-Key and Heart

72 1 0
                                    

Nakaupo lang ako habang hinihintay si Ezekiel.

 Ilang saglit lang ay nakikita ko na papalapit na samin si Ezekiel.

Pagkalapit niya sa amin ay may binulong siya sa kaklase ko na katabi ko din. Pagkatapos niya bulungan ay tumayo ang kaklase ko at umupo si Ezekiel sa tabi ko.

"Hyuna I just wanna give you something :)'' Sabi  niya sakin.

Ano naman kaya yun?

Nakakahiya naman kasi lahat ng mga kaklase namin ay nakatingin samin.. Di lang 'yon dahil ang lalaki ng mga ngiti nila -_____-

At alam ko kung anung ibig sabihin nun? -.-

Pero di ko rin naman sila mapipigilan eh.

''Anu yung ibibigay mo sakin?'' Tanung ko.

Binigay niya yung isang wrapped gift na galing sa bulsa niya.

''This.'' Sagot niya.

''Wooooooooooaaaaah! Engagement ring! HYUNA TANGGAPIN MO NA'' Sabi ng mga kaklase ko.

Natawa naman ako sa Engagement ring :D

Ang laki naman ng lalagyanan kung engagement ring 'to XD

at tsaka

Agad agad?

Tinanggap ko yung gift niya.

''Thank You. :)'' Sabi ko sakanya.

Nakangiti ako and ngumiti din siya.

''Hyuna buksan mo na para malaman namin. :))))))'' Sabi ng mga kaklase ko.

Mas excited pa sila sa akin.

Tumingin ako kay Ezekiel to ask kung pwede kung buksan na.

''It's now yours and It's up to you if you will open it now :)'' Sabi niya sakin

Tinignan ko yung mga kaklase ko and talaga namang gustong gusto nilang malaman kung ano yun kaya binuksan ko na.

Nung binuksan ko yun nakita ko ang isang kwintas na may pendant na  key tapos may HEART.

''Wooooow!'' Sabi ng mga kaklase ko.

''Ang ganda naman niyan :)'' sabi ni Cristine.

''Grabe ka pre! Mukhang tinamaan ka talaga kay Hyuna ah :) HAHA'' Sabi ng mga kaklase naming lalaki.

Nakangiti lang siya.

''Anu ibig sabihin nito? Bakit ito yung naisipan mong iregalo sa akin?'' Tanung ko sakanya.

''Yung heart diyan. Yan yung puso ko and yung susi, sayo na yan. Binigay ko sayo yung susi ng puso ko because it is you who can open my heart.'' Sabi niya.

Ano daw?

Honestly pag nakakabasa ako ng mga story na ganun.. Nacocorny-han ako pero this time

hindi lang siya sentence na sinabi niya sakin

mararamdaman mo na totoo talaga 'yun at may meaning.

Kinuha niya sakin yung necklace

at sinuot niya sakin.

''Teka teka lang pare! KAYO NA BA? :)))'' Tanung ni Mark, kaklase kong lalaki na close din ni Ezekiel.

 Lahat ng mga mata nakatingin lang sakanya.

''Not yet'' Sagot niya.

Not yet? So ang lakas talaga ng pakiramdam niya na sasagutin ko siya ah -____-

''Anung Not yet?'' Sabi ko kay Ezekiel.

''Haha. Joke lang.'' Sabi naman niya.

--Fast Forward.

Andito na ako sa bahay.

Nakauwi ako ng 8:30.

Buti naman at di masyadong nagalit si Mama.

Pumunta ako agad sa banyo at naligo.

Tinignan ko uli yung necklace at hinawakan.

Naisip ko si Ezekiel, Nathan

and even Kyle.

Pagkatapos ko maligo pumunta na ako sa kwarto and nagbukas ng Facebook.

Nakita ko kaagad sa Facebook yung mga pics ng birthday ni Ezekiel.

And Yung KAMING DALAWA

YUNG PICTURE NA Sinusuot niya sakin yung kwintas

TInignan ko kung sino yung nag upload

Si CRISTINE. -____-

Waaaaaaah! Nakakahiya ------------------------------~~~~~~

At i-tinag niya pa sakin.

-__-

Niremove tag ko kaagad

hindi dahil sa ayaw ko si Ezekiel.

hmm..

Nilog- out ko na yung Fb and twitter ko and

natulog na ako.

May Pasok pa kami bukas eh.

--

Sa simbahan.

Kyle: Hyuna ipinapangako ko sayo na ikaw lang ang mamahalin ko. At sa simbahang 'to tayo magpapakasal. Hindi man ngayon, pero sa future. Ikaw ang makakasama ko sa pagtanda natin :). Walang bitiwan ah? I love you Hyuna and I will always love you no matter what happens. :) 

---

''Hyuna.. GIsing na! Maligo ka na! Hyuna. Hyuna.'' Gising sakin ni mama.

Nagising ako pero di pa rin ako bumabangon.

Sa dami dami ng pwedeng mapanaginipan. Bakit siya pa? :3

At ano yung mga pinagsasabi niya?

Anung pangako?

Fear of Falling in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon