Chapter 2

53 2 1
                                    

Disclaimer: BIC does not own Bleach!

(MOMO's POV)

HAPPY MONDAY!! (any violent reactions?) yeah I know medyo weird na naeexcite ako kasi sino nga ba namang student ang maeexcite pag Monday.. pero ewan ko basta ang alam ko excited talaga ako and a bit nervous... Hayyy ano kayang mangyayari. Wag ko na ngang isipin, papasok na lang ako ng mas maaga. Bago ako lumabas ng room I always make sure na suot ko yung salamin ko. Walang pwedeng makaalam ng secret identity ko.

"Ma alis na po ako"

"teka, di ka man lang ba magbebreakfast?" sigaw ni mama...

"Sa school na lang po Ma" nagmadali ako sa paglabas kasi nga excited ako. parang ewan lang eh no?  Malapit lang kami sa school kaya pwedeng lakarin. 

-At School-

Nandito na ako sa hall ng mga fourth year, alam kong malapit na ako sa room namin kasi dinig ko na yung boses ng mga classmates ko lalo na yung boses ng friends ko. Hay grabe lang, kailangan talaga abot hanggang dulo ng hallway ang boses? Ewan ba sa mga taong to parang di nauubusan ng energy.

Kabubukas ko pa lang ng pinto may yumakap na kaagad sa akin, grabe ang bigat nilang tatlo ganito kami every morning parang isang taon ng di nagkikita. "Girls? wait lang...."

"Ran, baka mapatay nyo yan, namumula na oh" sabi ni Toshiro na bigla na lang sumulpot sa likod ko. 

"AH! sorry Momo" sabi ni Ran. bumitaw din sa wakas. Medyo nawalan ako ng balanse sa pag bitaw nila buti na lang may nakasalo sa akin. Hay savior ko talaga to, heheh.

-whisper, whisper- tumayo na ako't nginitian sya. "sorry" aasarin ko pa sana kaya lang baka makahalata siya. Geek nga eh tapos nakikipag-asaran sa isa sa mga Campus Crush? ano kaya yun. Better be safe than sorry

"Okay ka lang?" i just nodded then pinauna na niya ko sa pagpasok sa room. buti na lang dalawa yung pinto ng room kundi ang daming nastranded sa ginawa ng bffs ko.

"kung makayakap naman tong mga to parang ilang taong di nagkita" sabi ni Ichigo kay Renji na nagkibit balikat na lang..

 Let me introduce them to you

Name: Rangiku Matsumoto

17 years old

long, wavy orange hair  and bluish gray eyes

Name: Orihime Inoue

17 years old

long, burnt orange hair and gray eyes

Name: Rukia Kuchiki

17 1/2 years

short black hair and purple eyes

Name: Ichigo Kurosaki

17 years old

spiky orange hair and  brown eyes

Name: Renji Abarai

18 years old

crimson red hair and brown eyes

 Siguro naman hindi na kailangan ipakilala si "Prince Hitsugaya" sa inyo. 

(TOSHIRO's POV)

Grabe talaga tong mga kasama na Momo yakapin daw ba ng pagkahigpit-higpit, natural di na makakahinga yung tao. hay ewan. Pero ang ganda nya kanina nung nagblush siya, medyo nakakaawa lang talaga yung lagay niya kanina, tapos bigla na lang binitawan buti nahawakan ko kundi. Napansin ko lang kanina na nung nasalo ko siya medyo magkahawig sila ni Miyuki, kaya lang parang napakaimposible naman. Model si Miyuki habang known as school geek naman si Momo, pero kahit ganon maganda pa rin siya yun nga lang natatakpan ng salamin niya yung ganda niya.

-Breaktime- 

"Rangiku, pwede ka bang makausap sandali?" sabi ko nung nakita ko silang palabas na ng room

"Una na kayo, sunod na lang kami sa canteen" - Rangiku

"So, ano naman kaya ang kailangan ng Prince sa akin?" 

"Ran, I need your help" pagkasabi ko no'n tinitigan niya lang ako, maya-maya, "ha? pardon"

"I said I need your help"  unlimited? 

"woah! wait, let me get this straight. You.Need.My.Help?" grabe kung makareact parang napakaimposible ng sinabi ko. 

 "Ran, hindi ako nakikipaglokohan sa'yo." Medyo nakaka irritate na ha.

"okay, okay, relax ka lang. ano ba'ng maitutulong ko?" Hay salamat sumagot din ng maayos.

"About Momo, alam mo naman di ba? this time sigurado na ko" medyo nakakahiya to pero kailangan. Di ko magagawa yung plano ko kung wala si Rangiku.

"Sus, yun lang pala eh. don't worry I'll make sure no one gets in the way"

to be continued......

You're Inlove With the Wrong Me (DISCONTINUED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon