Preparing for the mission

54 7 3
                                    

Zara'sPOV

Nakakainis naman umalis nanaman si Miggy dahil nanaman Kay Yana. Kailan kaya dadating ang panahon na ako naman ang ipa prioritize ni Miggy. Kainis pupunta na nga lang ako sa mall.

Don't miss judge me guys ha, kaibigan naman talaga ako ni Yana we are best friends sya pa nga ang nag introduce Kay miggy sakin dahil magkababata daw sila. Naiintindihan ko naman na may pinagdadaanan sya dahil namatayan sya ng parents pero sobra na kasi dapat natututo din syang tumayo on her own Hindi yung lagi syang nakadepend kay miggy. Konti na lang talaga at mapupuno na ako kay Yana.

Habang nasa loob ng coffee shop sa loob ng mall

" Miggy, bilisan mo naman madami pa tayong bibilihin " Malakas na sigaw ni Yana

pag karinig ko ng pamilyar na boses na iyon agad naman akong napalabas sa coffee shop para makita ang boyfriend ko na kasama nanaman si Yana.

Babe, masyado ka atang excited sa dinner date natin mamayang Gabi *insert sarcasm*

Babe I'm not sure kung makakatuloy pa tayo, kung gusto mo sama ka na lang saamin ni Yana

Miggy sino ba ang girlfriend mo? anong pumasok sa isip mo at naisip mo na sasama ako sa lakad nyo anong tingin mo sa akin chaperone?.

Zara bakit ba ganyan ka, alam mo naman na hindi ko pwedeng pabayaan si yana!

Miggy kailan ba magiging ako naman ang priority mo? Lagi na lang Yana ka ng Yana hindi mo ba maintindihan na kailangan din kita!

(Sigh)Babe alam mo naman na walang ibang pwedeng suporta at umalalay sa kanya diba kundi tayo lang tanging ikaw at ako ang natitira sa kanya kaya dapat suportahan at tulungan natin sya.

Eh paano naman ako? Minsan na nga lang tayo magkita tapos madalas pa pag nagkikita tayo isang text or tawag lang sayo ni Yana iiwan mo na agad ako.( pasigaw na sagot ko) Miggy naman sana kahit minsan din isipin mo na may kakayanan din akong masaktan hindi lang si Yana ang nahihirapan at nasasaktan sa sitwasyong ito pati ako Miggy tao lang din ako marunong din ako masaktan !

Pag katapos noon ay umalis na ako sa harap ni Yana at Miggy hindi ko na nakontrol ang sarili ko kaya naman nasabi ko ang mga bagay na iyon. Alam ko masakit ang sinabi ko kay miggy pati rin si Yana ay halatang naapektuhan nakita ko ang mga luhang nangingilid sa kanyang mga mata habang nagtatalo kaming dalawa ni Miggy.

Yana's POV

Habang naglalakad kami ni Miggy nagulat na lang ako at biglang may babaeng kumapit sa braso nya at sinabing Babe, masyado ka atang excited sa dinner date natin mamayang Gabi halata naman sa tono ng pananalita nya ang pang aasar at sa pagsasalitang iyon tsaka ko lang nabosesan na si Zara pala ang babaeng iyon. Lalapit na sana ako sa kanya upang yakapin sya pero natigil na lang ako sa likod ni miggy dahil sa talim ng mga titig nya sa akin ramdam ko ang pagkagalit ng mga mata nya na parang papatayin na ata ako sa tingin. Maya maya pa ay nagtalo na nga silang dalawa ni Miggy at di ko naman mapigilan ang hindi maiyak, hindi ko lubos isipin na may mga taong na palang naaapektohan sa sitwasyon ko, masyado na pala akong naging manhid sa mga tao sa paligid ko.

Nang mag walk out si Zara ay tsaka na lang bumalik sa katinuan ang pagiisip ko agad ko namang ibinaling ang atensyon ko kay Miggy.

" Miggy sige na sundan mo na siya" sinabi ko at halata naman ang pagkagulat sa kanyang mukha

" Yana hindi na wag mo na intindihin yun tara punta na tayo sa department store para matapos na tayo sa pamimili" ( fake smile)

" No miggy sige na habulin mo na si Zara kaibigan ko siya alam ko na nasasaktan na sya dahil lagi na lang ako ang inuuna mo and Im sorry for that simula nung mamatay ang parents ko hindi ko na napansin na masyado na pala akong naging dependent sayo". 

Mission: Make the criminal fall inloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon