Isang linggo na ang nakalipas matapos ang scenario na yun.Iniwasan ko sya sa school at malimit akong sumama sa mga kaibigan ko para di niya maabala. Lagi siyang nag iintay sa labas ng room ko pero ni hindi ko man lang siya kinausap ni isang beses. Walang palya na ginagawa niya yun but suddenly he stopped doing those things.
Napagod na siguro, syempre sino ba naman ako para habulin di ba? Kaibigan lang naman ako.
After 3 consecutive days ay nakapag isip isip ako.
Ngayon ko lang narealize na napakalaki kong tanga. Bakit ko ba ginawa yun? Bat ako nagalit kay Stein? He's a good man, he just wanted to help me. Maganda yung intensyon niya at alam ko din naman na sa simula pa lang ay kaibigan lang ako.
Ngayon, hindi ko na alam kung paano siya haharapin.
Inantay kong puntahan ako ni Stein. Alam kong ako yung mali pero mas pinili ko pa rin na intayin na sya yung gumawa ng paraan para mag kaayos kami.
Hapon na pero wala pa rin siya. Nag pasya akong mag simba, baka sakaling mapagbigyan ulit ako ng Diyos.
Natapos ang misa pero tulad ng dati, nanatili ako sa simbahan. Umaasang makita ko ulit si Stein. Pero bigo ako, wala sya doon.
Kaya naman, inipon ko ang lahat ng tapang ko at pinuntahan si Stein sa bahay nila. Hindi ko sya chinat or tinext dahil mas gusto kong humingi ng sorry ng personal.
Nag doorbell ako at ilang saglit ay lumabas ang mommy ni Stein.
"Hello po tita, Good afternoon po. " bati ko sa kanya.
"Oh Janelle! What brought you here? Pasok ka hija. "
This is the first time na pumasok ako sa bahay nila. Kung anong ginanda ng labas ng bahay nila ay triple ang ganda nito sa loob. Napaka aliwalas ng bahay nila at ang gaganda ng gamit. Napansin ko rin na mas malawak ito kaysa sa karamihan ng mga bahay dito.
"Si Stein po kaya?" awkward kong tanong. Hindi naman kasi kami laging nag uusap ng mommy ni Stein eh. Ngitian at batian lang ang laging nagaganap pag nag kikita kami.
"Good thing you came here. After nyang umuwi galing sa last lakad ninyo ay hindi na sya lumabas ng kwarto nya. Ni hindi nga sya kumain ng hapunan that day. May nangyari ba hija? "
Dahil kaya yun sa akin? Probably yun nga.
"Medyo nag katampuhan po kasi kami tita. Sorry po talaga."
Lumapit sya sa akin at hinawakan ako sa balikat.
Ngumiti siya at inayos ang buhok ko.
"I always wanted to have a daughter. Pero hindi naibigay eh, buti na lang talaga at nakilala ka ni Stein. Go, puntahan mo sya. Alam kong maaayos nyo rin kung ano man ang problema nyo. One thing's for sure, kung ano mang pinagtalunan nyo, naapektuhan talaga sya. That means mahalaga ka sa kanya para mamroblema sya ng ganun. Bihira lang iyan. Iwan na muna kita hija ha? Stein is in his room. Kumatok ka na lang. Pag hindi ka pinapasok, then use this. " tita handed me some keys. I bet na susi ito sa kwarto ni Stein.
"Tita kahit intayin ko na lang po sya dito. Para naman pong sobra sobra na kapag pumasok pa ako sa room niya. "
"Just go hija, paniguradong hindi bababa yung si Stein. To make things easy, just go to his room and talk. Hindi ka nanaman iba sa amin. Sorry but I really have to go. Kailangan na ako sa trabaho ko. "
Naiwan akong naguguluhan kung aakyat ba ako o hindi. Pero naisip ko, kung tutunga nga lang ako dito hindi kami mag kakasundo. Kaya ayun, umakyat ako sa 2 floor ng bahay nila.
BINABASA MO ANG
Don't Say Good bye
Teen FictionBumuhos ang malakas na ulan noong araw na yun. "I'm sorry, lets just break up. Parehas lang tayong nahihirapan in this relationship." "No! Please... Stein, please don't leave me! I'll do everything! Please!" Halos lumuhod na ako sa pag mamakaawa sa...