Chapter 1

20K 225 8
                                    

Chapter 1: Back Home

Bella's POV

"Ladies and gentlemen, we just landed at the Ninoy Aquino International Airport. Welcome to Manila! Local time is 4:30 P.M. and the temperature is 32°C. We'd like to thank you for joining us on this trip and we hope to see you again soon on one of your future flights. Have a nice stay!"

Hindi ko malaman kung ano ba dapat ang nararamdaman ko sa oras na ito. Imbes na masaya ang magiging uwi ko dito sa Pilipinas ay kabaligtaran naman ang nangyari.

Nang makarating sa akin ang balita sa New York na kasalukuyang nalulugmok ang aming kompanya sa napakaraming utang ay medyo na-disappoint ako kay papa.

Hindi ko lubos maisip na magiging tambay sa casino ang aking ama.

I know it's partly my fault. Dapat ay kasama ako ni papa na nagpapatakbo ng kompanya pero mas pinili kong maging successful sa pinili kong larangan. Now I feel sorry for everything.

Wala na si mama bago pa ako mangibang bansa. I made a promise to my mom on her deathbed that I would continue my passion in modeling and designing clothes.

Kung sana'y mas inagahan ko ang uwi ko ay hindi sana ito mangyayari.

Kung sana lang nagkaroon ako ng lakas ng loob harapin siya. Pero wala. Hindi ko pa kaya. Hindi ko yata kakayanin.

Isa pang dahilan ang pag-aaral ko na nagpahirap para umuwi ako ng pilipinas.

Iniwan ko siyang mag-isa. Hindi na ako nagpaalam dahil alam kong labis ko siyang masasaktan at hinding hindi niya ako papayagan sa paglabas ko ng bansa.

Wala akong maipapakitang mukha kung sakali mang magkita ulit kami. Napakaraming nangyari sa loob ng dalawang taon.

Kumusta na kaya siya? Nakahanap na kaya siya ng iba?

Mabilis akong naglakad palabas ng terminal ng NAIA habang hila-hila ang maleta ko. Tumigil ako sandali at inilibot ko ang paningin sa paligid.

Huminga muna ako ng malalim bago nagpatuloy sa paglalakad.

A sad smile slowly appeared on my lips. After two years, I'm finally back.

Hindi na ako nag-abalang magtawag ng susundo sa akin at naghintay na lamang ako ng taxi.

I will stay on my condo dahil mas komportable dito kumpara sa mansyong napakalaki wala namang makausap.

I took a quick shower bago magbihis at pumunta sandali kay papa. Ipapaalam ko na narito na ako.

After that, I'll have a meeting with our accountant tungkol naman sa mga pinagkaka-utangan ni papa.

Pagkarating ko sa bahay ay napakatahimik ng mansyon. Tila walang tao ngunit nagulat ako ng may marinig akong nabasag na bote.

Hinanap ko agad kung saan nanggaling ang tunog na iyon. Then I found papa drunk in his room.

"Papa, please stop this. Take some rest. I heard lagi ka na lang umiinom. Wag niyo namang gawin to sa sarili niyo."

Sold to My ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon