Chapter Thirteen

201 0 0
                                    

Kinabukasan,

Habang free time, Nakita namin si Alianna, yung isa pa naming friend. Umiiyak. Tinanong namin kung bakit. Sagot nya , "Nakakaasar! Ang Bobo ko! Pinaasa lang ako ng lalaking yun." Sabi nya samin habang umiiyak. Pinaasa lang daw sya ng naging Boyfriend nyang si Francis ng Section 4. So kinomfort muna namin sya hanggang sa kumalma na sya. Maya maya, mga Recess. Kinausap namin si Francis. Tinanong ko kung bakit nya ginawa yun kay Alianna. Hindi sya makasagot. Kasama namin si Georgina, Dorothy,James, Patrick, Shaun, Antoniette. Kinausap ni Shaun si Francis. Buti na lang napilit ni Shaun na mag sorry si Francis kay Alianna. Galing talaga ng Babes ko! Choss! :">

Lunch.

Kasabay namin nila Georgina, Antoniette, James, at Shaun si Ate Cassie. "Hi. Ate Cass. Musta na? Teka, Meet my classmates" Sabi ko. "Okay naman. Hello." Sagot nya. Kumain na kami. Ang dami naming pinag usapan. Kumakain kami nung lumapit si Kevin, yung crush namin ni Tonette sa third year. "Hi Cassie!" sabi nya na nakangiti. Nagblush ako. "Kuya Kevin! Meet your fans! Antoniette and Erica." Sabi ni Shaun. "Hello." Sabi nya. Makikipag handshake sana sya pero tumanggi na lang kami. Nakakahiya eh. "Hi." Sabi ko. Si Antoniette, kinikilig. Halos di makapagsalita.

Saturday..

Kami lang ni Ate Ella ang nasa bahay kasi si Mommy at Daddy umuwi muna sa probinsya para asikasuhin yung farm namin dun. :D ang saya. Magagawa ko gusto ko! Hehehe. Pinapunta ko sila Tonette and Georgina. Maglalaro kami ng Tea Party. Joke! Hehehe. Wala lang. Bored ako eh. Si ate Ella naman, pumunta kila ate Cass para makipagtsismisan. Hehehe. Hay! Dumating na sila. For 3 hours nasa loob lang kami. "Pwede ba tayong lumabas? Labas naman tayo. Kahit dun lang sa may terrace nyo." Sabi ni Georgie. Lumabas kami. Dumungaw ako sa may baba. Nakita ko si James at shaun nag ba bike. "Bike din tayo! Ikutin natin tong buong lugar nato!" Sabi ni Antoniette. "Wala akong bike! Labas na lang kaya tayo. Panoorin natin sila." Sabi ko. Pinanood na lang namin sila. Tatawid sana ako kasi bibili ako sa tindahan, hindi ko alam na paparating si Shaun. Yun tuloy nabangga ako. Nakakaasar! "Okay ka lang ba Erica?? Sorry ah. Di kasi kita nakita eh. Ano? May sugat? Hindi ko naman sinasadya." Nag aalalang sabi nya. Eh ako, natapilok, hindi tuloy ako makatayo. " Oo. Okay lang ako." Sabi ko pero sa totoo lang, kumikirot. Hindi ko inaasahang bubuhatin nya ako at dinala sa loob ng bahay namin. As in! Binuhat nya ako bigla tapos dinala nya ako sa bahay namin. Nafefeel ko yung katawan nya.. Awww! :""""> Pinaupo nya ako sa sofa tapos nilagyan nya ng betadine ung tuhod ko.Hay! Nakakakilig! Tapos nilagyan nya ng bondage yung paa ko.

"Umupo ka na muna dito ah. Sorry ulit. Hindi na ako mag-ba bike. Promise." Sabi nya. Totoo nga yung sabi nya. Nandun lang sya sa tabi ko. Naalala ko tuloy nung PE namin dati. Ganito rin ang nangyari. Hay!. EH si ate Ella naan, nandun parin kila ate cass, nakikipagtsismisan. Wla talagang pakialam yun tuwing may katsismisan eh. Sila Georgie, Umuwi na. Kami nalang ni Shaun. Siya talaga nag asikaso sa akin. Wala kasi si Mommy at Daddy. Dumating na si Ate Ella. "Sorry Ate Ella, Nabangga ko po kasi si Erica ng bike. Hindi ko naman po sinasadya." Sabi nya. "Okay lang yun. Salamat ah. Kasi Tinulungan mo siya." Sabi ni Ate Ella. Nginitian lang ni Shaun si Ate. Maya maya, Umuwi na si Shaun, gabi na kasi. Bukas na lang daw sya ulit babalik. Pagka alis nya. Kinilig si Ate Ella. "Kinilig ako kanina nung nginitian nya ako! Oh my gosh!" Sabi nya. "Tumigil ka nga. Ang dami mo nang naging boyfriend eh, aagawin mo pa sakin. Hay nako! Saka di sya papatol sayo no! ang Tanda mo na eh. Hahah!" Sabi ko ng pabiro. Nagkulitan na naman kami ni ate, Hindi nya tuloy namalayan yung sinasaing nyang kanin, yun tuloy, Sunog! Tawa lang ako ng tawa.

Kinabukasan, medyo okay na ung paa ko. Magaling na. Nakakapaglakad na ako ng maayos. Okay pala yung panggagamot ni Shaun eh. Maya maya dumating sya. Eh ako nakahiga tapos kumakain ng Tinapay. "Good Morning Erica! Okay ka na ba? Magaling na ba paa mo?" Tanong nya. Sumagot naman ako "Magaling na ako! Ang galing mo naman. Saan mo natutunan yun?" "Ah.. sa Boy Scout. Nung bata pa ako. Natutunan ko yun nung nagcamping kami." Sagot nya. Ang galing naman niya. Superhero ko sya for sure. :) Wala na naman ako magawa kaya nagsound trip na lang ako. Pumunta si Ate Cassie sa bahay namin. Dun daw muna sya kasi mag isa lang sya sa bahay nila. Kasama nya yung kaklase nya. A.A. ang pangalan. Ewan ko ba dun. Baka initials nya lang yun. Nickname nya.

Maya maya umuwi na rin sila. Ang dami naming napag usapan katulad ng Prom. Masaya daw yun. Hindi ko pa na eexperience na sumayaw ng ganun. At saka hindi naman ako marunong sumayaw eh.

Erica's High School DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon