*Petty*
Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa gate ng campus , sumalubong agad sa akin ang mga matataray at matatalim na tingin (na 'kala mo mangangain) ,
hindi nako magtataka dahil na naman siguro ito sa nangyari sa court.
"Grabe! Ang kapal talaga ng mukha nyang pumasok pa dito sa Loriel Academy , buti may natira pa syang kahihiyan sa katawan nya , pagkatapos nyang ipahiya si Prince Nick!"
"OO nga! sigurado akong pagsisihan naman nya yan eh!"
"Ang PANGET talaga nya!..hahahaha!!!
"Paano ba sya nakapasok dito??!!!" (Malamang may gate! e bobo rin pala ito eh!)
Aaahhhh! tama na! kung pwede lang akong sumigaw at pumatay eh ginawa ko na sana dati pa! hindi pa ako tuluyang nakakapasok sa classroom eh iniimpyerno na nila agad ako! GRRRRRR!!!!
At dahil madadaanan ko ang room qng CLASS A kung saan nandoon si BEAST! ehem Devil na lang tutal mas bagay naman iyon sa kanya! ahahaha!.......Ayun! Si Devil , yumuko ako at tinakpan yung mukha ko , mahirap na! baka makasalubong ko sya at kung ano na namang kamalasan ang mangyare!.
Dahan dahan akong naglalakad at parang ninjang tumitingin sa paligid.
Dahan~Dahan~Dahan lang~~ "Easy ka lang Petty! , malalagpasan mo din itong delubyong to"........
"Hoy!!" sigaw ng isang boses sabay hinawakan ako~~!!!
"Whaaaaa!!! Layuan mo ako !!? Layuan mo ako!!" sigaw ko habang nagpupumiglas, "Huy! , Si Ken to!!"
Haayyy~
medyo nakahinga na ako ng maluwag dahil si Sis Ken lang pala~ buti naman at pumasok na sya , taga CLASS B pana man sya...anyari ba sa kanya at bakit sya umabsent? Tinignan ko sya mula ulo hanngang paa , pero wala naman kakaibang nabago sa kanya?
"Bakit ka Absent??" tanong ko sa kanya.
"Ah-kkaa-ssi ano eh??......" sagot nya habang nauutal sa pagsasalita at napapakamot sa ulo nya.
"W-wala sige pasok na ko , ikaw rin"nauutal pagkasabi sabay lakad palayo. Anu kaya problema nun ? Haayy~~. Nang makapasok na sya sa room nya , naglakad narin ako papuntang room ko.Gusto ko sana ng ikwento sa kanya yung nangyari kahapon kaso lang para akong nahihiya na ewan? ,
syempre ,paano ko naman sasabihin sa kanya na hinalikan ako ng isang Nick Villegas noh? Baka nga pagtawanan nya pa ako eh , kaya wag na lang! --.--
Pagpasok ko sa room , bumungad agad sa akin yung dalawang nangiwan sa akin , Si Kristine at si Jeux. Ang akala ko pa naman kaibigan ko sila pero nangiiwan sila!
"Sorry Petty! ang akala ko kasi crush mo si Nick kaya tinawag ko siya , tapos iniwan ko kayo para makapag moment kayong dalawa.. , eh hindi ko naman alam na ganun pala mangyayari eh~~" Paliwanag sa akin ni Kristine
"OO nga! Gusto ka talaga namen maging kaibigan kasi mabait ka :3" Sabi naman ni Jeux
Anu bang problema ng dalawang to? ang panget ko eh tapos gusto nilang akong maging kaibigan ? Hindi ko rin alam kung anong merong gayuma sa kanila para gumaan agad ang loob ko sa kanila , Sabagay , choosy pa ba ako? eh sino ba naman ako di ba ?
"Sige na nga!" Sabi ko sa kanila pero nagulat ako ng bigla nila akong niyakap. Ang sarap pala ng ganito , kasi hindi na masyadong namamansin si Sis Ken eh -.-. Huehuehue..Bakit kaya? T.T
~~~~~~~~~~
Nasa kalagitnaan na kami ng klase ng ipatawag ako ng isang teacher sa labas, kaya tinignan ko naman agad kung sino at laking gulat ko ng makita ko yung teacher na kalandian ni Nick sa lumang library . Anu namn kaya ang kelangan nya??
Omg! baka nakita nya yung kiss namin ni Nick! -.- Pero malabo naman ata yun dahil wala naman masyadong dumadaan na tao dun eh at kami lang ni Nick ang naiwan don dahil ang pagkakaalam ko umalis na itong teacher agad ? :3 \
Napalingon muna ako sa kinaroonan nila Kristine at Jeux, bakit kaya nag ngingisian at nagbubulungan silang dalawa?
"Follow me!" he ordered , kaya sinundan ko nalang sya~~ Pumasok kami sa Office ng Guidance Councelor , Ano kayang problema? O.o Pinaupo nya ako dun sa upuan malapit dun sa table ng guidance councelor teacher.
"What is this?! , Nababaliw ka naba?, sa lahat ba namn ng lalaking papatusin mo,si Nick Villegas pa? Sorry Petty pero kelangan kong tanggalin ang scholarship mo,yan ang punishment!~~kalat na kalat na ito!!"
Sabay irap nya,Anu bang problema nya ?
"Po? bakit po? anu po bang---"
Nasagot lang ang tanong ko ng may inilabas syang litrato , , Sandali..parang familiar sa akin ang larawan na yu--
Y-YUNG PICTURE!!! PATAY KANG PETTY KA!! HUMANDA KA NA!! MANGANGANIB BUHAY MO!!.
Ipinaliwanag nila sa akin kung ano ang mga posibleng mangyari pag nakita ng lahat yung picture namin ni Nick~~ eh kumakalat na nga daw eh,,,Para tuloy ayoko ng lumabas ng Guidance Office eh malay mo bang may biglang bumaril sa akin pagkalabas ko XD joke -.-
at isa pa pag nawala ang scholarship ko,magagalit sina Tita at baka hindi nako pag aralin</3 hindi naman kasi ako matalinong nilalang para mabigyan ulet ng scholarship noh! Nakakuha lang naman ako dahil kumakanta ko sa mga livestream pag may event , at syempre dahil panget ako ,
hindi ako kumakanta sa maraming tao , may nagli-lipsing lang na tao pero ng totoo ako talaga yung kumakanta sa backstage----unfair!!! ,200 pounds of beauty lang ang peg ko pero mas bagay kung tatawaging "200 pounds of Unlucky face"
Hindi ko na alam ang gagawin ko!! >< Bwisit !! Si Devil Nick lang naman ang may gawa nito dahil sya lang may copy ng picture na toh!
Uuuwahhhhh!!!!! I hate that man , he's an asshole! wala syang puso!! Humanda sya sa akin!!!
BINABASA MO ANG
BAKIT ANG PANGET MO? (On-Going)
Teen FictionMatapos ang nangyareng ONE NIGHT STAND sa pagitan ng isang di kagandahang babae at sa isang lalaking kilala at may iniingatang pangalan paano kaya nila haharapin ang mga mangyayare kung parehas lang silang napipilitan sa isang kasunduan.