"Anong ako?" Aniya na parang inosente
"Oo ikaw ! Marunong ka bang mag drive! Di mo ba ako nakita ah!"
"Nakita kaya lang---"
"Ok bye !" Tumalikod na ako sakanya kumukulimlim na kasi eh baka abutan pa ako ng ulan wala pa naman akong dalang payong. Mahirap na.
"Teka! Sandali! Hoy!"
Ano bang problema nito . pasalamat nga sya di ko sya ini report sa mga guard dito eh
"Ano ba?!" Sigaw ko sakanya
"Di mo ba ako nakikilala?"
"Hindi" mabilis kong tugon .pero ang totoo kilala ko sya . sya yung lalaking muntik nanamang makasagasa sakin . yung lalaking naluluha din habang pinagmamasdan kaming magkakaibigang nagiiyakan . Hindi ko alam na sya nanaman ang muntik ng makasagasa sakin . yung totoo gusto na ba ako nito patayin?
"Wee? Ikaw yung babaeng muntik ko na ulit masagasaan . sabihin mo nga ano bang problema mo?"
Wow! Ako pa ah ! Oo may problema ako pero labas sya dun .at tsaka sya dapat ang tanongin ko kung anong problema nya
"Wala, eh ikaw ?"
"Sigirado ka ?"
"Oo"
Bakit ko ba pinagkakausap itong tao na ito . di ko naman sya kilala . makaalis na nga.
Pero bago ako nakahakbang bumuhos na yung ulan. Litsi naman ang malas ko ngayon . sa tuwing magdadala ako ng payong hindi umuulan , kapag hindi naman ako nagdadala umuulan.
"Umuulan?" Sabi nitong katabi ko
"Ay Hindi ang ganda nga ng panahon eh . grabe ang init woo!"
Pagkasabi ko nun , bigla-bigla nya na lang ako itinulak pero mahina lang
"Buang! Ang sama kaya ng panahon , at ang lamig kaya "
Sigaw nya. na speechless na ako . ayoko na makipag usap sakanya kasalanan nya to eh kung hindi nya lang ako dinadaldal eh di sana nakasakay na ako ng jeep ngayon .anak ng teteng naman oh ,hintayin ko na lang tumila yung ulan .
"Hatid na kita mukha kasing wala kang dalang payong"
Anong mukha? Eh wala talaga akong dalang payong , magpapahatid ba ako? Nagugutom na din kasi ako at gusto ko ng umuwi pero hindi ko pa nga sya kilala eh
"Oo na ! I'm William Klein . oh masaya ka na ba? Kilala mo na ako."
Hala nababasa nya ba ang isip ko ? May lahi ba syang manghuhula? Oh di kaya mangkukulam sya at ako ang gusto nyang pahirapan ?
"Hoy hindi ako manghuhula ah , lakas mo ! Masydo ka lang obvious"
"Ahh"
"Ano Tara na mukhang walang pang balak huminto ng ulan baka gabihin ka pa dito "
"Kaya ko sarili ko"
Totoo naman eh , kaya ko sarili ko haler nag aral din kaya ako ng ninjutso! Pero shet! Gusto ko ng kumain at umuwi no choice na ba ako?
"Ok sige"
"Yun pabibo pa ah . hop in"
"Ano?"
"Wala halika na nga dami mo pang satsat eh"
Wala na akong nagawa kasi hinila na nya ako pasakay sa kotse. Eto pa din yung kotse nung muntik nya na akong masagasaan .
Itinuro ko kung saan ang bahay ko. Syempre hindi nga naman daw sya manghuhula kaya ayun .