Chapter Nine

27 4 0
                                    

New Cast:


Lee Ye Jin [Ailee, Solo Artist ] as Ailee Wen-Froi's Sister-Face of the Group, I and U-Campus Lightning


Zaine's POV




           Isang araw na naman ng pagiging BITTER ko sa buhay. Hindi lang nang dahil na NO GIRLFRIEND SINCE BIRTH eh, never na rin ako na INLOVE sa isang tao.

           Ito ako ngayon kasama ang aking kapatid na si Axel papunta sa Bus at pasakay na kami nang nalimutan ko ang aking cellphone sa aking kwarto at sinabihan ang aking na hahabol na lamang at ako ay may kukunin sa Dorm. Tinakbo ko, ginawa ang lahat ng aking makakaya upang makuha ang aking cellphone sa pinakamabilis na oras at ako ay ngayon nakaabot na sa aking kwarto at hingal na hingal habang hawak ang aking dibdib na di matigil sa pagtibok.


"YUUNNNNN!!!!!!!!"


           Hinihingal kong sinabi ang katagang iyon at ang aking paghihirap ay napawi nang aking nakuha ang aking cellphone. Sa aking pagbabalik sa Bus ay aking nakita ang mga mabagal na kumilos na mga tao; ang mga kababago lang nagising habang ang iba ay ang mga walang ganang kumilos. Madami pa pala ang kumakain sa First Floor sa ngayon at halatang bagong gising ang lahat. Yung mga nakagising na kanina ay nakaalis na yata. Pumunta na ako sa napag-iwanang kapatid sa Bus. Sa aking bawat dinaanan ay walang bakas na ng nangyari nung kahapon na iyon at talagang nilinis ng pamunuan ng maaga at ng kayganda ng kanilang makakaya.


           Sa aking paglalakad nang may kabilisan ay aking nakita na rin ang Bus at ang aking kapatid na naghihintay sa aking pagbabalik. Aking pinuntahan ang nag- aalalang kapatid at sumakay na rin sa Bus nang walang inaalala sa aking tatahakin sa susunod na mangyayari. Sa aming pagpasok ay nakita namin ang dagsa ng madaming tao sa Bus at kinuha na namin ang upuan sa pinakalikod at kinarga na rin ang aking bagahe sa taas ng aking pag-uupuan. Hindi naman puno ang sasakyan nang kami ay umabot at mga iilang oras nalang ay makakaumpisa na ang pagtakbo ng Bus at makakauwi na rin sa wakas matapos ang isang mahabang gabi ng sakuna. Hinintay ko ang pagkapuno ng Bus at naglibang muna ng aking sarili sa pamamagitan ng aking bisyo na paghawak sa aking cellphone at pagkikipagtrabaho sa aking kamay na hindi nangsasawa sa pagpindot at paghawak ng cellphone.


[robot]

"Bus Line #1376 .. tuuuuttt.. tutt.. Ang bawat upuan ay aming hihintaying mapuno. Anim na upuan na lamang ang bakante at ang ating pag-alis ay magaganap na lamang kung ang lahat ng upuan ay mapuno ng mga estudyante. Sa mga estudyante, ugaliin na hindi na umalis sa mga oras na ito kung hindi niyo gusto maiwanan ng Bus. Ang estudyante na nakasakay ay pinagsasabihan na isuot na sa katawan ang seat belt na nakadistino sa bawat upuan upang ma-proteksyonan ang ating sarili sa maaring disgrasya sa ating paglalakbay. Ang mga bagahe ay ugaliin na ilagay sa itaas ng inyong upuan o sa labas ng Bus kung saan ay may taong maglalagay sa likod ng Bus. Ang inyong kaligtasan ay nasa inyong mga kamay. Ito ang inyong pamunuan na nagpapaalala na sana magkaroon ng ligtas na paglalakbay sa araw na ito para sa lahat."


           Ako ay hingal ng medyo dahil sa aking pagtakbo at nakakabahala ang sinabi ng pamunuan. Sandali na lamang,..... Ang aking kapatid na hawak ang kanyang cellphone ay parang ninalalanggaman na ata. Isang malaking at biglang kilabot nga ibigay natin sa isang ito!

Heiress: Courting HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon