10. BAYAN KO

7.4K 271 10
                                    

February 17, 1945

Tuloy-tuloy pa rin ang mga atake mga magkasamang grupo ng mga Amerikano at Pilipino para mapalaya ang mga syudad. Hindi ko alam kung kelan ito matatapos dahil wala akong memorizena dates sa Philippine History maliban sa araw ng kalayaan.

Sa mga nakalipas na mga araw ay lalong tumindi ang ipinakitang pagmamalabis ng mga Hapones. Ayon kay Kap Francisco ay nagkaroon ng mga massacres sa mga hospital, paaralan, simbahan at kumbento. Sa mga inosenteng sibilyan ibinuhos ang kanilang galit at hindi pinalampas kahit mga bata at sanggol. Madami ang brutal na pinahirapan, tinanggalan ng parte sa katawan at ginahasa. Naging mas malala ang sitwasyon dahil lalo nang humihina ang pwersa ng kalaban.

Isa ako sa mga pinag-boluntaryo ni Kap Francisco para maging katulong ng mga nanggagamot. Actually, pinilit lang niya ako kasi wala daw akong ginagawa sa kampo. Nung una'y ayaw ko dahil halos babae yung mga nasa pagamutan, pero "utos" niya 'yun at kailangan ko daw sundin.

Hindi nila ako isinama sa mga nakaraang laban nila dahil isa lang daw akong mabigat na dala at gusto ko din naman na dito lang ako kasi I feel safe here. Pero nandidiri na ako sa mga kamay kong may mantsa ng dugo na galing sa mga telang hawak ko na siyang ipinampunas sa mga sugat na mga sundalo at sibilyan na kailangan ng first aid. Kahit may nakatakip na tela sa ilong at bunganga ko ay amoy na amoy ko ang malansang dugo sa paligid at isama pa ang mga body odor ng mga nandito, at isa na ako sa mga stinking creatures ditto na nilalapitan ng mga flies and mosquitos.

Nang makabalik ang mga sundalo at gerilya ay may mga kasama silang ilang daang mga sibilyan. Sabi ni Herrerias, by the way nakiki-feeling close lang ako pero alam kong wala pa rin siyang tiwala sa akin, na napakadami pa ng mga sibilyan na hawak o bihag ng mga Hapones.

Nagkaroon ng matinding gutom sa lahat na halos wala na talagang mailagay na pagkain sa mga ration boxes ng mga bata. Minsan nga'y nagkakaroon na ako ng hallucinations dahil sa gutom at talagang ramdam ko ang pag-gaan ng katawan ko. Minsan ay binalak kong magnakaw ng tinapay pero it turns out na wala akong mananakaw dahil wala talagang pagkain sa pantry ng kampo. Sa mga oras na ramdam ko ang sobrang gutom ay naaalala ko ang mga ino-order ko sa mga fancy restaurants na hindi ko inuubos at iniisip ko kung pwede ko pa itong mabalikan at uubusin ko ang mga pagkain na inorder ko.

Tulad ng iba kong mga kasamahan ay itinutulog na lang namin ang gutom sa gabi. Habang nakahiga ako ay hindi matanggal sa isipan ko ang mga hinahandang pagkain ni Yaya sa mesa at ang mga family dinner namin tuwing holidays. Hinahanap na ng lalamunan ko ang hot meals. Ilang araw na akong hindi nakaka-kain ng karne at dessert. Hindi ako pinapatulog ng mga nai-imagine ko at dahil na rin sa mga kagat ng mga lintik na lamok na hindi ko na natitiis.

Bumangon ako at nagtungo sa gilid ng ilog. Maliwanag ang buwan kaya nakikita ko ang daraanan.

"Ginoo!"

Nagulat ako nang may sumigaw na bata mula sa likuran ko at nilingon ko ito.

"Juan, naman! Mahuhulog ang puso ko nang dahil sa'yo." Hindi ako nagka-kape at sadyang magugulatin ako at nerbyoso.

Umupo kami sa isang malaking tipak ng semento at nakaharap sa ilog. "Sinundan mo ba ako? Anong kailangan mo? Wala akong pagkain..."

"Ginoo, maaari mo ba akong kantahan?" tanong niya.

"Ha? Eh hindi maganda ang boses ko." Which is hindi totoo. Madali lang naman kasi maging humble, eh.

"Gusto ko ulit makarinig ng musika mula sa bunganga ng tao at hindi mula sa mga pagsabog at barilan," ang sabi nito habang nakatingala sa mga bituin sa kalangitan.

Nakaramdam ako ng matinding awa sa batang katabi ko. "Sandali, mag-iisip ako ng magandang kanta." Karamihan ng memorize kong kanta ay hip-hop, punk at pop rock. Naalala ko ang presentation namin last sem sa Art App na ilang araw namin pinaghandaan. Tumingin ako sa ilog at nag-umpisang kumanta.

Ang bayan kong Pilipinas

Lupain ng ginto't bulaklak

Pag-ibig ko sa kanyang palad

Nag-alay ng ganda't dilag.

At sa kanyang yumi at ganda,

Dayuhan ay nahalina

Bayan ko, binihag ka, nasadlak sa dusa.

Kusang tumulo ang mga luha sa aking mga mata. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, sobra akong nalulungkot at naiinis.

Ibon man may layang lumipad

Kulungin mo at umiiyak

Bayan pa kayang sakdal dilag

Ang di magnasang makaalpas

Pilipinas kong minumutya

Pugad ng luha ko't dalita

Aking adhika, makita kang sakdal laya...

Hindi ko deserve na kantahin ang kantang ito at nagmumuka na akong isang hipokrito sa Pilipinas.

Niyakap ako ni Juan. "Wag kang umiyak, Ginoo, muli tayong magiging malaya at lalo na ang bansa natin."

Niyakap ko siya pabalik at sinabi ko, "Alam ko, Juan."

"Alam mo dahil galing ka sa hinaharap, Ginoo, sabi ni kuya Gabriel."

"Dahil mahal na mahal ng mga tunay na Pilipino ang bansang Pilipinas at gagawin nila ang lahat para makitang malaya ang kanilang bansa."

"Mga tunay na Pilipino?" ang inosente niyang tanong.

"Hindi nasusukat ang pagka-Pilipino sa kulay ng kutis at sa pagtira niya sa bansang Pilipinas, kundi nasusukat ito sa pagiging totoong makabayan at pagmamahal sa kanyang sariling bansa, kultura, kababayan, at wika. May mga hanggang salita lang na isa silang tunay na Pilipino pero sa totoo niyan ay hindi nila kayang gumawa ng mabuti para sa bansa at lalo nilang dinadagdagan ang mga suliranin ng Pilipinas...uulitin ko, hanggang salita lang ang karamihan...at nakakalungkot isipin na isa ako sa mga hindi tunay na Pilipino," sabi ko pagkatapos ko siyang yakapin. Sa mga pagkakataon talaga na ganito nagiging parang isang makata ako.

"Hindi kita naiintindihan, Ginoo."

"Kasi bata ka pa at walang muwang sa reyalidad ng mundong ginagalawan mo." Well, that's somewhat deep.

"Bumalik na tayo...inaantok na ako..."

Habang naglalakad kami pabalik sa kampo ay hinawakan niya ang kanang kamay ko at bigla kong na-miss si Charlie.

Sana bumalik ang closeness namin nung mga bata pa kami. 

Stuck in 1945 (Completed 2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon