Day One of the Mission

34 4 1
                                    

Yana's POV

Late na ako nagising ngayong araw na ito dahil medyo ginabe na rin kami ng uwi ni Tyler. Actually hindi ko naman talaga pinag iisipang bakla si Tyler nakakatuwa lang sya talagang asarin kung makikita nyo lang talaga yung mukha nya hahaha (priceless). 

Oo nga pala mamaya na namin uumpisahan ng Tyler na yun ang mission namin, Hay, ano kayang itsura ng Warren na yun baka naman mukha syang "kukurikapu" kahiyahiya namang landiin sya ng isang tulad ko at sana rin hindi sya maniac. Lord tulungan nyo po sana kami ni Tyler sa mission na ito please.

Dahil hindi muna ako pumasok ngayong umaga sa agency para makapaghanda sa mga gagawin ko mamayang gabi ay naisip kong pumunta muna ako sa condo ni Zara para na rin malaman ko kung nagkaayos na ba sila ni Miggy.

After few minutes of driving nakarating na rin ako sa condo ni Zara since bestfriend nya ako natural lang na alam ko ang passcode sa condo nya so I pressed 0617 yan yung code nya yun kase yung date ng anniversary nila ni miggy June 17 naging sila. 

"Zara!"  "Zara!"  "Zara!"  "Zara!"  Sigaw na ako ng sigaw parang walang nakakarinig sa akin so ive decided na pumasok sa room niya baka kase nandun sya sa loob soundproof kase lahat ng pinto ni Zara kaya ayun since hindi naman naka lock yung pinto nung room nya pumasok ako hanggang sa " Ahhhhhhhhhhhhhhh", so-sorry hindi ko sinasadyang makaistorbo at makita ang dapat kong makita sige aalis na ako next time na lang ako ulit dadalaw bye Miggy bye Zara" oh No my virgin and innocent eyes kainis naman kasalanan ko to eh kung di ba naman ako naging intruder hindi ko makikita ang scenario na yun pero bakit sila hindi naka lock ng pinto.

Palabas na sana ako ng condo ni Zara pero bigla naman akong hinabol ni Zara

" Yana, mali ang iniisip mo kaya kami magkapatong kase ano ahm ano kase si .. si Miggy inaagaw yung chips ko" pulang pula naman ang mukha ni Zara habang nagsasalita sya halatang nahihiya sya dahil nakita ko ang ginagawa nila.

" Ahm Zara hindi a-ano kase kaya lang naman ako dumaan gusto ko lang sana tignan kung nagka ayos na ba kayo ni Miggy pero since andito pala sya it means okay na kayo tsaka dont worry hindi naman ako nag iisip ng masama magkapatong lang naman eh"

Pag tapos kong magsalita ay nakita kong tulala si Zara  (0_0) dahil nga medyo awkward na makita ko sila in that position kaya naman nagpaalam ako at nagmadaling umalis sa condo nya. Pag sakay ko naman sa sasakyan ko di pa rin mawala sa isip ko ang nakita ko I know medyo matagal na sila magkarelasyon pero di pa sila kasal magagawa na nila agad yun, hai naman makapunta na nga lang kay Tyler para sabay na lang kaming pumunta sa Club 98 doon daw kase madalas pumunta si Warren yung drug lord kaya ayun doon ang first stop namin.

Zara's POV

Its been two days since nagkaayos kami ni Miggy alam nya naman na malaki ang naging pagkukulang nya sa akin since mamatay ang parents ni Yana kaya eto sya ngayon todo effort sa pagbawe sa akin. 

Napag Isipan namin na mag moviemarathon na lang dito sa condo ko nakakatamad kase na pumunta sa mall tsaka naaawa na ako sa credit card ni Miggy halos mapudpod na kase yun kakapaswipe ko nung isang araw.

So ayun nga nag moviemarathon kami ang pinapanood namin ay It takes a man and a woman ni Sarah at John Lloyd kumakain ako ng pringles cheese flavor super favorite ko kase yun kaya kong ubusin ang isang malaking can ng pringles ako lang mag isa ang kakain sa isang kainan lang. So ayun tahimik naman kami nanonod when suddenly biglang nangulit si Miggy pano ba naman inagaw nya sa akin ang most precious pringles ko huhuhu:((.

" Miggy ano ba ibalik mo nga sa akin yan, may isa pa doon sa may kitchen kunin mo na lang isa pa diba sour cream ang flovor na gusto mo cheese yan so it means its mine MINE ONLY MINE!!!! napapasigaw na ako kase naman kanina ko pa inaagaw yung pringles ko ayaw nya namang ibalik sa akin"

" Babe babalik ko naman eto eh pero kiss muna" *pout*

" Miguel Forteza gusto mo ba ikiskis ko yang ngusu mo sa pader akin na kase sabi yan eh ang kulit mo naman naiinis na talaga ako kay Miggy.

" Babe sige ka pag di mo ako kiniss uubusin ko itong pringles mo" habang sinasabi nya yan ay may hawak syang isang pirasong chips ng pringles sa kamay nya kaya naman no choice na ako dunambahan ko na talaga sya.

" Inubos mo na talaga pasensya ko ahh"

"Aaarrrrrgggggghhhhhh Zara ang sakit bakit ka ba nandadamba". Sasagot pa sana ako kaso lang biglang may sumigaw.

" Ahhhhhhhhhhhhhhh", so-sorry hindi ko sinasadyang makaistorbo at makita ang dapat kong makita sige aalis na ako next time na lang ako ulit dadalaw bye Miggy bye Zara" 

Si Yana bigla nyang binuksan yung pinto ang awkward pa dahil nakapatong ako kay Miggy at sa lakas ng pagkakadamba ko ay medyo napahiga pa kaming dalawa yung reaction ko ganito (0_0) tapos si Miggy naman naka *evil grin*. Kaya ayun tumayo na ako at hinabol ko agad ni Zara.

Sinubukan kong ipaliwanag sa kanya ang nakita nya pero parang di pa rin sya kumbinsido alam kong iba pa din ang iniisip nya kase nagmamadali syang umalis at halata sa reaction nya na lutang pa rin sya sa nakita nya. Hay patay ka talaga sa aking Miguel Forteza ka arrrgggg nakakainis talaga.

Tyler's POV

Nagtext sa akin si Yana na pupunta daw sya sa condo ko para naman daw sabay na kaming makapunta dun sa Club98 kung saan madalas tumambay yung drug lord tinext ko naman sa kanya ang address ko at naligo na rin ako para naman pag dating niya ay naka ayos na rin ako.

Pagkatapos kong maligo at mag ayos ng sarili ay sakto namang may kumatok sa pinto ko alam ko namang si Yana yun kaya naman napatakbo agad ako aba masama kayang paghintayin ang isang Dyosa.

Binuksan ko ang pinto as usual napanganga nanaman ako sa ganda nya biglang nagulat na lang ako dahil " HOY TYLER ANO MAY IPIS NANAMAN BA AT TULALA KA NANAMAN DYAN!!!" Sinigawan lang naman ako ni Yana kaya ayun speechless ako.

"Pffffft hahahahahha Tyler pwede bang Sissy na lang ang itawag ko sayo? maka tingin ka kasi sa dress ko halatang naiinggit ka eh gusto mo ba ibili din kita ng isa pero ayoko ng magkapareho tayo pink ang color na bibilihin ko para sayo hahahaha" Ayan nanaman si Yana mag uumpisa nanaman siya mang asar bakit ba kase pag nakikita ko sya lagi na lang akong nagiging speechless kusang umuurong ang dila ko kaya hirap na hirap akong magsalita.

" Sissy, hahahhaha wag ka nga masungit dyan eto naman hayaan mo bukas ibibili talaga agad kita ng dress" Ayan nanaman po si Yana

" Tss"   (>.<)

Inaya ko na si Yana na umalis at pumunta na nga kami sa Club 98 hindi kami nag sama sa isang sasakyan pinauna ko na si Yana at pina turn on ko ang GPS nya para matatrack ko sya agad ng madali after 5 minutes simula nung umalis si Yana ay sumunod na rin ako mahirap na alam nyo naman na mala Dyosa ang ganda ni Yana baka mabastos agad yun sa bar kung masyadong malayo ang pagitan naming dalawa.

Medyo malayo layo ang Club 98 sa condo ko pero after almost half an hour of driving nakarating na din ako sa wakas sa Club 98 pag pasok ko naman ay naupo na lang ako doon sa may bar at nag order ng Whisky ayoko naman na malasing kasi nga nasa mission ako tsaka I need to protect Yana alam kong hindi safe sa lugar na ito.

Nakapwesto ako sa table sa may bandang likod pero natatanaw ko naman si Yana sa pwesto nya halatang kabado si Yana sino ba naman ang hindi kakabahan eh hello ikaw kaya try mong makipag mingle sa isang drug lord.

So ayun medyo tumabi si Yana dun sa warren kung titignan mo nga naman ang lalaking ito hindi naman sya talaga mukhang drug lord mayamanin ang itsura nya tsaka hindi mo din maipagkakaila na may taglay na itsura rin ang drug lord na ito. Pero hoy baka iniisip nyong bakla ako huh dinidescrive ko lang sa inyo yung itsura nung drug lord na iyon.

Tingin na lang po kayo sa right side para makita nyo po itsura ni Warren :)

Hi there guys:)

Sorry bitin po ang update babawe na lang po ako sa susunod ha medyo busy po kase sa school

 Love lots,

♥♥♥

-L 

Mission: Make the criminal fall inloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon