"Yan! Yan ang hirap sayo Trivina! Ang mahalaga lang sayo ay ang sarili mo! Bakit Hindi mo ako pakinggan muna! Bakit ganyan ka! Nakakasawa na ! Ang Selfish mo!
" Yvan! Alam mo't simula't sapol na ganito ako! Bakit mo pa din ako niligawan ah! Kahit anong sabihin mo! O Sabihin nila hindi ko pa din tatangapain ang kahit na anong paliwanag! Sawang-sawa na rin ako! Just let me go!" . Sigaw ko sakanya tsaka ko sya tinalikuran . kahit mahal na mahal ko sya Hindi ko pa din iba baba ang pride ko para sakanya.
Pero makulit sya dahil hinabol nya ako mabilis nya lang akong nahabol palibhasa di nag susuot ng high heels . mabilis nyang hinawakan ang braso ko paharap sakanya at Niyakap ako
"Trivina. Please I'm sorry. I love you so much you didn't know how much I love you please don't break up with me ayoko ng ganito tayo . "
"Mahal mo ako? Bakit nambabae ka? Wag mo ng I deny Yvan ! Kitang kita ko ! Masarap ba ! Tuwang tuwa ka habang sinasayawan ka ng babae sa hita mo . "
"Trivina Hindi naman kasi talaga A---"
"Shut the f*ck up ! Yvan I don't want to hear anything what your saying . please don't make it to hard . Makaka move on din tayo just let me go " sabi ko sakanya. this time mahinahon na. pagod na ako kaya binilisan ko ang pag talikod ko sakanya dahil malalaglag na yung Luha ko . yes I'm hurt . nasasaktan ako sa mga ginagawa ko . pero hanggang dito na lang talaga .Mahal ko sya pero naghanap sya ng iba .
"Trivina !"
"Trivina !"
Naka ilang beses din sya sa pagtawag ng pangalan ko pero Hindi ko sya nililingon . dahil pag ginawa ko yun mababawasan ang pride ko. Sa ngayon yung Pride na lang ang kinakapitan ko . pagod na pagod na ako . Hindi naman dapat pa ako nagkakaganito . pero bakit hanggang ngayon sobra pa din akong apektado .
Past is Past I've Already move on at Alam ko sa sarili ko yun. Ayoko na ulit bumalik sa nakaraan ng dahil sa kabaitan ko naabuso ako . dahil sa lagi ako ang nagpaaubaya nawalan ako . at dahil sa kababaan ng pride ko . iniwan ako. Ano bang Mali dun ?Masyado akong naging mabait na kahit paulit ulit na ginagawa saakin eh OK lang . Dati hindi ako madaling sumuko . kapag mahal ko ipaglalaban ko . pero bakit naiwan pa din ako . kaya dahil sa mga nangyari dati ito ako ngayon . hindi ko sila pinapakinggan kahit anong gawin nila . natatakot ako na baka maulit nanaman . natatakot ako sa mga explain na maririnig ko dahil feeling ko nag sisinungaling lang sila saakin pare-parehas lang sila mga sinungaling! Kahit anong gawin nila hinding-hindi ko sila papakinggan excuse man yan o ano pa . hinding-hindi ko na ulit ibaba ang pride ko kahit pa sa taong mahal na mahal ko . ayoko na . nakakapagod maging mabait . nakakapagod makinig sa mga sinasabi ng mga taong nakapaligid saakin na puro naman kasinungalingan . hindi naman talaga ako ganito eh . pero dahil sakanya ganito ang nararamdaman ko . sya ang naging way para maging ganito ako . sya ang nagturo saakin nito kaya bakit ko ihihinto? Kaya ngayon walang ng nanloloko saakin . mabait ang lahat saakin . dahil pag once na nagkamali sila . Alam nilang yun na ang huli nilang pagkakamali saakin .
May mga totoong kaibigan naman ako eh . pero na g-guilty ako kasi pati sila nadadamay . sila lang yung hinahayaan Kong mag explain . dahil kailangan ko rin yun galing sakanila . si Yvan ? Pangalawa ko na syang Boyfriend . 1 year pa lang kami pero ganito na . paano na lang sa mga susunod na araw,taon? . kaya at least ngayon inunahan ko na sya. Masakit pero wala naman akong magagawa kung anong sinabi ko yun na yun.at ginusto ko yun.
I'm Trivina Sapine . Ang babaeng kahit sino walang makakapag pababa ng pride . kahit ang taong mahal at mamahalin ko pa lang .