"Hoy mia andito na ako,"
I hurriedly unlocked my door and welcomed renjun with a bemused smile as he hugged his hot dog pillow tightly, entering with squinted eyes.
"Salamat kambal!" Sigaw ko. Yayakapin ko sana si Renjun pero muntik niya akong tinadyakan sa binti kaya napausog ako palayo sa kanya. "Ikaw naman oh-- hehe" dagdag ko.
"Ano ba kasi kailangan mo?" Sagot niya habang napakunot ang kanyang noo. "Si donghyuk kasi," sabi ko, napakagat sa aking labi.
"Bakit ba?" Mahimbing na Tanong ng kambal ko ngunit parang siya'y na dismaya. "May nangyari ba sa inyong dalawa?" Dagdag niya.
"Teka, di ka ba niya sinabihan na nag-away kami?"
Confused, renjun recklessly threw his pillow to the ground with furrowed brows and said, "Nag-away pala kayo? Anak ng-- sinaktan ka ba ng gagong iyon? Gusto mo sugurin natin siya ngayon tas katayin nating buhay?????"
"Kambal... Chill. Kasalanan ko naman lahat" i replied, patting renjun's shoulder to calm him down. "Gusto ko nga sanang itanong sa'yo kung okay na ba siya" i added.
"Since when ka ba naging concern sa gagong iyon? Ano mia? Nagkakagusto ka na sa kanya? Ayan kasi. Palagi ka kasing nagpapadala sa katarantaduhan ng ulol na 'yon. Kung nakikinig ka lang sa akin, di ka aabot sa punto na halos hindi ka nalang matutulog dahil sa kakaisip sa kanya." Barked renjun, shuffling in his bed room slippers from one corner of the room to the other. "Mia kasi eh. Bakit pa kasi pumayag ka sa deal niya? Ako ha, kaibigan ko si dodong for how many years na pero confident akong sabihin na tanga yun pag dating sa babae at ikaw, sa simula pa lang, pinagsabihan na kita na di siya pansinin. Pero anong ginawa mo? Nagpapakatigas ka pa kasi."
Napayango ako ng tahimik sa kinauupuan ko habang nakikinig sa mga sermon ni Renjun. I don't know why pero parang kumululo ang buong katawan ko sa takot at kaba. Ngayon lang ako nakaranas ng ganito sa buong buhay ko.
Renjun noticed my uneasiness which made him pause from yelling. "Ok ka lang kambal?" He said, halting from walking. I nodded at him in disbelief and he continued.
"Aminin mo nga sa akin mia. Gusto mo ba si donghyuk?"
Siyempre gulat na gulat ako sa tanong niya kaya ayun, naiwang nakabuka yung mga at ang bibig ko pagkatapos kong mapatanto ang kanyang sinabi.
I hesitantly shook my head habang napatingin sa sahig. "Uulitin ko Mia ha. Sagutin mo ako ng maayos,"
"Gusto mo ba siya?"
"Oo. Gusto ko si Lee Donghyuk"