Chapter 3: Dinner Date
We're currently in his condo which is only beside mine. Nang nalaman pala niyang nasa Pilipinas na ako ay hinanap niya kaagad kung saan ang location ko. Grabe!
Black and white ang theme ng condo niya. Nagsusumigaw ng kayamanan ang bawat sulok nito. Doble ang lawak nito kumpara sa akin.
"I'll give you two choices Bella. Work as my personal assistant or be a housewife."
"Ano ba namang pagpipilian yan! Can't I work with Kira? I want my job Jackson."
"Ano nanaman ba yan? Ayaw ko talaga yang modelling na yan. Maraming makakakita sa dapat ay akin lang. Kaya ko namang tustusan ang buong buhay mo at ng magiging anak natin kaya wag ka nang magmodel."
Uminit and aking pisngi nang marinig and tungkol sa anak. Ang bilis rin naman ng isang to.
"Jack I want to create my own name in the fashion and modelling industry kaya hayaan mo na ako. Tsaka gusto kong bayaran ang mga utang ni papa sa tamang paraan and not through you. Ayokong magmukhang gold digger. And please wag na tayong mag-away, kababati pa lang natin."
Bumuntong hininga siya at niyakap ako ng mahigpit.
"Stop being paranoid Jack. Hindi na ulit kita iiwan kaya wag kang mag-alala."
Humarap siya sa akin at tinignan ako sa mata.
"Bella di mo naman kailangang bayaran ang utang ng papa mo. Alam mo naman diba? It will merge once we get married. Don't bother because it'll only stress you out."
Sabay halik niya sa aking noo. I miss this feeling. Iyong may nag-aalala at nag-aalaga sa'yo. Buti nalang at nandito pa rin so Jack para sa 'kin despite what I've done to him.
"Let's go on a date then. Since tayo na ulit Bella."
Ngumiti siya ng matamis sa akin. Everything felt surreal. Parang di totoo na ang lalaking nasa harapan ko ay sa akin at mahal na mahal ako. His deep set of blue eyes na nakalulunod sa ganda. Ang perpekto niyang panga at lips. Ang matangos niyang ilong. At ang kanyang buong pagkatao. Parang sobra sobrang biyaya.
Nagulat ako sa bigla niyang paghalik sa bahagyang nakaawang na bibig ko. Malalim ang binigay niyang halik na sinuklian ko. Parang pagmamahal ko rin sa kanya, malalim.
After the kiss he winked at me. "You're spacing out right in my face babe. Sabi ko magbihis ka na baka naman gusto mong ako pa ang magbihis sa'yo. Sabihin mo lang Bella gagawin ko."
Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at tinitigan ako.
"That look Bella, sabihin mo lang." he smirked at me.
Tinampal ko ng pabiro ang kaniyang pisngi. "Eto na magbibihis na wag kang atat." inirapan ko siya. Humalakhak lang siya.
Pumunta kami sa isang mamahaling restaurant. I'm wearing a red dress and light make-up. Jack is still in his tux na suot niya galing sa trabaho.
We sat and set our orders. Nilibot ko ang paningin ko nang makita kong nakatingin sa akin si Marcus. My ex. Nang mahuli niya ang mata ko ngumiti siya sa akin. Ngumiti rin ako since we're friends. Tumayo siya at lumapit siya sa akin leaving her girlfriend or something in their table.
"Welcome back Bella! It's been years." Niyakap niya ako.
Nahagip naman ng paningin ko ang masamang paninitig ni Jack kay Marcus. Possessive, one of the things I liked about him. Inaangkin ako.
Pagkatapos ng konting kamustahan ay nagpaalam na din si Marcus.
At pagkatapos rin naming kumain ay pumunta na kami ng parking lot para umalis na sana ng biglang nag ring ang phone ni Jack.
Sumakay na kami sa sasakyan. Habang kausap pa rin niya yung nasa phone.
"Bella night out daw sabi nila Pia. Na-promote siya sa trabaho."

BINABASA MO ANG
Sold to My Ex
RomanceDue to their failing company and a not so greedy father Bella Saavedra was forced to go home and manage everything that went wrong in the Philippines. What will happen if his father made an impulsive decision in order to save their company? Hate. P...