Chapter 5 The Change

15 1 0
                                    

  Isang panaginip ang pinakaba ako. Hindi ko alam kung bakit ko napanaginipan iyon. Hindi nako nag abalang isipin pa iyon dali dali akong nag hilamos at kumain ng almusal. Buti na nga lang at naabutan ko pa ang Kdrama na kina aadikan ko. Iyon ang dahilan kung bakit ako nagkukumahog. Wala pa si Mama sa bahay may pinuntahan siyang meeting sa Tagayta kasama ang parents ni Liz at Rin pareparehas kasi sila ng trabaho, so ako lang talaga mag isa. Ngunit nabigla ako nang may narinig akong yabag ng mga paa sa hagdan. Dahan-dahan akong pumunta sa hagdan at tinignan ko kung sino iyon. Nagulat ako nang makita ko si Liz. "Anong ginagawa mo dito!" ang gulat kong tanong. Oo nga pala pinatira muna namin sila dito.  "Diba pina tira niyo kami dito." ang sagot niya. "Kaya nga di ba pwedeng nagjojoke lang?" ang sabi ko. "Ikaw talaga kung hindi lang kita bestfriend ehh." ang natatawa niyang sabi. "Kain ka na Liz." ang anyaya ko sa kanya. Nagpunta siya sa dining area at ako naman ay nagpunta sa sala para ituloy ang Kdrama.

  Natapos na ang pinapanood ko. It is exactly 11:30 nang magsaing ako. Bumili na man na kasi ng maiuulam si Liz ehh. "Luto na yung kanin kakain kana ba Liz?" ang tanong ko. "Pwede rin oras na rin kasi ehhh." ang sabi niya. Tumulong si Liz sa pag prepare ng pagkain. Inilagay ko na ang ulam namin na bagong luto lang.

Ding-Dong Ding-Dong

Binuksan ko ang pinto at tumambad saakin si Rin at ang kapatid niyang si Kuya Reese. "Sorry talaga sa istorbo Gale ito kasing si Rin ehh nagpupumilit na pumunta dito." ang nahihiyang sabi ni Kuya Reese. "Kuya naman ehh pinapahiya mo ko kay Gale makikikain lang naman tayo parang bonding." ang pasigaw na sabi ni Rin. "Okay lang naman makikain kayo dito Kuya. Di naman kayo iba, parang magkakapatid na tayo." ang sabi ko sa kanilang dalawa.

Rin's P.O.V

Ano sabi niya kapatid kapatid kapatid kapatid kapatid kapatid lang ang turing niya saakin? Akala ko pa naman may gusto rin siya saakin ang assuming ko. "Syempre excluded dun si Rin." ang sabi ni Gale. Yes sabi ko na nga ba may gusto rin siya saakin. "Kasi para ko na siyang kakambal hindi naman sa nilalamangan kita Kuya pero para na kaming kambal ni Rin." ang sabi ni Gale. Kainis mas lumala pa ipagtapat ko kaya sakanya na may gusto ako sa kanya. Paano ba to.

BACK TO GALE

  Diko lang masabi sabi na crush ko lang talaga si Rin kaya ko siya inexclude. "Kain na muna kayo. Malamig na yung kanin." ang anyaya ni Liz. "Ang sarap naman ng adobong to." ang sabi ni Rin. "Oo nga ang galing mo talagang magluto Liz." ang sabi ni Kuya Reese. "Ehh hindi naman ako yung nagluto si Galee." ang sabi niya. "Ang sarap talagang magluto ni Bes." ang papuri ni Rin. Kailan niya pa ko tinawag na Bes? Kung ano ano talagang pumapasok dito sa utak ng matakaw na babaeng to.

   Medyo malamig na rin ang araw nagpasya kami na pumunta sa mall para bumili ng kung ano ano. Nag paalam ako na nagpunta sa appliance store at bumili ng bagong cellphone dahil nasira nga yung luma kong phone. Dumeretso ako sa isang fastfood at umorder ng burger. Nagkita kami sa pinaka gitna ng mall at sabay sabay na umuwi.

   Kadadating lang ng mga parents namin at sinabi saakin ni mama na kailangan naming lumipat ng bahay para mas malapit sa trabaho niya wala na akong magagawa dahil naka-reserve na ang bahay na iyon. Doon nalang namin pinatira sila Liz para mabantayan din ang bahay namin. Nakakalungkot lang dahil patatapusin ko lang ang school year na ito at lilipat na kami. Weeks nalang din naman at matatapos na ang school year. Nakapag paalam narin naman ako sa mga kaibigan ko, sa mga classmates ko at sa mga teachers ko.

  Weeks passed at ito na ang araw na lilipat kami. Hindi ko alam kung kailan kami babalik. Malungkot na nagpaalam si Rin Kuya Reese at Liz saakin. "Para namang mamamatay na ako mamaya sa iyak niyo. Babalik naman kami." ang sabi ko. "Pano na niyan wala nang masarap magluto." ang malungkot na sabi ni Rin. "Basta balik ka ha." ang sabi ni Kuya Reese na halos matawa na dahil sa ka OAyan ng kapatid niya. Dumating na ang sasakyan na kumuha ng gamit namin last batch na yung mga gamit na kukunin nito kaya sumabay na kami. At sa huling pag kakataon ay nag sabi ako ng Bye sa kanila.

-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-
A/N: Ang lungkot naman di na magkikita
         sila Gale at mga kaibigan niya. Pero
         sorry lang kwenta chappy nato basta
         abang abang sa next chappy bye
         tatahimik na po. Nga pala special
         mention si crazykitten_freaks11
         thank you sa tip. Ok totoo na to shut
         up nako.
    
 

The Dire One(On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon