Chapter 5: Games and Lies

46 0 1
                                    

DISCLAIMER: BIC does NOT own BLEACH

(TOSHIRO's POV)

"What a day!"*yawns* Nakauwi din. Umupo ako sa sofa at nag-isip. Maayos ang lahat ngayon. Ok na, friends na kami ni Momo. Akala ko nung una mahihirapan akong kaibiganin sya kasi nga she's known as the "School geek". Halos kasi ng geeks na nakikita ko walang kasama or di nakikisama sa iba. May mga nagsasabi na di sya maganda pero di totoo yon. Para sa akin kasi maganda sya pero tinatago niya lang."Arrgghh! ano ba tong iniisip ko?" Di pwede to, di ako pwedeng magkagusto sa kanya, masisira lahat ng plano ko.

*Objectives of this game*

·         Befriend Momo

·         Be as close to her as possible

·         Spend time or have fun together

·         Make sure she trusts you.

·         Make her fall in love

*note to self: DON’T FALL FOR HER, IT WILL RUIN EVERYTHING.

Yun pa lang yung plano, pwede pang madagdagan. Tapos na ko sa una. Kailangan kong gumawa ng paraan para mapalapit sa kanya. Malaking tulong yung musical, mahilig kasi siya sa anime, musical at play. Bukas na ulit ako mag-iisip kung anong dapat gawin, kailangan ko ng magpahinga may pasok pa bukas tapos diretso trabaho na.

-MORNING-

Maaga akong lumabas ng bahay at hinintay si Rangiku sa tapat ng bahay nila. Sabay kaming naglakad papunta sa school. Nakita namin si Momo kaya yun sinabay na namin. Kailangan may gawin ako ngayong umaga dahil di ako makakasama sa kanila mamayang hapon.

(Phone rings)

“Hello?”

“Good Morning Babe!”

"Good Morning. may kailangan ka?" 

"Wala naman, sasabihin ko lang na di ako makakapasok ngayon"

"Bakit? May nangyari ba?"

"Masama pakiramdam ko eh. So, pwede ka ba pumunta dito mamaya?"

"sure, After work."

"Ok. bye."

"Bye."

"May problema ba?" tanong ni Momo.

"Wala naman. Di lang daw siya makakapasok ngayon."

"Ah ok. Una ka na? may kukunin pa kami eh" - Momo

"Sige."

Nauna na ako sa room. Pagpasok ko...

"GOOD MORNING TOSHIRO" - Ichigo & Renji. Grabe sabay na sabay talaga, parang sira ulo lang.

“Morning Idiots.  It’s Hitsugaya to you guys. And. What’s good in the morning?”

"Grabe ang sungit mo naman? dahil ba wala si Momo?" tanong ni Renji.

"Di ah!"

“Good morning MASTER Hitsugaya.”  sabi ni Ichigo, tapos sabay silang yumuko ni Renji. Wala na talaga sa katinuan.

"Ano bang maganda sa umaga?" tanong ko kay Ichigo.

"Talikod ka?" pagtalikod ko nakita kong papasok sina MOMO, Rangiku, Rukia at Orhime. *Sigh* tinignan ko ng masama si Ichigo, nagtinginan sila ni Renji at tumawa ulit na parang tanga. Iniwan ko na sila't umupo na lang ako. 

You're Inlove With the Wrong Me (DISCONTINUED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon