Chapter 4-- Happy Birthday Nathan! :)

85 1 0
                                    

Tinext ko na si Steph para sabihing andito nako sa loob ng bahay nila.

Hyuna: Steph! Andito nako sa bahay nila. Wag muna kayong babalik ah? aayusin lang muna namin yung mga kailangan.

Steph: Okay :) Text mo nalang ako kung pwede na kaming bumalik ah?

Hyuna: Sige. Ingat kayo :)

Nilabas ko na yung mga binili kong mga chips, cake at drinks at inilagay ko na ito sa isang table. magmomovie marathon na lang kami :)

Pinabalot na namin ni Steph yung regalo namin sa mall kaya hindi na kailangan balutan pa ng gift wrapper.

Nilabas ko na rin ito mula sa isang paper bag.

--

Tinignan ko uli yung naging itsura ng ginawa naming decoration..

at okay naman kaya tinext ko na si Steph para pabalikin na sila.

Hyuna: Steph. Bumalik na kayo. Ayos na. 

Steph: Ah ganun ba? Osige.

Di naman daw masyadong kalayuan yung pinuntahan nila kaya madali lang makarating sila dito.

''Meron po bang pwedeng pagtaguan dito?'' Sabi ko kay Ate Cora.

''Ah meron meron. Ayun'' Sabi ni Ate Cora habang nakaturo dun sa pwede kong pagtaguan which is sa gild ng sala nila.

KInuha ko yung regalo naming dalawa ni Steph at sinabi kina Ate Marlene at Ate Cora na patayin yung ilaw sa living room then pag andito na sila at binuksan yung ilaw..

Itwist na nila yung Party Poppper.

Pumunta na ako sa aking pagtataguan..

Medjo masikip pero okay lang kasi malapit lang naman sila eh..

Nakapwesto na din sina Ate Marlene at Ate Cora..

Ang cute lang kasi pati sila nag-eefort na magtago :D

Ilang saglit lang ay..

Narinig ko na may bumukas na nung gate at nagkekwentuhan sina Nathan at Steph.

Sana magustuhan ni Nathan yung ginawa namin.

Medjo tumayo na ako ng kaunti  at pa unti unting lumabas dun sa pwesto ko.

Binuksan na ni nathan yung screen..

''Bakit ang dilim?'' Tanung ni Nathan.

Binuksan na ni Nathan yung ilaw.

Pumutok na yung Party Popper

teka ano bang pwedeng isound effects para sa Party Popper?

BTW.

Tumakbo ako sa lamesa para kunin yung Cake.

''Happy Birthday to You. Happy birthday to you.. Happy Birthday .. Happy Birthday.. happy Birthday to You!'' Kanta naming lahat habang papalapit ako sakniya.

Napakanta ka din ba? :)

''Happy Birthday Nathan!'' Bungad ko sakniya. 

''Thank You :) Akala ko di mo naalala yung birthday ko eh.'' Sabi niya sakin.

''Pwede ba naman yun?'' :) Sabi ko.

Tinignan niya yung paligid nung bahay and..

''Ikaw ba ang nag-effort na gumawa nito?'' Sabi niya habang nakatingin sakin.

''Hindi lang ako yung nag effort. katulong ko din sina Ate Cora, Ate marlene (habang tinuturo ko sila) at si Steph :) nagustuhan mo ba?'' Sabi ko sakniya.

Fear of Falling in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon