Ry's POV
Eto na naman itong larong ito. Nababanas ako konti dahil may naaalala ako tuwing naglalaro kami neto. Madalas naming tong ginagawa pampalipas oras ngunit ito din ang dahilan kung bakit nasaktan noon ang bestfriend ko. Mabuti na lang at masaya na siya ngayon.
Pumwesto na si Yaxz. Malas naman bakit lalaki pa ang pang #8, nakakaselos. Sumenyas na si Max sa kanya, kaya di na lumingon si Yaxz, dahan-dahan siyang naglakad at nagkunwaring nabangga tapos napaupo. Best actress talaga nitong best friend ko.
"Aray!"
"Miss, are you alright?"
Lumapit naman yung lalaki at tinulungan siya. Di ko maaninag ang mukha ng lalaki, naka sunglasses siya pero pamilyar ang built ng katawan.
"Ah- eh okay lang okay."
Lumingon naman si Yaxz sa tumulong sa kanya.
"I-ikaw?" gulat na sambit ng lalaki. Dun na ako naghinala. Sumenyas ako kay Max at sabay kaming lumapit sa direksyon ni Yaxz.
"H-huh?" takang tanong ni Yaxz.
Tinanggal ng lalaki yung sunglasses niya saka matamang tinigan si Yaxz. Tsk yabang parang artista lang ang dating. Nang matatanggal na ito, ay parang gusto kong burahin ang ngiti sa labi ng aroganteng lalaking ito. Tsk!
Halatang nagulat si Yaxz, para bang naalala na niya ang lalaki tapos sabay nag-iwas tingin.
"So we meet again, Ms. Rebel." Nakangising saad nito.
"Excuse me? Hindi po kita kilala, salamat pala sa pagtulong. I've gotta go."
Akmang lalakad si Yaxz papunta sa direksyon naming ng hawakan ng lalaki ang braso niya.
"Oh, really? Wag ka ngang magmaangan. Alam kong alam mo kung sino ako, we even ki---."
Tinakpan ni Yaxz ang bibig ng lalaki. Hindi ako tanga alam ko kung ano ang sasabihin niya.
"Shut up! I don't even know you Mr. Stranger."
Bulong ni Yaxz sa lalaki pero narinig ko pa rin. Ngumisi lang ang lalaki.
"Oh, sorry I totally forgot that your boyfriend is right over there. By the way Ms. Rebel, Im Kent Dwight Villaroso." Sabi nito sabay halik sa kamay ni Yaxz.
Hindi nagsalita si Yaxz, ngunit halata na nagblush siya. Tsk! Playboy. Pumasok na ko sa eksena. Hindi pwedeng magmasid lang ako dito.
"Babe may problema ba?" tanong ko sa kanya at agad siyang inakbayan sabay higit ng kamay niya na hanggang ngayon ay hawak parin ng gagong yun. Nakakabwisit bakit ba ang daming gustong humawak sa kamay ng Babe ko. Tsk! kahit alam kong hindi seryoso si Yaxz sa sinabi niya kanina umaasa parin akong dadating ang araw na seseryosohin niya ako.
"A-Ano, Babe wala naman. Tara na balik na tayo dun?" natatarantang sabi ni Yaxz, ngunit halatang natigilan dahil sa tawag ko sa kanya.
"Oh I see, you haven't told him. Till we meet again Yaxz."
Kumindat pa ito. Tapos naglakad paalis. Nakakabanas talaga ang lalaking yun, Kent pala ah? May araw din sa akin yun. Hindi ko pinahalata na namumukhaan ko iyong lalaki. Pero ano ng aba ang hindi sinasabi ni Yaxz sa akin.
"Kilala mo ba yun?" tanong ko sa kanya, halatang kinakabahan pa rin siya dahil ang lamig ng kamay niya , sigurado akong may tinatago siya sa akin.
BINABASA MO ANG
♥♥The Number Game♥♥
RomanceNumbers symbolizes something. A special date, secret code, or simply something that can remind us about our past memories. Will these numbers help her solve the mysteries in her life or will it be the reason to turn her world upside down.