24. ANG BANGUNGOT NG NAKARAAN AT ANG PAGLISAN

6.7K 238 12
                                    


24


Bago ako dumiretso sa university ay napag-isipipan kong dumaan muna sa Intramuros. Nag-park ako ng kotse sa pay parking sa tapat ng Manila High School at pumasok sa isang gate.

Tinahak ko ang kalye ng Victoria at lumiko pa-kanan sa kalye ng Gen. Luna. Habang naglalakad ako ng mabagal ay binabalikan na naman ako ng bangungot ng nakaraan. Sa tingin ko ay nagkakaroon ako ngayon ng hallucinations dahil sa trauma. Nakakakita ako ng mga tumatakbong mga sundalo sa gilid ng kalye at mistulang hindi nila nababangga ang mga sasakyang naka-park, may mga nakahandusay na mga bata, kababaihan, at matatanda sa gitna ng kalsada at kapag nadadaanan ko ay unti-unting naglalaho na parang usok, nang mapadaan ako sa isang simbahan ay nakita ko na parang may mga bumabagsak na bomba mula sa itaas pero walang naganap na pagsabog at nananatiling nakatayo ang simbahan, at ngayon naman ay nakakarinig ako ng mga putok ng baril, malalakas na pagsabog, mga umiiyak habang nagmamaka-awa, at nakaramdam ako ng panic. Tinignan ko ang paligid at tuloy pa rin ang paglalakad ng mga tao at napagtanto kong ako lang talaga ang nakakakita at nakakarinig ng mga ito. Bigla akong nakaramdam ng pagkahilo at panghihina, kaya umupo muna ako sa isang upuan na nasa lilim. Napayuko ako at sinubukan kong i-kundisyon ang sarili ko pero na-iyak ako. Ayoko na maalala ang mga nangyaring hindi maganda.

Please stay away forever!

"Ayos ka lang, boss?"

Nag-punas ako ng luha at hinarap ang lalaking nagsalita sa harapan ko. Isang payat at pawisan na matandang street sweeper.

"OK lang ako." Medyo bumuti na ang pakiramdam ko at wala na ang mga bumubulabog sa akin.

"Namumutla ka at namumula ang mga mata mo. Kung may pinagdadaanan kang matindi, dapat mo iyan ilabas," paalala niya.

Tumango ako. "Salamat. Anong lugar pala ito at anong kwento niyan?" tanong ko at itinuro ang isang monument sa gitna.

"Ito ang Plazuela de Santa Isabel. Tinatawag nila 'yan na Memorare Manila Monument at itinayo iyan para sa mga sibiliyang namatay noong digmaan. Ma-iwan muna kita...basahin mo nalang yung nakasulat sa monumento," sabi niya at nagmadaling umalis buhat ang kanyang walis.

Nilapitan ko ito at una kong binasa ang nasa tabi ng monumento sa kanang bahagi nito.

MEMORIAL BY PETER DE GUZMAN

THE CENTRAL FIGURE IS A WOMAN, QUITE LARGE, DOMINANT IN SIZE AND PROPORTION, SHE IS THE MOTHERLAND – SHE WEEPS AS SHE HOLDS AN INFANT, THE SYMBOL OF HOPE, BUT THE INFANT IS DEAD – IT REPRESENTS LOST HOPE.

THE FEMALE FIGURE ON THE RIGHT SIDE IS A VICTIM OF RAPE, THERE IS AN INFANT CLINGING TO HER. ON THE LEFT SIDE IS A MAN STILL ALIVE LOOKING CONFUSED AND DISORIENTED - DESPAIR ON HIS FACE. THE YOUNG BOYS ARE DEAD – REPRESENTING THE YOUTH THAT THE COUNTRY LOST. THE DEAD MAN LYING INFRONT PORTRAYS THE ELDERLY WHO WERE CAUGHT IN THE BATTLE.

Huminga ako ng malalim at muling tinignan ang monumento. Nakaramdam ako ng kirot sa puso dahil sa pagkaka-gawa nila dito, at ito'y dahil sa may kahalintulad ito sa mga nakita ko sa panahon ng gyera. Muling tumulo ang mga luha ko at naalala sina Kap Francisco, Isko, Juan at Jose nang mabasa ko ang inscription ng monumento.

MEMORARE – MANILA 1945

THIS MEMORIAL IS DEDICATED TO ALL THOSE INNOCENT VICTIMS OF WAR, MANY OF WHOM WENT NAMELESS AND UNKNOWN TO A COMMON GRAVE, OR EVEN NEVER KNEW A GRAVE AT ALL, THEIR BODIES HAVING BEEN CONSUMED BY FIRE OR CRUSHED TO DUST BENEATH THE RUBBLE OF RUINS.

LET THIS MONUMENT BE THE GRAVESTONE FOR EACH AND EVERY ONE OF THE OVER 100,000 MEN, WOMEN, CHILDREN AND INFANTS KILLED IN MANILA DURING ITS BATTLE OF LIBERATION, FEBRUARY 3 – MARCH 3, 1945. WE HAVE NOT FORGOTTEN THEM, NOR SHALL WE EVER FORGET.

Stuck in 1945 (Completed 2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon