ni Kapitan Francisco habang ginugupitan ako.

"Kapitan, bakit malaki ang tiwala niyo sa kanila matapos ang mga ginawa nila noon sa sambayanan?" ang tanong ni Andres na nakaupo sa sahig at nasa limang pulgada mula sa inuupan ko.

"Nagbago rin sila, hindi ba? Naging magaan ang buhay dahil sa mga tinuro nila at dumami ang trabaho bago ang gera. Nangako sila na tutulungan ang mga Pilipino na makamit ang kasarinlan."

"Pasensya na Kapitan, pero hindi maganda ang tingin ko sa kanila. Hindi ko tiyak na kapag nakuha na natin ang kalayaan ay lilisanin nila ang Pilipinas at hahayaan tayong mamuno. Makasarili sila at lalo nilang pinapayaman ang bansang Amerika gamit ang kayamanan ng ating bansa."

"Andres, huwag mo silang husgahan ng ganyan. Ang mahalaga ay nandiyan sila para makibaka sa atin."

Hindi na nagsalita pa si Andres. Halatang may galit siya sa mga Amerikano. Kulang nalang na magkaroon ng debate sa kanilang dalawa.

Nagpasalamat ako kay Kapitan Francisco nang matapos. Tinanong ko kung saan ang paliguan at binigyan niya ako ng direksyon.

Pa-alis ako nang biglang dumating si Miguel. May binigay siya sa aking color light brown na uniporme ng sundalo.

"Malinis iyan at hindi galing sa yumaong sundalo," sabi niya at ngumiti na parang gusto niya akong maniwala na hindi nga ito galing sa isang patay. Binalik ko ito sa kanya.

"Mamamatay muna ako bago ko isuot 'yan!"

"Madumi na ang kasuotan mo at...at hindi na kaaya-aya ang amoy mo, Santiago," sabi niya ng mabilisan.

"Paano ako hindi mangangamoy?! Walang body soap, shampoo, deodorant, body spray-"

"Santiago...."

"And I am not the only one who smells like sh-"

"SANTIAGO!" sigaw niya at tumingin sa amin ang mga nasa paligid at mga dumadaan. Nagulat talaga ako dahil ngayon lang ako nasigawan ng ganito kalakas Muli niyang inabot ang uniporme sa akin at kinuha ko ito mula sa kanya tsaka ka siya forcefully na nag-exhale. "Pasensya na."

"Ayos lang," ang nanghihinang sagot ko at mabagal na naglakad palayo.

E

Stuck in 1945 (Completed 2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon