Chapter Five

29 12 2
                                    


Axel's POV


....


....

....


         Nagising ako sa isang mundong kawalan. Hindi malaman ang nakaraan. Kitang-kita ko ang aking sariling namumutla. Ako ay gising at walang gana. 


           Kakagising ko lang nakita ko na tama lang ang aking gising dahil may kokonting oras pa upang makapag-ayos at maghanda para sa isang bagong araw sa eskwelahan. Ginawa ko ang mga paghahandang ginawa ko sa kakalipas pa lamang na kahapon. Isang bagay ang hindi katiyakan sa aking mga isp, at iyon ay ang mga mangyayari sa aking buhay na pwedeng magbago sa takbo ng kuwenot ng aking buhay. Pwede ito maging masama o mabuti para sa akin, makakaapekto ito sa lahat o hindi at ito ay pwede maging balikid o tulong. Kung anuman ang mangyari sa akin ngayon, iyon ay isang ganti o gantimpala na dapat ko lubusan at pahalagahan o hindi naman ay gawing mas mabuti at gawan ng solusyon.


~~


           Ikalawang araw ng ikalawang taon ko ngayon dito sa SMA. Nagkatkbuhan ang mga tao sa hindi malamang rasyon na rin. Naging paisipan sa akin ang nangyayari dito sa eskwelahan at aking inusisa. Nalaman ko nalang na ang isang 'announcement' galing sa pamunuan ang dumating. Nagsasaad dito na ang mga banda na gustong makasama sa susunod na contest ay may iisang pagdadaanan na proseso, ang 'Elimination'. Gaya ng nasabi ko, iisa lang sa mga bandang lalaki at babae ang pipili kung baga, isang Girl Group at Boy Group. Nakasaad din doon na tatlo ang mapipiling solo artist. Sa aking kaaaman, wala akong kilala na solo artist na kaibigan ko. Tss. Ikalawang taon ko na dito pero limitado pa rin ang mga kaibigan ko.


           Naalala ko naman yung kaibigan ko na isang solo artist na nag-aaral doon sa SNU, si Froi. Hmm. Nang biglang nagulat ako sa kanyang pag-akbay sa akin. Nagulat ako ng lubos dahil sa aking kaalaman na mga estudyante lamang ng paaralan ang makakapasok at bakit siya naririto sa Seoul Music Academy at sa mga oras pang ito. Agad ko siyang tinanong at sumagot ng bitib.


Froi: "Basta.."


          Nakabukas ang kanyang mga malalaking ngiti sabay na rin ang pagkindat ng kanyang mga maliliit at singkit na mga mata. Sabay suntok sa braso. Tinanong ko ng pasigaw at wala namang magagawa. Sinabi niya sa akin na siya ay lilipat na sa eskwelahan at ito ay may dahilan. Hindi ko daw usisain at ito ay wala namang pakialam sa aking buhay. Napahimik nalang ako at tinatong kung saan klase siya napapabilang, nakakalungkot na nga lang na hindi kami magkaklase at siya ay nasa kabilang classroom na lamang. Parehong taon kami ipinanganak kaya parehong ikalawang taon na namin sa aming pag-aaral pagkatapos ng highschool. Sinabi ko ang mga patakaran ng Seoul Musc Academy at ang nagsisiganapan sa bawat taon. Ganoon na din ang mga kilalang mga banda na namamayagpang sa aming mga patimpalak na sasalihan at sinasalihan. Hindi ko gaanong makompleto ang mga impormasyon dahil limitad na lamang ang aking mga nalalaman tungkol sa mga tao, estudyante dito sa school. Kami ay ngayon naglibot-libot sa buong eskwelahan at hindi ko na inisip ang aking kapatid dahil siya ay may kaalaman na kung ano ang gagawin niya. Naglilibot lang kami noon at hindi na gaanong iniisip ang aming nakita, ang aming pangunahing iniisip ay ang mga impormasyon na aming binibigay sa isa't isa at ito ay purong biro, minsan lang kami nagseryoso dahil sa matagal na panahon, hindi kami nagkausap sa personal. Siya ay ngayon may kaunting kaalaman na tungkol sa eskwelahan kaya hinatid ko na siya sa kanyang magiging bagong classroom bilang isang bagong estudyante na rin ng SMA.

Heiress: Courting HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon