40-Narration

1.2K 59 25
                                    

Mia's point of view

"Nabubulok ka na talaga"

Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko habang naglalakad papunta sa paaralan. Ang aga-aga pa pero sirang-sira na ang araw ko.

Una, nawala yung laptop ko kahapon sa library. Iniwan ko lang ng saglit sa lamesa dahil may hinahanap ako sa periodical section pero pagbalik ko, agad itong nawala sa aking paningin. Kahit sino ang tinanong ko kung may nakita ba silang kumuha nun pero yumungo silang lahat.

Wala akong balak sabihin ang pangyayaring ito sa mga guro namin sapagkat doble na ang gulo na mapapasukan ko; Siguradong mapapagalitan ako at siguradong makakakuha ako ng violation slip plus community service dahil dinala ko da school ang aking gadget na wala man lang permiso galing sa mga guro ko.

Ikalawa, bumili ako napkin sa sari-sari store kanina pero bigla nalang silang naubusan. Inutos ko si renjun na bumili sa kabilang kanto pero ayaw niya dahil "nakakahiya daw" eh bwiset pala eh. Ayaw kong si mama pa mismo ang bibili nun. Di pa nga yun nakakarecover sa kakaiyak kagabi. Kaya ayun, kailangan ko pang mag-utos ng ibang tao kahit hindi ko kilala.

At ang huling kamalasan ay ito.

Mali ang binili ng hinayupak na batang iyong. Sabi ko napkin, ang binili panty liner lang. Kaya ayon! Napilitan akong mag triple layer sa ilalim!!!

NAPAKABWESIT NG ARAW KO.

Ang init-init na ng ulo ko. Pakiramdam ko umuusok na yung mga taenga ko.

"Oh, bakit ang sungit ng mia khalifa ko ngayon?"

Nang narinig ko ang boses na yun, mas lalo kumulo ang dugo ko.

"Wag kang lumapit Donghyuk kung gusto mo pang mabuhay" sagot ko, sabay walk out.

"Eh diba kailangan mo laptop mo?"

I turned to my heels as raging fire flared through my veins.

Napagtatakahan ko kung bakit alam niya ang tungkol sa pagkawala ng laptop ko when I told nobody about it pero sa huli, napagtanto ko na malang siya ang nagnakaw nun.

"Give it to me donghyuk" i demanded with full disdain and annoyance.

"Halikan mo muna ako" sabi niya, habang naglakad patungo sa akin

"Tangina ayaw ko nga! Hindi ka nga marunong manipilyo!" Sigaw ko, pushing him away from me.

"Owemji kung magtotooth brush ako ng maayos, pwede mo akong halikan?!"

I was taken aback with his sudden commotion as i answered bitterly "TANGINA KA ISAULI MO LAPTOP KO!!!"

Bago ko syang tadyakan ay agad siyang tumakbo palayo sa akin. Hinabol ko siya habang sinisigaw ang kanyang pangalan. Napatingin lahat ng tao sa paligin sa akin at wala man lang akong nararamdaman na hiya. Napakahalag ng laptop ko. Binili yun ng tatay ko nang naging honor student ako! Kaya gagawin ko ang lahat na makuha ko ito kahit pa kailangan kong tumawid sa karagatan.

"Papatayin kita!"

Sinundan ko siya kung saan man siya patungo at namalayan ko na pumasok kami sa CR ng mga lalake.

Imbis na ako yung sumigaw, naku, ang mga lalake pa mismo ang nabigla sa pagpasok ko.

Agad akong tumakbo palabas habang tinatago ang sarili ko sa gilid ng mga basurahan.

"Tanga tanga tanga tanga"

Can this day get any worse?

Huminga ako ng malalim at tumayo, inaayos ang uniform ko.

I walked along the hall way as if walang nangyari sa akin at napangiti. Naalala ko tuloy na meron pala ako ngayon at kailangan kong bumili ng napkin asap.

Pumunta ako sa canteen pagkatapos ng first period namin at pumila kasama ang ibang mag-aaral.

Ako yung pinakahuli na nasa pila tas ang haba haba pa nito, parang walang hanggan ang bilang ng tao. Nawalan ako tuloy ng pasensya at paulit-ulit na namang nangmumura sa isip ko. Pero halatang-halata na naiinis ako dahil sa mukha ko. Ang init-init dito sa loob kaya napa paypay ako gamit ang aking kamay habang pinunas ang sleeves ng uniform ko sa leeg at noo ko.

Mabuti nalang at naiwan ko jacket ko sa bahay, na siguradong papawisan na naman ako ng todo.

Maya-maya, napansin ko na kakaunti nalang ang nasa harapan ko. Kumalma ang utak ko, sa walas.

"Hi miss"

My entire body trembled when I heard that pestilant voice out of nowhere for the second time of the day.

Lumingon ako kung saan galing ang boses na yun at nagsalita "ISAKSAK MO SA BAGA MO LAP--"

bago ko matapos ang aking pangungusap, bigla akong hinila ni donghyuk palabas sa pila, Patungo sa labas ng canteen na kung saan pinagsasamantalaan kami ng mga tao.

"Ano ba problema mo!!!" I shouted, hitting him with my fists.

"Ikaw na nga yung tinutulungan ikaw pa yung maraming arte!" At bigla niyang hinubad ang school jacket niya.

"Hoy gago anong ginagawa--"

He shifted my body closer to him and tied his jacket around my waist, tight enough upang hindi mahulog sakakagalaw and covered the back portion of my skirt that had menstrural blood stain.

He leaned closer to my ear and chuckled before he could even speak.

"The next time you wait in line, siguraduhin mo walang dugo ang saya mo"

At pagkatapos, he stood behind me, opened my backpack and place something in it at agad tumakbo pabalik sa silid namin.

Agad kong binuksan ang bag ko at nakita ang isang pack ng napkin. Saktong-sakto, para sa heavy flow at with wings pa!

Napangiti ako ng saglit at biglang naflatter sa kanyang nagawa.

"Akala ko puro ka lang kagaguhan, yun pala, malambot ka pala" bulong ko sa sarili ko habang palakad patungo sa girl's CR.

candy ass boi° haechanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon