Chapter 1

15 0 0
                                    

Masaya naman kami ni Stein noon eh. Oo bata pa kami pero I know that what we have between us is true. Hindi kami mapaghiwalay noon and he's very sweet. He always make efforts to make me smile, pero kahit nga tingin nya lang sapat na para pakiligin ako.

Crush ko lang sya noon, lagi lang akong sumusulyap sa kanya. Sa totoo lang, hindi ata kumpleto ang araw ko pag di sya nakikita. Gosh! I even stalked him!

Kahit hindi kami magkakilala in person, alam ko lahat ng paborito niya. Mula sa pagkain, movies, songs, sports and marami pang iba. Kilala ko rin ang parents niya, ano pa't magkapitbahay lang kami.

Sobrang saya ko nga noong napansin niya rin ako. That moment is very special to me. I can recall it as if it only happened yesterday.

That day was Sunday. Usually, sumisimba kami ng mga kaibigan ko pag araw ng linggo. But I choose to go alone dahil sobrang frustrated ko sa bahay. My parents are busy working to make their divorce possible. I hated that day.

After the mass I still remain in the church. Nag dadasal ako para sa himala, himala na wag matuloy ang divorce ng parents ko. God can do all things right? Maybe tulungan naman ako ni God this time. After years of existing ito na lang ang pinaka aasam kong hiling.

I kneeled while silently praying and begging for that miracle to happen. I love my parents and they both love me too. I see nothing wrong in their relationship until I found out everything.  It's not just about fights because of money, it's also about me. Kung di dahil sa akin...

I prayed hard, mag iisang oras na rin akong lumuluhod at nag dadasal until I felt something.

Napatingin ako sa tabi ko at laking gulat ko ng makita ko ang kapit bahay namin, ang ultimate crush ko, si Stein.

"Hmm... Sorry miss pero napansin ko lang na kanina ka pa naiyak. Ahhmm.. Ikaw si Janelle right? Hi I'm Stein. We're neighbors. Do you mind accepting my handkerchief?  Don't worry malinis yan." he handed me his handkerchief.

"Thank you." tinanggap ko iyon at umupo muna ako ng saglit while wiping my tears.

Hindi pa rin nag sink in sa akin ang lahat. Of all times naman, bakit ngayong haggard at problemado ko pa sya nakausap for the first time?

Umupo rin siya sa tabi ko.

"Are you crying because of your parents?"

Nagulat ako doon, paano niya nalaman. Sabagay may tenga ang lupa at may pakpak ang balita. No wonder malaman niya.

"Hmmm... Oo, hindi ko na kasi kinakaya yung mga nangyayari." sagot ko. Still, hindi pa rin ako makatingin sa kanya. Ramdam ko ang pag init ng mukha ko dahil sa presensya niya.

"I've heard the news, sorry hindi ko naman sinasadyang makialam. Narinig ko lang kina manang Celia yung nangyari sa magulang mo. I'm sorry for that."

"Ok lang, thank you nga pala ulit dito sa panyo mo. Isasauli ko na lang sayo after malabhan. Sorry naabala pa kita sa pag dadasal dahil sa iyak ko."

Nakita ko ang pag ngiti niya.

"Hindi naman, nagitla lang ako nung narinig kitang umiiyak. Hindi nga kita namukhaan kanina eh. I wondered kung anong iniiyakan mo then realization hit me. Hindi kasi ako sanay na makita kang umiiyak, in my observation positive ka namang tao at masiyahin. Lagi nga kitang nakikitang masaya kasama ng mga kaibigan mo sa school eh."

Does it mean na napapansin niya ako?

"Talaga?"

"Oo naman. Kahit naman Senior ako at Junior ka eh kilala pa rin naman kita. Magkapit bahay tayo di ba? Don't tell me na hindi mo ako kilala?" tumawa siya.

Don't Say Good bye Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon