Chapter 3

3 0 0
                                    

After ng klase ay nagmamadali akong lumabas ng room.  Ayaw kong makita si Stein dahil baka kung ano nanaman ang pinaplano nun.  Iba pa naman ang utak nun, kung ano anong crazy ideas ang umiikot dun.

Paglabas ko ay may taong nagtakip sa mata ko. Amoy nya pa lang, kilalang kilala ko na.

"Stein, bitaw. " sabi ko.
Agad naman siyang bumitaw.

"Hahaha kilala mo na talaga ako. So now, I have these ideas in my mind na sigurado akong mag wowork sayo. Are you ready? "
Sabi niya.

"I'm not ready. " sabi ko sa kanya.

Stein and his hilarious plans are so freakin' pain in the ass!

You should never wish na magkaroon ng kaibigang tulad niya.  Bat ko ba nagustuhan to?

"Well,  that's perfect.  Ready or not gagawin mo pa rin yun.  So tara na? " energetic  na sagot niya. Hinila niya ako palabas ng school.

"Stein!  Ayoko nga!  Bitawan mo ko!  Isa!  Dalawa! " sigaw ko.  Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante at mga kaklase ko.

"Tatlo, apat, lima!  Haha sumama ka na kasi.  This is going to be fun! "

Naipasok niya ko sa kotse nila at tumabi siya sa akin.

Hindi ko akalain na ang sobrang preserve na taong tulad niya ay may ganitong side.  Eventhough I find it cute and interesting, hindi ko pa rin masakyan ang mga trip nito sa buhay.

"Saan ba tayo pupunta? " tanong ko sa kanya.

"Heaven. " nakangising sabi niya.

Heaven?  What on earth are you thinking Stein?!

"Don't think too much, basta trust me."

Nakatulog ako sa byahe. Nagising na lang ako dahil sa liwanag.

"STEIN ANO BA YANG GINAGAWA MO?! "

"Nagpipicture? Pang blackmail sayo hahaha. "

Agad niyang ibinigay yung cellphone niya sa driver para di ko makuha.

"So half closed pala yung mata mo pag natutulog? " pangungutya niya sa akin.

"Burahin mo yun! "
Demand ko.

"Yes boss,  pero gagawin mo muna yung mga ipapagawa ko sayo. Deal? "

"There's no fucking deal Stein. " sagot ko sa kanya. Sinamaan niya ako ng tingin.

"Watch your words Miss. Baka maisipan kong i-upload yung pictures na yun. " banta niya sa akin.

Ok, edi sya na ang mabait. 

"Ok fine!  Gagawin ko yun but promise me na burahin mo yun after!  Wala kang ititira ok? " pagsuko ko sa kanya.

Ngumiti naman siya sa akin at pinagbuksan niya ako ng pinto. Such a gentledog.

"What?!  Amusement park?! " sigaw ko sa kanya.

"Yang expression mong yan talaga ang hinihintay ko eh.  Let's go cutie. " sabi nya sabay pinch sa ilong ko.

Napahawak nalang ako sa ilong ko habang sinusundan sya.

"Dito mo ako pakakantahin? "

"Depende sa maisipan ko.  Tara may tickets na ko. " pinakita nya pa yun sa akin at hinatak ako sa rollercoaster ride.

"No way,  Stein uuwi na ko. "

"Uuwi o iuupload ko yung pictures mo. Naku!  Siguradong maraming makakakita nun.  Ang cute eh hahaha. "

Kainis! 

Sumakay na kami rito ramdam na ramdam ko yung lamig sa katawan ko.  Takot ako sa rides!  Never in my life pa ako nakasakay sa mga ganito.

"I've heard hindi ka pa nakakasakay sa rides. So iaacomplish natin yun ngayon. I'll be here para mawala yang takot mo.  Humawak ka lang sa kamay ko ok? "

Agad naman akong humawak dito ng mahigpit.

"Haha easy, huwag mo namang baliin yung mga daliri ko.  Trust me masaya to.  All you have to do is to sing while the ride starts. So game? "

Anong kalokohan to?  Ito yung naisip niya?

Naglabas siya ng Go pro at sinimulan akong ivideo,kasabay nito ang pag andar ng rollercoaster.

"Oh - thinkin' about all our younger years!!! Wait saglit aaaaaahhhh!"

Puro tawa niya at sigawan ng mga kasama namin ang naririnig ko. Mas lalo akong napahawak sa kanya.

"There was only you and me
We were young and wild and free!!! OMG! Tataas na sya! "

Hindi ko na alam kung tama ba yung lyrics ko or yung tono,  basta ang alam ko lang sigaw lang ako ng sigaw.

"And baby, you're all that I want
When you're lyin' here in my arms!
I'm findin' it hard to believe
We're in heav-Lord gusto ko pang mabu- aahhh!"

Natapos yung ride at hilong hilo ako.

"That was... Hahaha EPIC! Eto na ata ang pinaka magandang version na napanood ko hahaha.I'll treasure it unto death,
. Hahaha " sabi nya habang pinapanood yung vid ko sa Go Pro nya.

Sige pagtawanan mo ako, sige lang.

"Pakiramdam ko gusto kong pumatay ngayon." sabi ko sa kanya.

Napahawak ako sa ulo ko sa hilo.
Agad naman niya ako tinulungan umupo.  Thank God hindi ako sumuka.

"Sorry na,  atleast diba tapos mo na yung unang task? Pahinga ka muna dyan then mamaya maglilibot tayo dito. I promise,no more rides. Mag games na lang tayo at kumain. Gutom na ko. "

Nilibre niya ako and we really enjoyed this day, seeing him smiling and laughing is a breathe of fresh air.  Lagi kasi syang seryoso sa buhay. Parang ibang tao sya pag kasama niya ako.

Ganun sya sa akin, which is pinagtatakahan ko at first dahil hindi naman sya ganun sa iba.  Sa akin lang.

Umabot kami ng gabi at inihatid niya ako pauwi, magkapit bahay lang kami at nakakatipid ako sa pag hahatid sundo niya sa akin.

Nasa gate na kami noong maisipan kong magpasalamat sa kanya.

"Thanks for the ride saka sa libre, just make sure na burado na yung pics na yun. Hindi talaga kita mapapatawad pag may nakakita nun. " banta ko sa kanya.

"Opo mam! By the way,  nag enjoy ka ba? Kasi ako... Sobra. " iniabot niya yung prices na napanalunan namin kanina. I mean niya, kasi sya lang naman yung nananalo.

"Sa kalolohan mong plano?  Hindi. But the rest, nag enjoy ako.  Ulitin natin to hanggang mawala ang takot ko."

"Yeah sure, I'm willing to accompany you to overcome your fears. Kasama mo ako lagi.  Just promise me one thing, wag mo akong iiwan. Because that's my biggest fear. " seryosong sabi niya.

Natulala ako sa sinabi niya. Did I heard it right?

"Good night na, inaantay ka na nila tito. " sabi niya bago kumaway sa akin.

Hindi ako nakatulog ng dahil sa kanya.  He never fail to make my heart race.

Don't Say Good bye Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon