8:52am
Yoomin: huang mia, bilib na bilib ako sa inyo no
Yoomin: siguro ang bobo talaga ng tingin niyo sa akin
Yoomin: fyi, simula palang alam ko na na hindi kayo
Yoomin: halatang halata kayo sa canteen kapag dadaan ako.
Yoomin: hindi kayo sweet.
Yoomin: kadiri kayo.
Mia: eh ano naman
Mia: ano, ikakalat mo sa buong campus na nagpapanggap-panggapan lang kami?
Mia: edi go
Yoomin: and waste my sweat and effort para lang masira kayo? No thanks. I'd rather save it for something else.
Yoomin: di kayo worth it
Yoomin: nagfofocus akosa studies ko ngayon at nadidistorbo niyo ako
Mia: what r u even trying to prove Kang Yoomin?
Mia: nanalo ka na so whaft else are you looking for?
Yoomin: wag mokong english2 englishin Huang Mia ha.
Yoomin: first of all, di ko talaga intensyon ang awayin ka
Yoomin: second, napansin ko na naging distracted ka na sa studies mo simula nang naging ala "girlfriend" ni dodong
Yoomin: and lastly sa ka tagal tagal niyong pagsasama ni donghyuk, sa iyo lang ako nakakita na ngumiti ng parang abot langit ang gagong iyon.
Yoomin: ngayon ko lang siya nakitang tumatawa ng parang walang bukas
Yoomin: at ngayon lang talaga ako nakakita ni donghyuk na makatitig nang wagas sa taong kaharap niya habang naguusap siya, ikaw.
Yoomin: ewan ko talaga kung ano ang nakita niya sa'yo pero bwesit na bwesit ako at the same time masaya para sa kanya
Yoomin: di ko alam kung bakit
Yoomin: alam ko magkaiba ang pagmamahal na ibinigay at ipinakita sa ating dalawa pero as far as I know, kung si dodong ma in love, delikado yan
Mia: at tapos?
Yoomin: wag ka ngang suplada patapusin mo ako
Yoomin: absent na siya lately at ayaw pa niyang mag reply sa mga text namin mia
Yoomin: idk if you know this but his mother was confined to the hospital. 3rd stage cancer ata.
Yoomin: gusto naming makiramay pero ayaw niya
Yoomin: tigas ng puso at ulo nun Mia at alam ko ikaw lang ang makakapalambot ng puso ni donghyuk
Yoomin: kaya bilang respect nalang, hanapin mo siya and comfort him.
Yoomin: he may push you awy but I tell you, that's how donghyuk says he needs you.
Yoomin: trust me
Yoomin: oh ayan ah
Yoomin: pwede sana tayong maging malapit na magkaibigan pero ang awkward kasi
Mia: thank you
Seen 9:16am