Chapter 2-- Bakit mo ko pinapahirapan Kyle.

99 1 0
                                    

Kyle  Santos: Kamusta?

Pagtapos ng ginawa niya sakin..

may balak pa siyang 

kamustahin ako?

Di ko alam kung magrereply ako..

..

hmmmmmmm..

Honestly SIYA PA RIN.

at dahil.. hindi ko siya matiis..

Hyuna Jane Cariño: Okay lang naman ako.

Ugh. I hate myself

Di ko talaga matiis 'tong lalaking 'to.

Naglog-out nako.

and

Bakit di ako makatulog?

Dahil ba sakaniya?

-.-

Nagfaflashback lahat sa isipan ko yung mga memories.

Memories na hindi ko kayang itapon ng basta- basta

..

10 pm na at hindi pa rin ako makatulog.

Nagopen uli ako ng account ko sa Facebook.

and

Meron akong 1 message

Nung pindutin ko yun.

Kyle Santos: Pwede ba tayong magkita?

magkita?

para san pa?

Nababaliw na ba siya?

hindi ko na siya nireplyan.. dahil ayaw kong paasahin uli ang sarili ko sa wala.

Nadala nako.

----Morning

Pumunta nako sa school.

"Okay ka lang ba Hyuna? Bakit parang ang tamlay mo?'' Sabi sakin ni Steph

''Ah wala 'to. Medyo puyat lang ako'' Sagot ko.

May narinig akong kumatok sa pinto sa classroom namin.

Hindi ko na tinignan kung sino yun.

''Hyuna, tawag ka ni Ezekiel'' Sabi ng kaklase ko sakin.

Ano?

Tinignan ko yung pinto kung andunn si Ezekiel

and andun nga siya.

Biglang bumilis yung tibok ng puso ko.

Ewan ko kung bakit.

Nilapitan ko si Ezekiel.

''Hyuna right?'' Tanung niya.

''Oo.'' Sabi ko.

''May gagawin ka ba this Sunday?'' Tanung niya.

?

May isang malaking QUESTION MARK sa utak ko.

bakit niya tinanung sakin yun?

''Hmm. Wala naman. Bakit?'' Sabi ko kay Ezekiel.

"Ezekiel! Time na.'' Sabi ng kaklase niya sa likod niya.

'' Hmm.. Kakausapin nalang kita mamaya'' Sabi niya

at tumakbo na siya sa classroom niya.

Bumalik nako sa upuan ko.

'''Anung sabi ni Ezekiel sayo? :''''>'' Tanung ni Steph sakin.

'' Eh bakit ganyan yang ngiti mo? Hmm.. Wala nagtanung lang naman siya kung may gagawin ako this sunday'' Paliwanag ko sakanya.

''Eh anong sabi mo? :""""">'' Tanung uli niya sakin.

Mas lalong lumaki yung NGITI niya.

'' Sabi ko.. Wala akong gagawin this sunday'' Sagot ko sakanya.

''Tsk Tsk. May Nathan ka na.. May Ezekiel ka pa.'' Asar niya sakin.

''Anung sabi mo?. Nagtanung lang naman si Ezekiel kung may gagawin ako eh. Binibigyan mo  naman ng kahulugan eh at tsaka yung tungkol naman kay Nathan.. Magkaibigan lang naman kami eh''  Paliwanag ko.

''Magkaibigan lang ba?..'' Tanung na asar niya.

''Oo.'' Sagot ko.

---> Fast Forward

Recess na.

''Tara Hyuna.. baba na tayo'' Sabi sakin ni Steph

''Hmm. Hindi muna ako baba kasi masakit yung paa ko eh'' Sabi ko kay Steph.

Hindi naman talaga masakit yung paa ko...

Ang totoo .. tinataguan ko lang si Ezekiel..

Teka. bakit ko ba siya tinataguan?

''Sige Steph. Samahan ko nalang muna si Hyuna dito sa classroom'' Sabi ni Nathan kay Steph.

''Oh sige.. Sasabay muna ako sa iba pa nating kaklase.'' Sabi samin ni Steph.

Lumabas na yung mga kaklase namin at kami nalang dalawa ni Nathan yung natira.

''Dapat nagrecess ka nalang. Okay lang naman ako dito eh.'' Sabi ko kay Nathan.

''Hindi. Ok lang yun. at tsaka busog pa naman ako eh kaya di na muna ako nagrecess.'' Paliwanag sakin ni Nathan.

'' May sasabihin sana ako sayo Hyuna'' Sabi sakin ni Nathan.

''Anu yun?'' Tanung ko.

Fear of Falling in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon