Yana's POV
Matapos kong makita ang di kanais nais na tanawin sa condo ni Zara, nagtext na ako kay Tyler para malaman kung ano ang address ng condo nya dahil pupunta ako doon para naman maumpisahan na namin ang aming mission.
Pag dating ko sa condo ni Tyler kumatok na ako sa kanyang pinto at napagbuksan naman kaagad nya ako. Nagulat naman ako sa reaksyon nya ng makita ko syang nakanganga habang nakatingin sa akin, sa totoo lang medyo naiilang ako hindi ko alam kung bakit ba kase pag nakikita ako ni Tyler para lagi syang nagugulat at natutulala sa akin hjindi naman siguro ako mukhang multo.
Dahil tulala nanaman si Tyler ay sinigawan ko nanaman sya hanggang sa makabalik na siya sa kanyang sariling pag iisip. Dinaan ko na lang sa biro ang lahat alam ko sa mukha ko sya nakatingin pero tinukso ko na lang sya na bakla at naiinggit sya sa suot kong black dress para naman hindi kami maging awkward sa isa't isa. Isa pa baka naman kase isipin ni Tyler na may gusto ako sa kanya at sabihin na nag aasume pa ako na nakatingin sya sa akin.
Matapos ng tuksuhan ay napasyahan na naming pumunta sa Club 98 medyo malayo layo kasi ito sa condo ni Tyler kaya naman umalis na agad kami. Pinauna ako ni Tyler para hindi makahalata na magkakilala kami pinabuksan na lang nya ang GPS ng cellphone ko para naman daw madali nya akong ma track incase of emergency.
After half an hour of driving nakarating na rin ako sa club 98 medyo hindi nga lang ako sanay sa bar dahil hindi naman nauso sa bokabularyo ko ang pag babar hopping pag pasok ko sa loob ng bar hindi ko talaga nagugustuhan ang mga nakikita ko may mga couples na naghahalikan sa mga madidilim na sulok ng bar, mga girls na nakikipag flirt sa ibang lalaki sa bar at mga taong halatang lasing na pero sayaw parin ng sayaw sa gitna ng dance floor.
Hindi ko na lang pinansin ang mga nakikita ko at pinilit kong mag focus sa aking mission, nililibot ko ang mata ko sa buong place ng bar para mahanap kung nasaan si Warren ( drug lord). Sabi kasi sa amin na lagi naman daw sa unahan ng bar si warren at laging may mga lalaking nagtutumpukan sa pinupwestuhan nya may hikaw daw ito sa kanyang right ear at palagi daw naka black.
Kinakabahan talaga ako noong papalapit na ako sa harapan unang una alam kong isang kriminal ang taong iyon at baka may bigla na lang syang gawing masama sa akin, pangalawa hindi pa rin ako sigurado kung sya talaga yung Warren kasi hindi naman sya mukhang drug lord ang totoo nyan medyo ang cool pa nga ng dating nya sa paningin ko eh pero lahat ng descriptions ng mga dating agents ay tumutugma sa kanya.
Sinimulan kong makipagsiksikan sa dance floor para makadaan ako papunta sa place ni Warren may ilan na hinahawakan ang kamay ko para makipag sayaw pero agad naman akong nakakapiglas.
Pag dating ko sa harap ay kumuha ako ng dalawang shots ng margarita nanginginig pa ako by that time at hindi ko alam ang gagawin ko kaya bumilang muna ako ng tatlo at huminga ng malalim then sabay lakad papunta sa lugar kung nasaan si Warren.
" Hi, care for a drink?" Pinilit ko magpaka flirty ng husto para naman hindi nya mahalata na kinakabahan ako.
" Wanna do something in private with me?"
* Gulp*
" No mister, I just trying to befriend you cause I find you hot" OMG this is not so totally me yikes!
" Well I guess you came to the wrong guy, Ayoko ng nakikipag kaibigan".
" Uhm If that's the case can you dance with me instead" Gee, im not even dancing in my entire life
" Be thankful that you are beautiful enough kaya hindi ko kayang tanggihan ka"
" Let's go?"
BINABASA MO ANG
Mission: Make the criminal fall inlove
Teen FictionKung ikaw ang papipiliin ano ang iyong gagawin: Isuko ang taong minamahal mo para magawa ang iyong tungkulin? o Ipaglaban ang taong sa iyo ay napamahal na rin