Meet Tyler Kyle Marasigan

47 6 0
                                    

Yana's POV

Pagka alis ni Miggy ay pumunta na ako sa department store para bilihin ang iba pang pwede kong gamitin sa mission ko agad naman akong umuwi at exactly 10:00 pm nakarating na ako sa condo ko at nagtext na din ako kay miggy na nakarating na ako. 

Kinabukasan maaga akong nagising dahil may meeting pa kami sa gaency ng 8:00 kaya naman 6:00 a.m pa lang ay gumising na ako para makapag ayos na ng sarili ko matapos kong maligo ay isinuot ko na ang aking black boots leather shorts black sando with black cardigan lang ako.

Sa agency

" Agent Ayana Gonzales napagmeetingan namin na bibigyan ka namin ng partner sa task mo at ang makakapartner mo ay si Agent Tyler Kyle Marasigan halos sabay lang kayong pumasok sa agency pero sa magkaibang team lang kayo napunta be nice with other other agents and you may now go "

Mabuti naman pala at nabigyan ako ng partner sa mission ko pero paano ko magagawa ang plano namin ni miggy baka naman pag sinabi ko sa lalaking ito ay pagtawanan lang niya ako mukha pa namang mayabang ang dating ng lalaking yon. Sana naman magkasundo kami.

" Hi " :)

Nagulat ako at lumapit sya sa akin at nag hi pero kailangan kong maging komportable sa presence niya lalo pa ngayon at siya ang madalas kong makakasama

" Hello" :)

" Ako nga pala si Agent Tyler Marasigan halos isang buwan pa lang ako sa agency at ako ang magiging partner mo sa mission na hulihin si Warren  Xavier De Chavez ".

" Ako naman si Agent Ayana Natarcia Gonzales tawagin mo na lang akong Yana"

" So paano may plano ka na ba kung kelan at paano natin sisimulan mission na ito?"

" Actually meron na pero hindi ko alam kung papayag ka na gawin natin yung pinaplano ko"

" ano ba yung naiisip mo? "

Pinaliwanag ko na nga sa kanya ang plano namin ni miggy na kunin ang loob nung warren para mas mapadali namin ang task at malaman ang iba pang hide out ng kanilang grupo. Natutuwa naman ako at parang magkasundo kaming dalawa at nakapag plano na din kami na lagi na lang syang baback up sa akin para kung sakaling may mangyareng di maganda ay matutulungan niya ako agad. Akala ko noong una ay pagtatawanan lang niya ang plano ko dahil sabi ko nga sa inyo mukha syang mayabang pero hindi naman pala mabait naman pala talaga siya.

Tyler's POV

Nang may pumasok na babae sa loob ng opisina ng aming leader sa team. At pagdaan niya sa harap ko parang tumigil ang mundo ko para siyang isang anghel hindi nakakasawang pagmasdan ang ganda niya. Kahit gaano lang ka simple ang suot niyang damit at kahit face powder at lip balm lang ang ilagay niya sa mukha niya ang ganda ganda niya pa rin siya siguro ang partner ko sa mission ang swerte ko talaga. Mabuti na lang at kinakausap pa siya ng team leader namin kaya naman hindi niya nahahalata na kanina pa ako nakatitig sa kanya maya maya pa ay ipinakilala na ako ng team leader namin at lalo pa syang gumanda sa pagkakangiti niya.

Pag labas namin sa opisina ay nakita kong nakatalikod si Ayana kaya naman nilapitan ko sya at kinausap hindi ko alam kung ano ang sasabihi ko medyo nahihiya ako sa kanya na parang mauutal pa ako kaya wala na akong ibang nasabi kundi "hi" at nagpakilala ako sa kanya. Nang matapos niyang magpakilala ay tinanong ko muna kung may plano na siya sa mission namin nararamdaman ko kase na parang medyo may bad impression sya sa akin siguro dahil ito sa itsura ko medyo bad boy kase ako pumorma kaya siguro ganun na lang sya makasagot sa mga tanong ko. 

Habang sinasabi niya ang plano niya ay napapansin ko naman na unti unti namang lumalagay na ang loob niya sa akin siguro ay naisip niya na hindi naman pala ako kasing sama ng aura ng porma ko. Sa totoo lang noong una yung balak nya na gawing boy friend yung criminal na iyon matatawa na sana ako parang napaka babaw lang alam ko naman na hindi din ganong kadaling kautuin ang mga lalaking katulad ko pero naisip ko na kung ako yung criminal at makita ko agad si ayana malamang hulog agad ako sa bitag niya kaya naman pumayag na din ako sa plano niya at sinabi ko na baback up na lang ako sa kanya lagi. 

Mission: Make the criminal fall inloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon