Sabado ng kunin ulit ako ni Stein sa amin. Ipinagpaalam niya na mag papractice kami for the performance. And sobrang saya naman ni mama na marinig na mag peperfom ako. Bata pa lang ako, ineencourage na ako ni mama na sumali sa mga singing contest. Nagpasalamat pa sya kay Stein dahil doon.
"So, ano namang hinanda mo ngayon ha Stein? " Tanong ko after kong pumasok sa sasakyan nila. Agad naman siyang tumabi sa akin.
"Nothing special, naisip ko kasi na di bagay sayo ang extremes eh. Siguro dadahan dahanin ko muna. Ready ka na? Doon lang naman tayo sa over looking eh. Mag rerelease ng tension."
"Thank God! Mas gusto ko yang idea na yan."
Nag kwentuhan lang kami all the way sa destination namin. Hindi nakakabored dahil hindi naman nawawalan ng kwento si Stein. Nagbigay din siya ng thoughts nya about sa bubuoing band at sa mismong performance na.
He really likes to manage things. Makikitaan mo talaga siya ng pagiging leader. Isa yun sa mga nagustuhan ko sa kanya. Hindi sya nahihiya na ivoice out ang ideas niya, confident syang mamuno sa mga activities.
"We are here!" excited niyang sabi. Pinag buksan niya ako ng pinto at naglahad ng kamay sa akin.
A cute and sweet gesture na namimisunderstood ko. Umaasa at nasasaktan ako dahil sa mga ginagawa niya pero hindi ko maitatanggi na kapag ginagawa niya ang mga gestures na yun, masaya ako. At least nararanasan ko yung mga bagay na ginagawa ng magkarelasyon, bonus pa na sya ang gumagawa.
Tumakbo kami papunta hanggang dulo ng bangin. Akala ko nakakatakot pero hindi.
Nag enjoy ako dahil sa view, may napanood din akong mga hot air balloon sa malayuan. Nabanggit niya na may hot air balloon event di kalayuan sa kinatatayuan namin.
Umupo kami sa damuhan at pinanood namin ang isa isang paglipad ng bawat hot air balloon.
"Tingnan mo yang mga hot air balloons na yan, sinong mag aakalang makakalipad yan ng ganyan kataas no? Astig din ng nakaimbento nyan eh." sabi ko.
"Yang mga hot air balloons na yan? Parang tao lang din yan eh. Hindi yan lilipad ng walang ibang tutulong. Apoy yung nag lalabas ng air pressure na tumutulong sa paglipad niyan. Kung wala yung apoy, malamang nasa lupa pa rin yang balloon na yan at hindi nakikita ang napakagandang tanawin mula sa taas. Tulad mo, kung walang mag tutulak sayo na ipamalas mo ang talent mo ay hindi mo pa gagawin. To be honest, napakatalented mo. Kulang lang talaga sa encouragement eh. Pero I'm sure, after the performance you'll soar high. Dadami na rin ang makakaappreciate sa boses mo, maraming makakapansin sayo." sabi niya sa akin habang tinitinggnan ako sa mata.
May kakaiba sa tingin niya, para bang kapag tinititigan niya ako parang inaalam niya yung nasa loob ko. Parang kinikilala pa niya ako gamit ang mga titig niya.
Agad akong tumingin palayo sa kanya.
"Nasa balloon din naman kasi kung pipiliin niyang tulungan siya. Kasi kahit anong labas ng apoy ng pressure at may butas naman yung balloon, wala din. Hindi rin ito makakalipad. Ikaw? Pipiliin mo bang matulungan? "
"Then, what do you want me to do?" tiningnan ko sya this time.
"I want you to release everthing that hindrances your confidence. Ilabas mo lahat, ngayon. Then after that ikaw ng bahala mag desisyon kung anong next step. Scream all you want, mag wala ka, ang importante hindi mo iniipon yang sama ng loob mo. "
Nag isip akong mabuti, he's not just referring to the performance. He's referring to my life. May mga bagay pa rin kasi akong pinoproblema
Tears started to fall, lahat ng problema ko nagsisink in sa utak ko. Even those childish ones.
"No Stein, hindi ko naman kailangan ng mga ganito. " sabi ko sabay punas ng mga pesteng luhang kumakawala sa mga mata ko.
"Janelle, look. Andito naman ako eh, you can tell everything to me. Please, just let me. Let me help you. Ipinagtapat ni tito sa akin ang lahat. "
Napatigil ako sa pag punas ng mga luha ko.
"Alam mo? Sinasabi mo bang alam mo?! Ano to Stein?! Naglolokohan ba tayo?! There's no point of telling you my problems kung alam mo na pala! Alam mo, it's better if you just take me home. Uuwi na ko." tatayo na sana ako pero pinigilan niya ako.
"I want to hear it from you, gusto kong malaman lahat ng saloobin mo. Yung nararamdaman mo."
"Ano bang sa tingin mo ang nararamdaman ko ha? Dad lied to us! They lied to me! Ano sa tingin mo yung pakiramdam na pinakasalan lang ni dad si mom dahil sa akin?! Dahil sa aksidenteng pagkakabuo ko! Na hanggang ngayon! Hindi pa rin kami kayang tanggapin ng pamilya ni daddy? Na tuwing pupunta ako sa mga reunions ay ako na lang lagi ang bukambibig ng lahat? Yung mga tingin nila sa amin ni mom? Alam mo ba yung nararamdaman ko? Alam mk ba?! Nanliliit ako. Yung pakiramdam na minamaliit kami ni mommy, ng sarili naming kamag anak. Ayoko na nun Stein! Na kapag may naachieve ako, they are always looking forward for my failures. Wala silang ibang makita sa akin kundi kamalian! Na kesyo daw kung di ako pinanganak ay nag mas masaya daw si daddy, na sana mas mayaman daw sila, na kung di sana nilandi ni mommy si daddy, eh mas maganda daw ang buhay ni daddy."
Niyakap ako ni Stein. Fuck this feeling! Parang lalo lang akong naiyak sa pag yakap niya. Don't push me so hard Stein, baka mas lalo akong mahulog sayo at masabi ko ang nararamdaman ko.
"Release everything now, prove them wrong Janelle. Ipakita mo na kaya mo. " sabi ni Stein habang pinapatahan ako.
"Sana nga tama ka, na kaya kong maabot ang mga pangarap ko habang may mga taong sumusuporta sa likod ko. Pero paano ko papaniwalain ang sarili ko na kaya ko, kung mismong mga kadugo ko ang nag dududa sa akin?"
"Maraming nagmamahal sayo. Siguro kung bibigyan mo lang sila ng chance, mas magiging ok ka."
Humiwalay ako sa yakap ni Stein.
Mga taong nagmamahal? Kasama ka ba doon Stein? Mahal mo ba ako?
"Why are you doing this Stein? Bakit mo ko tinutulungan? Bakit mo pinoproblema ang mga problema ko? "
"Janelle... I've been observing you for a long time. Yes, masayahin ka but deep inside you're broken. I just wanted to help you. "
Itinulak ko sya. Kung ipagpapatuloy nya to ay mas lalo lamang akong mahuhulog sa kanya. And sigurado ako, once I fall for him, I will fall for him real bad at hindi ko na kakayanin pang bumangon.
"I'm asking you! Why do you want to help me?! "
"Because you're important to me. Because... You're my friend."
'Friend', ayan na, ayan na ang iniintay mo Janelle. Tama na! Wag ka na umasa! Kaibigan ka lang talaga. Hanggang dito na lang. Hindi ka pa ba titigil?! Narinig mo na mismo sa bibig niya.
"Well, thanks for the concern Stein but I don't need anyone else to help me. And about the performance? Forget about it! A broken person without any confidence is not worthy to perform."
Tumayo ako, and this time nakalayo ako sa kanya.
"Janelle!"
"Janelle! Mag usap tayo! "
Nakalimutan kong may sasakyan sila at naabutan din niya ako. Oh great! Para saan pa ang pag walk out ko?
"Janelle please listen to me. Ihahatid kita sa inyo ok? Magpalipas ka muna ng init ng ulo. After nun, let's talk. I'm not forcing you to talk to me, but please get in the car and I'll take you home. "
After ng ilang bangayan, wala, napasakay din ako sa kotse nila.
"Salamat sa paghatid." sabi ko at bumaba ako deretcho pasok sa bahay namin.
I don't want to confess my feelings anymore, because that won't change the fact that I am just a friend.
BINABASA MO ANG
Don't Say Good bye
Roman pour AdolescentsBumuhos ang malakas na ulan noong araw na yun. "I'm sorry, lets just break up. Parehas lang tayong nahihirapan in this relationship." "No! Please... Stein, please don't leave me! I'll do everything! Please!" Halos lumuhod na ako sa pag mamakaawa sa...